Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga bilangguan at kadena

Mga nakagugulat na detalye

Mga bilangguan at kadena sa Bibliya

45 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Sa Lumang Tipan

  • Ibinilanggo si Jose sa bilangguan ng mga bilanggo ng hariGen 39:20
    Ang mga talata
    Gen 39:20Kinuha si Jose ng kanyang amo at siya ay nilagay sa bilangguan, ang lugar na kung saan nakakulong ang mga bilanggo ng hari. Siya ay naroon sa bilangguan.
  • Ipinagkatiwala ng bantay ng bilangguan kay Jose ang lahat ng bilanggoGen 39:22
    Ang mga talata
    Gen 39:22Binigay ng bantay ng kulangan sa kamay ni Jose ang pamamahala sa lahat ng bilanggo sa kulungan. Kahit anong gawin nila roon, si Jose ang namamahala.
  • Ikinulong sa iisang bilangguan ang tagapagdala ng kopa at ang panadero ng ParaonGen 40:3
    Ang mga talata
    Gen 40:3Sila ay nilagay niya sa kulungan sa pangangasiwa ng kapitan ng mga bantay, sa parehong kulungan kung saan nakabilanggo si Jose.
  • Inilabas si Jose mula sa piitan, inahitan, at nagpalit ng damitGen 41:14
    Ang mga talata
    Gen 41:14Pagkatapos pinadala at pinatawag ni Paraon si Jose. Mabilis nila siyang inilabas mula sa piitan. Inahitan niya ang kaniyang sarili, pinalitan ang kaniyang damit, at pumunta kay Paraon.
  • Ikinulong ni Jose ang kaniyang mga kapatid nang tatlong araw, saka iginapos si SimeonGen 42:17, Gen 42:24
    Ang mga talata
    Gen 42:17Silang lahat ay isinailalim niya sa pagkakabilanggo sa loob ng tatlong araw.
    Gen 42:24Siya ay tumalikod sa kanila at nanangis. Bumalik siya at nagsalita sa kanila. Kinuha niya si Simeon mula sa piling nila at iginapos siya habang sila ay nakatingin.
  • Ahab: ibilanggo si Micaya at pakainin ng tinapay at tubig1 Hari 22:27
    Ang mga talata
    1 Hari 22:27'Sinabi ng hari, ilagay ang lalaking ito sa bilangguan at pakainin ng kaunting tinapay at kaunting tubig, hanggang sa makarating akong ligtas.'”
  • Sa matinding galit, ibinilanggo ni Asa ang propetang si Hanani2 Cro 16:7, 2 Cro 16:10
    Ang mga talata
    2 Cro 16:7Sa panahong iyon, pumunta ang manghuhulang si Hanani kay Asa, ang hari ng Juda at sinabi sa kaniya, “Dahil umasa ka sa hari ng Aram at hindi ka umasa kay Yahweh na iyong Diyos, ang hukbo ng hari ng Aram ay nakatakas mula sa iyong mga kamay.
    2 Cro 16:10Pagkatapos, nagalit si Asa sa propeta; ikinulong niya ito, sapagkat nagalit siya sa kaniya sa mga bagay na ito. Sa araw na iyon, pinahirapan ni Asa ang ilan sa mga tao.
  • Ibinilanggo ng hari ng Asiria si Haring Hosea2 Hari 17:4
    Ang mga talata
    2 Hari 17:4Pagkatapos nabatid ng hari ng Asiria na si Hoesa ay nagbabalak laban sa kaniya, dahil nagsugo ng mga mensahero si Hosea kay So hari ng Ehipto; gayundin, hindi siya nagbibigay ng buwis sa hari ng Asiria, tulad ng ginagawa niya taon-taon. Kaya ang hari ng Asiria ay iginapos at ikinulong siya.
  • Dinala si Manases sa Babilonia na may kawit at tansong kadena2 Cro 33:10–11
    Ang mga talata
    2 Cro 33:10–11Nakipag-usap si Yahweh kay Manases, at sa kaniyang mga tao; ngunit hindi nila pinakinggan. Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
  • Si Zedekias, binulag, ay dinala sa Babilonia na nakatansong kadena2 Hari 25:7, Jer 52:11
    Ang mga talata
    2 Hari 25:7Tungkol sa mga anak na lalaki ni Zedekias, pinatay nila sila sa harap ng kaniyang paningin. Pagkatapos dinukot niya ang kaniyang mga mata, ginapos sa mga tansong tanikala, at dinala siya sa Babilonia.
    Jer 52:11Pagkatapos dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos siya ng tansong tanikala at dinala siya sa Babilonia. Ikinulong siya ng hari ng Babilonia hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
  • Pinalaya si Jehoiakin pagkalipas ng tatlumpu’t pitong taon at kumain sa hapag ng hari2 Hari 25:27–29
    Ang mga talata
    2 Hari 25:27–29Kinalaunan nang ika-tatlumpu't pitong taon ng pagkapatapon ni Jehoiakin hari ng Juda, sa ika-labing dalawang buwan, sa ika-dalawampu't pitong araw ng buwan, na pinalaya ni Evil Merodac hari ng Babilonia si Jehoiakin hari ng Juda mula sa bilangguan. Nangyari ito sa taon na nagsimulang maghari si Evil Merodac. Maayos siyang nakipag-usap sa kaniya at binigyan siya ng isang puwesto na mas marangal kaysa sa ibang mga hari na kasama niya sa Babilonia. Hinubad ni Evil Merodac ang mga damit pang bilangguan ni Jehoiakin, at regular na kasalo sa hapag kainan ng hari si Jehoiakin habang siya ay nabubuhay.

