Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga balon

Mga nakagugulat na detalye

Mga balon sa Bibliya

20 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Nakakita si Agar ng balon at pinainom ang bataGen 21:19
    Ang mga talata
    Gen 21:19Pagkatapos minulat ng Diyos ang mga mata ni Agar at nakakita siya ng isang balon ng tubig. Pinuntahan niya ito at pinuno ng tubig ang lalagyang gawa sa balat at pinainom ang bata.
  • Nagbigay si Abraham ng pitong kordero bilang saksi na siya ang humukay ng balon sa Beer-sebaGen 21:25–31
    Ang mga talata
    Gen 21:25–31Nagreklamo rin si Abraham kay Abimelek patungkol sa balon ng tubig na inagaw mula sa kanya ng mga lingkod ni Abimelek. Sinabi ni Abimelek, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa ng bagay na ito. Hindi mo ito sinabi sa akin liban ngayon; hindi ko ito narining kundi ngayon.” Kaya kumuha si Abraham ng tupa at mga lalaking baka at binigay ang mga ito kay Abimelek, at gumawa ang dalawa ng isang kasunduan. Pagkatapos nagbukod si Abraham ng pitong mga babaeng tupa ng kawan. Sinabi ni Abimelek kay Abraham, “Anong kahulugan nitong pitong babaeng tupang ibinukod mo?” Sumagot siya, “Matatanggap mo mula sa aking kamay itong pitong babaing tupa, upang maging saksi para sa akin, na hinukay ko ang balong ito.” Kaya tinawag niya ang lugar na iyong Beer-seba, dahil doon sila kapwa nagsumpaan ng isang kasunduan.
  • Tinabunan ng mga Filisteo ang mga balon ni Abraham; muling hinukay ni Isaac ang mga itoGen 26:15, Gen 26:18
    Ang mga talata
    Gen 26:15Ngayon ang lahat ng mga balon na hinukay ng mga lingkod ng kanyang ama sa panahon ni Abraham, na hininto ng mga Palestina sa pamamagitan ng pag-tambak ng lupa.
    Gen 26:18Muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig, na hinukay nila noong panahon ni Abraham na kanyang ama. Pinahinto sila ng mga Filisteo pagkatapos mamatay ni Abraham. Tinawag ni Isaac ang mga balon sa parehong mga pangalan na binigay ng kanyang ama dito.
  • Pag-aaway dahil sa mga balon: Esek, Sitnah, saka RehobotGen 26:20–22
    Ang mga talata
    Gen 26:20–22Ang mga pastol na lalaki ng Gerar ay nakipag-away sa mga pastol na lalaki ni Isaac, at sinabi “Ang tubig na ito ay sa amin.” Kaya tinawag ni Isaac ang balon na iyon na “Esek,” dahil nakipag-away sila sa kanya. Pagkatapos naghukay sila ng isa pang balon, at nag-away rin sila nito, kaya binigyan niya ito ng pangalang “Sitnah.” Umalis siya doon at naghukay muli ng isa pang balon, subalit hindi na nila pinag-awayan ang isang iyon. Kaya tinawag niya itong Rehobot, at sinabi niya, “Ngayon ay gumawa si Yahweh ng kaluwagan sa amin, at tayo ay sasagana sa lupa.”
  • Nakatagpo ng tubig ang mga lingkod ni Isaac: Seba, Beer-sebaGen 26:32–33
    Ang mga talata
    Gen 26:32–33Nang araw ding iyon dumating ang mga lingkod ni Isaac at sinabi sa kanya tungkol sa balong kanilang hinukay. Sinabi nila, “Nakakita kami ng tubig”, Tinawag niya ang balon na Seba, kaya ang pangalan ng lungsod na iyon ay Beer-seba hanggang sa araw na ito.
  • Ang balong pinangalanang BeerlahairoiGen 16:14
    Ang mga talata
    Gen 16:14Dahil dito tinawag na Beerlahairoi ang balon; masdan, naroon ito sa pagitan ng Kades at Bered.
  • Dumating si Rebeca sa bukal na may dalang bangaGen 24:16
    Ang mga talata
    Gen 24:16Ang dalaga ay napakaganda at isang birhen. Wala pang lalaki ang sumiping sa kanya. Pumunta ang babae sa bukal at pinuno ang kanyang pitsel, at umahon.
  • Isang malaking bato ang nakatakip sa bunganga ng balon sa HaranGen 29:2–3
    Ang mga talata
    Gen 29:2–3Nang siya ay nagmasid, mayroon siyang nakitang balon sa bukid, at nakita niya, na may tatlong mga kawan ng tupa na namamahinga sa paligid nito. Dahil mula sa balong iyon pinapainom nila ang mga kawan, at ang bato sa bunganga ng balon ay malaki. Kapag sama-samang napagtipon ang lahat ng mga kawan doon, igugulong ng mga pastol ang bato mula sa bunganga ng balon at paiinumin ang mga tupa, at pagkatapos ibabalik muli ang bato sa bunganga ng balon, pabalik sa kinalalagyan nito.
  • Iginulong ni Jacob ang bato at pinainom ang kawan ni RaquelGen 29:10
    Ang mga talata
