Mga nakagugulat na detalye
Ketong sa Bibliya
25 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa Kautusan
- Sinusuri ng pari ang anumang pamamaga, pantal o makintab na batik sa balatLev 13:2–3
Ang mga talata
Lev 13:2–3“Kung sinuman ang may pamamaga o galis o maputing batik sa balat ng kanyang katawan, at naging nakakahawa at may isang sakit sa balat ang kanyang katawan, sa ganun kailangan siyang dalhin kay Aaron ang punong pari, o sa isa sa kaniyang mga anak na lalaking mga pari. Pagkatapos ay susuriin ng pari ang sakit sa balat ng kanyang katawan. Kung ang buhok sa bahaging may sakit ay naging puti, at kung ang sakit ay makikitang malalim kaysa balat lang, sa ganun iyon ay isang nakakahawang sakit. Pagkatapos siyang suriin ng pari, kailangan niyang ipahayag na siya ay marumi.
- Punit ang damit ng maysakit at sumisigaw siya ng, “Marumi, marumi!”Lev 13:45
Ang mga talata
Lev 13:45Ang tao na mayroong nakakahawang sakit ay kailangang magsuot ng mga punit na damit, ang kanyang buhok ay kailangang nakalugay, at dapat niyang takpan ang kanyang mukha hanggang sa kanyang ilong at sumigaw, 'Marumi, marumi.'
- Kailangan niyang mamuhay nang mag-isa sa labas ng kampoLev 13:46, Bil 5:2
Ang mga talata
Lev 13:46Sa lahat ng araw na siya ay mayroong nakakahawang sakit siya ay magiging marumi. Dahil siya ay marumi na may isang sakit na maaaring makahawa, siya ay dapat mamuhay ng mag-isa. Dapat siyang mamuhay sa labas ng kampo.
Bil 5:2“Utusan mo ang mga tao ng Israel na paalisin mula sa kampo ang lahat ng may nakakahawang sakit sa balat, at lahat ng may tumutulong sugat, at ang sinumang marumi sa pamamagitan ng paghawak ng isang patay na katawan.
- Ang parehong batas ay para sa amag sa damit at sa mga bahayLev 13:47, Lev 14:34
- Paglilinis: dalawang ibon, kahoy na sedar, pulang sinulid at isopoLev 14:4
Ang mga talata
Lev 14:4Pagkatapos ay iuutos ng pari sa taong lilinisin na dapat kumuha ng dalawang buhay na ibon, kahoy na cedar, matingkad na pulang sinulid, at isopo.
- Inahit ng nilinis na lalaki ang lahat ng kaniyang buhok at naligoLev 14:8–9
Ang mga talata
Lev 14:8–9Ang taong nilinis ay lalabhan ang kanyang mga damit, aahitin lahat ng kanyang buhok, at paliliguan ang kanyang sarili sa tubig, at pagkatapos siya ay magiging malinis. Pagkatapos ay kailangan niyang pumasaok sa loob ng kampo, pero siya ay titira sa labas ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw. Sa ikapitong araw kailangan niya ring ahitin ang kanyang balbas at mga kilay. Kailangan niyang ahitan ang lahat ng kanyang buhok, at kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig; sa gayon magiging malinis siya.
Mga halimbawa
- Nagkaketong ang kamay ni Moises, kasimputi ng niyebeExo 4:6
Ang mga talata
Exo 4:6Sinabi rin ni Yahweh sa kaniya, “Ngayon ilagay mo ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal.” Kaya inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal. Nang ilabas niya ito, namasdan, na ang kaniyang kamay ay naging ketong, kasing puti ng niyebe.
- Nagkaketong si Miriam at pinaalis sa kampo nang pitong arawBil 12:10, Bil 12:15
Ang mga talata
Bil 12:10Pumaitaas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, at biglang naging ketongin si Miriam—pumuti siya kagaya ng niyebe. Nang lumingon si Aaron kay Miriam, nakita niya na nagkaroon siya ng ketong.
Bil 12:15Kaya pinanatili si Miriam sa labas ng kampo sa loob ng pitong araw. Hindi naglakbay ang mga tao hanggang sa makabalik siya sa kampo.
- Si Naaman, isang pinunong Arameo, ay may ketong2 Hari 5:1
Ang mga talata
2 Hari 5:1Ngayon si Naaman, pinuno ng hukbo ng hari ng Aram, ay magiting at marangal sa paningin ng kaniyang panginoon, dahil sa pamamagitan niya, binigyan ng tagumpay ni Yahweh ang Aram. Malakas din siya at matapang pero isa siyang ketongin.
- Pitong ulit siyang lumubog sa Jordan at nanumbalik ang kaniyang balat2 Hari 5:14
Ang mga talata
2 Hari 5:14Kaya nagpunta siya at lumublob ng pitong beses sa Jordan bilang pagsunod sa mga tagubilin ng lingkod ng Diyos. Bumalik ang kaniyang kutis, tulad ng kutis ng isang maliit na bata, at siya ay gumaling.