Si Jeremias

  • Pinalo at inilagay sa pangawan sa Itaas na Tarangkahan ni BenjaminJer 20:2
    Ang mga talata
    Jer 20:2Kaya hinampas ni Pashur si Jeremias na propeta at pagkatapos inilagay siya sa mga pangawan na nasa Itaas na Tarangkahan ni Benjamin sa tahanan ni Yahweh.
  • Ikinulong sa piitan sa bahay ng eskribang si JonatanJer 37:15–16
    Ang mga talata
    Jer 37:15–16Nagalit ang mga opisyal kay Jeremias. Binugbog nila siya at inilagay sa bilangguan na tahanan ni Jonatan na eskriba, sapagkat ginawa nila itong bilangguan. Kaya inilagay si Jeremias sa seldang nasa ilalim ng lupa, kung saan siya nanatili ng maraming araw.
  • Pinanatili sa patyo ng bantay, na may isang tinapay araw-arawJer 32:2, Jer 37:21
    Ang mga talata
    Jer 32:2Sa panahong iyon, sinasalakay ng hukbo ng hari ng Babilonia ang Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakakulong sa patyo ng bantay sa tahanan ng hari ng Juda.
    Jer 37:21Kaya nagbigay ng isang utos si Haring Zedekias. ipinasok ng kaniyang lingkod si Jeremias sa loob ng patyo ng mga bantay. Binibigyan siya ng isang tinapay araw-araw mula sa lansangan ng mga panadero, hanggang maubos ang lahat ng tinapay sa lungsod. Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay.
  • Ibinaba sa pamamagitan ng lubid sa isang balong walang tubig, putik lamangJer 38:6
    Ang mga talata
    Jer 38:6At dinala nila si Jeremias at hinagis siya sa balon ni Malquias na anak ng hari. Nasa patyo ng mga bantay ang balon. Ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Walang tubig ang balon, ngunit maputik ito, at lumubog siya sa putik.
  • Pinalaya sa Rama mula sa mga kadena sa kaniyang mga pulsoJer 40:1, Jer 40:4
    Ang mga talata
    Jer 40:1Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh pagkatapos siyang ipinadala mula sa Rama ni Nebuzaradan, na kapitan ng tagapagbantay ng hari. Na kung saan nadala na roon si Jeremias, at kung saan ginapos siya ng mga kadena. Kasama niya ang mga bihag sa Jerusalem at sa Juda na ipapatapon sa Babilonia.
    Jer 40:4Ngunit tingnan mo ngayon! Pinakawalan kita sa araw na ito mula sa mga kadenang nasa iyong mga kamay. Kung mabuti sa iyong paningin na sumama sa akin sa Babilonia, halika, at aalagaan kita. Ngunit kung hindi mabuti sa iyong paningin ang sumama sa akin sa Babilonia, kung gayon huwag mong gawin. Tumingin ka sa lahat ng lupaing nasa iyong harapan. Pumunta ka kung saan mabuti at tama sa iyong paninging puntahan.”