    Gen 29:10Nang makita ni Jacob si Raquel, anak na babae ni Laban, kapatid na lalaki ng kanyang ina, lumapit si Jacob, pinagulung ang bato mula sa bunganga ng balon, at pinainom ang kawan ni Laban, na kapatid ng kanyang ina.
  • Naupo si Moises sa tabi ng balon sa Midian at tinulungan ang pitong magkakapatid na babaeExo 2:15–17
    Ang mga talata
    Exo 2:15–17Ngayon nang marinig ni Paraon ang tungkol dito, sinubukan niyang patayin si Moises. Pero tumakas si Moises mula kay Paraon at nanatili sa lupain ng Midian. Umupo siya doon sa tabi ng isang balon. Ngayon ang pari ng Midian ay mayroong pitong anak na babae. Dumating sila, umigib ng tubig, at pinuno ang mga labangan para painumin ang kawan ng kanilang ama. Dumating ang mga pastol at sinubukang palayasin sila, pero lumapit si Moises at tinulungan sila. Pagkatapos pinainom niya ang kanilang mga kawan.
  • Umawit ang Israel sa isang balon: “Bumukal ka, balon!”Bil 21:16–18
    Ang mga talata
    Bil 21:16–18Mula roon naglakbay sila patungo sa Beer, na kung saan ay naroon ang balon na sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sama-sama mong tipunin ang mga tao upang bigyan ko sila ng tubig.” At inawit ng Israel ang awiting ito: “Bumukal ka, balon. Awitin ang tungkol dito. Ang balong hinukay ng ating mga pinuno, ang balong hinukay ng mga taong marangal sa pamamagitan ng setro at kanilang mga baston.” Pagkatapos mula sa ilang naglakbay sila patungong Matana.
  • May mga balon ang lupang pangako na hindi nila hinukayDeut 6:11
    Ang mga talata
    Deut 6:11at mga bahay na puno sa lahat ng uri ng mabubuting mga bagay na hindi mo ginawa, mga balon na hindi ninyo hinukay, at mga ubasan at kahoy ng mga olibo na hindi ninyo itinanim, makakakain kayo at masisiyahan—
  • Nagtago ang mga espiya ni David sa loob ng balon sa Bahurim2 Sam 17:18–19
    Ang mga talata
    2 Sam 17:18–19Pero nakita sila ng isang binata at sinabi kay Absalom. Kaya nagmadaling umalis sina Jonatan at Ahimaaz at dumating sa bahay ng isang tao sa Bahurim, na may isang balon sa kaniyang patyo, kung saan sila bumaba. Kinuha ng asawa ng lalaki ang pantakip ng balon at inilatag ito sa bukana ng balon at hinagisan ito ng trigo, kaya walang isa ang nakakaalam na nasa balon sina Jonatan at Ahimaaz.
  • Ikinuha si David ng tatlong magigiting na lalaki ng tubig mula sa balon ng Betlehem2 Sam 23:15–16
    Ang mga talata
    2 Sam 23:15–16Nagnais si David ng tubig at sinabing, “Kung mayroon lamang magbibigay sa akin ng tubig na maiinom mula sa balon ng Bethlehem, ang balon na nasa tarangkahan!” Kaya sinira ng tatlong magigiting na lalaki ang hukbo ng mga taga-Filisteo at sumalok ng tubig sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala ito kay David, pero hindi niya ininom ito. Sa halip, ibinuhos niya ito kay Yahweh.
  • Naghukay si Uzias ng maraming imbakan ng tubig para sa kaniyang mga alagang hayop2 Cro 26:10
    Ang mga talata
    2 Cro 26:10Nagtayo siya ng mga toreng bantayan sa ilang at naghukay ng maraming balon, sapagkat marami siyang mga baka sa mababang lugar gayon din sa mga kapatagan. Mayroon siyang mga magsasaka at mga nagtatanim ng ubas sa mga burol sa bansa at sa mabungang mga bukirin, sapagkat mahal niya ang pagsasaka.
  • Itinapon si Jose sa isang hukay na walang laman at walang tubigGen 37:24
    Ang mga talata
    Gen 37:24Dinala siya at itinapon siya sa loob ng balon. Walang laman ang balon ni wala itong tubig.
  • Lumubog si Jeremias sa putik ng isang tuyong imbakan ng tubigJer 38:6
    Ang mga talata
    Jer 38:6At dinala nila si Jeremias at hinagis siya sa balon ni Malquias na anak ng hari. Nasa patyo ng mga bantay ang balon. Ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Walang tubig ang balon, ngunit maputik ito, at lumubog siya sa putik.
  • Naupo si Jesus sa tabi ng balon ni Jacob bandang ikaanim na orasJuan 4:6
    Ang mga talata
    Juan 4:6Naroon ang balon ni Jacob. Napagod si Jesus sa kaniyang paglalakbay, at siya ay umupo sa may balon. Ito ay magtatanghaling tapat.
  • Ang babae: wala kang pansalok, at malalim ang balonJuan 4:11
    Ang mga talata
    Juan 4:11Sumagot ang babae, “Ginoo, wala kang panalok, at malalim ang balon. Saan kayo kukuha ng tubig na buhay?

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0