Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga lindol

Mga nakagugulat na detalye

Mga lindol sa Bibliya

15 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Binabanggit ng Mga Awit ang pagyanig ng lupa at panginginig ng mga bundokAwit 18:7, Awit 46:2–3, Awit 104:32
    Ang mga talata
    Awit 18:7Kaya nayugyog at nayanig ang lupa; maging ang mga pundasyon ng mga bundok, nayanig at nayugyog dahil nagalit ang Diyos.
    Awit 46:2–3Kaya nga, hindi kami matatakot, kahit na ang lupa ay mabago, kahit na ang mga kabundukan ay mayanig papunta sa puso ng karagatan, kahit na ang mga tubig nito ay umugong at mangalit, at kahit ang mga kabundukan ay mayanig sa pagragasa ng tubig. Selah
    Awit 104:32Pinagmamasdan niya ang daigdig, at ito ay nayayanig; hinahawakan niya ang kabundukan, at ang mga iyon ay umuusok.

Mga halimbawa

  • Lumindol nang malakas ang buong Bundok SinaiExo 19:18, Awit 68:8
    Ang mga talata
    Exo 19:18Lubusang nababalutan ng usok ang Bundok ng Sinai dahil kay Yahweh na bumaba doon na may apoy at usok. Pumaitaas ang usok katulad ng usok ng isang pugon at marahas na nabulabog ang buong bundok.
    Awit 68:8nanginig ang lupa; nagbuhos din ng ulan ang kalangitan sa presensiya ng Diyos, sa presensiya ng Diyos nang pumunta siya sa Sinai, sa presensiya ng Diyos, ang Diyos ng Israel.
  • Bumuka ang lupa sa ilalim nina Korah, Datan at AbiramBil 16:31–32
    Ang mga talata
    Bil 16:31–32Pagkatapos sabihin ni Moises ang lahat ng salitang ito, bumukas ang lupang sa ilalim ng mga lalaking ito. Ibinukas ng lupa ang bibig nito at nilamon sila, ang kanilang mga pamilya, at lahat ng mga taong nabibilang kay Korah, pati na rin ang kanilang mga ari-arian.
  • Lumindol sa kampo ng mga Filisteo matapos ang paglusob ni Jonatan1 Sam 14:15
    Ang mga talata
    1 Sam 14:15May isang kaguluhan sa kampo, sa bukid, at sa mga tao. Kahit na ang kuta at ang mananalakay ay nagkagulo. Lumindol ang mundo, at may isang malawakang kaguluhan.
  • Si Elias sa Horeb: hangin, lindol, apoy, saka isang mahinang bulong1 Hari 19:11–12
    Ang mga talata
    1 Hari 19:11–12Sumagot si Yahweh, “Lumabas ka at tumayo sa bundok sa aking harapan.” Pagkatapos dumaan si Yahweh, at isang napakalakas na hangin ang humampas sa mga bundok at pinagpira-piraso ang mga bato sa harapan ni Yahweh, pero si Yahweh ay wala sa hangin. Pagkatapos ng malakas na hangin, isang lindol ang dumating, pero wala si Yahweh sa lindol. Pagkatapos ng lindol isang apoy ang dumating, pero si Yahweh ay wala sa apoy. Pagkatapos ng apoy, isang maliit na boses ang dumating.
  • Nagsalita si Amos dalawang taon bago ang lindol, noong panahon ni UziasAmos 1:1
    Ang mga talata
    Amos 1:1Ito ang mga bagay tungkol sa Israel na natanggap sa pamamagitan ng pagpapahayag kay Amos na isa sa mga pastol sa Tekoa. Natanggap niya ang mga bagay na ito noong panahon ni Uzias na hari ng Juda, at sa panahon din ni Jeroboam na anak ni Joas na hari ng Israel, dalawang taon bago ang lindol.
  • Inalala ni Zacarias ang mga taong tumakas sa lindol noong panahon ni UziasZac 14:5
    Ang mga talata
    Zac 14:5At kayo ay magsisitakas pababa sa lambak sa pagitan ng mga kabundukan ni Yahweh, sapagkat ang lambak sa pagitan ng mga bundok na iyon ay aabot hanggang sa Azal. Tatakas kayo gaya ng pagtakas ninyo mula sa lindol sa panahon ni Uzias, hari ng Juda. Pagkatapos, darating si Yahweh na aking Diyos, at kasama niya ang lahat ng mga banal.
  • Sa kamatayan ni Jesus, lumindol at nabiyak ang mga batoMat 27:51
    Ang mga talata
    Mat 27:51Masdan ito, ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba. At ang mundo ay nayanig, at ang mga bato ay nahati.
  • Nakita ng senturion ang lindol at labis na natakotMat 27:54
    Ang mga talata
    Mat 27:54Ngayon nang masaksihan ng kapitan ng kawal at ng mga nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga bagay na nangyari, lubha silang natakot at nagsabi, “Tunay na Anak siya ng Diyos.”
  • Isang malakas na lindol habang iginugulong ang bato mula sa libinganMat 28:2
    Ang mga talata
    Mat 28:2Masdan ito, may malakas na lindol, dahil bumaba mula langit ang anghel ng Panginoon, dumating at ginulong ang bato at naupo sa ibabaw nito.
  • Nayanig ang lugar na pinananalanginan ng mga mananampalatayaGawa 4:31
    Ang mga talata
    Gawa 4:31Nang matapos silang manalangin, ang lugar kung saan sila nagtipon-tipon ay nayanig, at silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu, at ipinahayag nila ng may katapangan ang salita ng Diyos.
  • Sa Filipos, binuksan ng lindol ang mga pinto ng bilangguanGawa 16:26
    Ang mga talata
    Gawa 16:26Biglang may malakas na lindol, kaya't ang mga pundasyon ng bilangguan ay nayanig; at agad nagbukas ang lahat ng mga pintuan, at nakalas ang kadena ng bawat isa.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0