Sa Bagong Tipan

  • Iginapos ni Herodes si Juan at ibinilanggoMat 14:3
    Ang mga talata
    Mat 14:3Sapagkat ipinadakip ni Herodes si Juan, iginapos siya at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.
  • Mula sa bilangguan, nagsugo si Juan ng kaniyang mga alagad kay JesusMat 11:2
    Ang mga talata
    Mat 11:2Ngayon, nang marinig ni Juan mula sa bilangguan ang mga bagay tungkol sa mga gawa ng Cristo, nagpadala siya ng mensahe sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad
  • Pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguanMat 14:10
    Ang mga talata
    Mat 14:10Nag-utos siya at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.
  • Nakabilanggo si Barabbas dahil sa paghihimagsik at pagpatayLuc 23:19
    Ang mga talata
    Luc 23:19Si Barabbas ay isang taong ibinilanggo dahil sa pagrerebelde sa lungsod at dahil sa pagpatay.
  • Jesus: “Ako ay nasa bilangguan at dinalaw ninyo ako”Mat 25:36
    Ang mga talata
    Mat 25:36ako ay hubad at dinamitan ninyo ako, ako ay may sakit at inalagaan ninyo ako; ako ay nasa kulungan at pinuntahan ninyo ako.
  • Ikinulong nang magdamag sina Pedro at Juan dahil gabi naGawa 4:3
    Ang mga talata
    Gawa 4:3Sila ay dinakip nila at inilagay sa kulungan hanggang sa kinabukasan, sapagkat gabi na noon.
  • Wala na sa bilangguan ang mga apostol, kahit nakakandado pa ito at may bantayGawa 5:18–19, Gawa 5:23
    Ang mga talata
    Gawa 5:18–19at dinakip nila ang mga apostol, at inilagay sila sa pampublikong bilangguan. Ngunit kinagabihan binuksan ng anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan at ginabayan sila palabas, at sinabi,
    Gawa 5:23“Natagpuan namin na maingat na nakasarado ang bilangguan at ang mga bantay ay nakatayo sa pintuan, ngunit nang aming buksan ay wala kaming nakita.”
  • Mahigpit na binantayan, natulog si Pedro na nakakadena sa pagitan ng dalawang sundaloGawa 12:4, Gawa 12:6
    Ang mga talata
    Gawa 12:4Pagkatapos siyang dakipin, ipinabilanggo siya at nagtalaga ng apat na pangkat ng mga sundalo upang siya ay bantayan; binabalak niyang iharap si Pedro sa mga tao pagkatapos ng Paskwa.
    Gawa 12:6Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
  • Nalaglag ang mga kadena, at kusang bumukas ang bakal na tarangkahanGawa 12:7, Gawa 12:10
    Ang mga talata
    Gawa 12:7At biglang lumitaw ang isang anghel ng Diyos sa kaniyang tabi at isang ilaw ang lumiwanag sa bilangguan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising at sinabi, “Bumangon kang madali.” Pagkatapos nahulog ang kaniyang mga kadena sa kaniyang mga kamay.
    Gawa 12:10Pagkatapos nilang makalampas sa una at sa pangalawang bantay, nakarating sila sa pintuang bakal na patungo sa lungsod, kusa itong bumukas para sa kanila. Lumabas sila at bumaba sa isang kalye, at kaagad siyang iniwan ng anghel.
  • Sa Filipos: ang panloob na selda, nakapangaw ang mga paaGawa 16:23–24
    Ang mga talata
    Gawa 16:23–24Nang mapalo na sila ng maraming beses, ipinatapon sila sa bilangguan at inutusan ang bantay ng bilangguan na sila ay bantayang maigi. Pagkatapos niyang matanggap ang utos na ito, pinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at ikinadena ang kanilang paa sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy.
  • Sa hatinggabi, binuksan ng lindol ang mga pinto, at nakalag ang lahat ng kadenaGawa 16:25–26
    Ang mga talata
    Gawa 16:25–26Nang maghahating gabi na sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig ang ibang bilanggo sa kanila. Biglang may malakas na lindol, kaya't ang mga pundasyon ng bilangguan ay nayanig; at agad nagbukas ang lahat ng mga pintuan, at nakalas ang kadena ng bawat isa.
  • Sa Jerusalem, iginapos si Pablo ng dalawang kadenaGawa 21:33
    Ang mga talata
    Gawa 21:33Pagkatapos lumapit ang pinunong kapitan at dinakip si Pablo, at nag-utos na igapos siya gamit ang dalawang kadena. Tinanong niya kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa.
  • Iniwan ni Felix si Pablo sa bilangguan nang dalawang taonGawa 24:27
    Ang mga talata
    Gawa 24:27Ngunit pagkaraan ng dalawang taon, si Porcio Festo ang naging gobernador kapalit ni Felix, ngunit nais ni Felix na magtamo ng pabor ng mga Judio, kaya iniwan niya si Pablo na patuloy na binabantayan.
  • Sa Roma, nanirahan si Pablo na may sundalong nagbabantay sa kaniya, nakakadenaGawa 28:16, Gawa 28:20
    Ang mga talata
    Gawa 28:16Nang kami ay pumasok sa Roma, pinayagan si Pablo na tumirang mag isa kasama ang sundalong nagbantay sa kaniya.
    Gawa 28:20Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.
  • Nanatili siya nang dalawang buong taon sa sarili niyang inuupahang bahayGawa 28:30
    Ang mga talata
    Gawa 28:30Si Pablo ay nanirahan ng buong dalawang taon sa kaniyang inupahang bahay, at tinanggap niya ang lahat ng lumalapit sa kaniya.
  • Hindi ikinahiya ni Onesiforo ang mga kadena ni Pablo2 Tim 1:16
    Ang mga talata
    2 Tim 1:16Kahabagan nawa ng Panginoon ang sambahayan ni Onesiforo, sapagkat madalas niya akong pinalalakas at hindi niya ikinahiya ang aking kadena.

Mga gintong kuwintas

  • Isinuot ng Paraon ang gintong kuwintas sa leeg ni JoseGen 41:42
    Ang mga talata
    Gen 41:42Tinanggal ni Paraon ang kaniyang singsing na pantatak mula sa kaniyang kamay at nilagay niya ito sa kamay ni Jose. Binihisan niya siya ng mga damit na pinong lino at nilagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg.
  • Ipinasuot ni Belsazar ang gintong kuwintas sa leeg ni DanielDan 5:29
    Ang mga talata
    Dan 5:29Pagkatapos nito, nagbigay ng utos si Belsazar na damitan ng kulay ube si Daniel. Isang kuwintas na ginto ang isinuot sa kaniyang leeg at nagpahayag ang hari tungkol sa kaniya na siya ay magkakaroon ng kapangyarihan sa ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.
  • Kinuha ni Gideon ang mga kuwintas sa leeg ng mga kamelyo ng MidianHuk 8:26
    Ang mga talata
    Huk 8:26Ang bigat ng mga gintong hikaw na kaniyang hiningi ay 1,700 siklo ng ginto. Itong nakuha nila sa panloloob ay dagdag sa gasuklay na hugis na mga palamuti, ang mga palawit, ang kulay ube na kasuotan na sinusuot ng mga hari ng Midian at karagdagan sa mga kadena na nakapalibot sa leeg ng kanilang mga kamelyo.
  • Nagsabit si Solomon ng mga gintong kadena sa harap ng kaloob-loobang santuwaryo1 Hari 6:21
    Ang mga talata
    1 Hari 6:21Nilatagan ni Solomon ang loob ng templo ng purong ginto. At nilagyan niya ng tanikalang ginto ang kabilang panig na harap ng panloob na silid, at nilatagan niya ng ginto ang harapan.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0