- Umalis si Gehazi kay Eliseo na may ketong, kasimputi ng niyebe2 Hari 5:27
Ang mga talata
2 Hari 5:27Kaya ang ketong ni Naaman ay papasa-iyo at iyong mga kaapu-apuhan magpakailanaman.” Kaya umalis si Gehazi sa kaniyang harapan, isang ketongin na kasing puti ng bulak.
- Apat na ketongin sa tarangkahan ng Samaria ang nakatagpo sa walang-laman na kampo ng mga Arameo2 Hari 7:3–8
Ang mga talata
2 Hari 7:3–8Ngayon, mayroong apat na lalaking may ketong sa labas ng tarangkahan ng lungsod. Sinabi nila sa isa't isa, “Bakit tayo mauupo rito hanggang mamatay tayo? Kung sabihin nating papasok tayo sa lungsod, ang taggutom ay nasa lungsod, at mamamatay tayo roon. Pero kung uupo pa rin tayo dito, mamamatay pa rin tayo. Kaya ngayon, halika, pumunta tayo sa hukbo ng mga Aramean. Kung pananatilihin nila tayong buhay, mabubuhay tayo, at kung papatayin nila tayo, mamamatay lang tayo.” Kaya tumayo sila nang mag-gagabi na para pumunta sa kampo ng mga Aramean; nang dumating sila sa pinakalabas na bahagi ng kampo, walang naroon. Dahil pinarinig ng Panginoon sa mga Aramean ang ingay ng mga karwahe, at ang ingay ng mga kabayo —ang ingay ng isang malaking hukbo, at sinabi nila sa isa't isa, “Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Hiteo at mga taga-Ehipto para pumunta laban sa amin.” Kaya tumayo ang mga sundalo at tumakas nang mag-gagabi na; iniwan nila ang kanilang mga tolda, mga kabayo, mga asno, at ang kampo sa lagay nito, at tumakas para sa mga buhay nila. Nang dumating sa pinakalabas na bahagi ng kampo ang mga lalaking may ketong, pumasok sila sa loob ng isang tolda at kumain at uminom, at tinangay ang pilak at ginto at mga damit at tinago ito. Bumalik sila at pumasok sa isa pang tolda at tinangay ang mga nasamsam nila mula roon at tinago itong muli.
- Lumitaw ang ketong sa noo ni Haring Uzias sa templo2 Cro 26:19–20
Ang mga talata
2 Cro 26:19–20At nagalit si Uzias. May hawak siyang insensaryo sa kaniyang kamay upang magsunog ng insenso. Habang nagagalit siya sa mga pari, may tumubong ketong sa kaniyang noo sa harap ng mga pari sa tahanan ni Yahweh sa tabi ng altar ng insenso. Tiningnan siya ng pinakapunong pari na si Azarias at ng lahat ng mga pari, at tingnan, siya ay may ketong sa kaniyang noo. Siya ay agad nilang pinalabas mula doon. Sa katunayan, nagmadali siyang lumabas dahil hinampas siya ni Yahweh.
- Namuhay si Uzias sa isang hiwalay na bahay hanggang sa kaniyang kamatayan2 Hari 15:5, 2 Cro 26:21
Ang mga talata
2 Hari 15:5Hinayaang magkaketong ni Yahweh ang hari hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan at nanirahan sa isang nakahiwalay na tahanan. Si Jotam, ang anak ng hari, ang namahala sa sambahayan at naghari sa mga mamamayan ng lupain.
2 Cro 26:21Si haring Uzias ay isang ketongin hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumira sa isang hiwalay na bahay, sapagkat siya ay isang ketongin, sapagkat pinaalis siya mula sa tahanan ni Yahweh. Ang kaniyang anak na si Jotam ang namahala sa tahanan ng hari at namuno sa mga tao sa lupain.
- Inilibing siya sa isang bukid malapit sa mga libingan ng mga hari2 Cro 26:23
Ang mga talata
2 Cro 26:23Namatay si Uzias at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa isang lupang libingan na pag-aari ng mga hari sapagkat sabi nila, “Siya ay ketongin.” Si Jotam, ang kaniyang anak, ang pumalit sa kaniya bilang hari.
- Hinawakan ni Jesus ang isang ketongin at siya ay nilinisMar 1:40–42
Ang mga talata
Mar 1:40–42Isang ketongin ang lumapit sa kaniya. Siya ay nagmamakaawa sa kaniya, lumuhod siya at sinabi sa kaniya, “Kung iyong nanaisin, maaari mo akong gawing malinis.” Sa habag niya, iniabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, sinasabi sa kaniya, “Nais ko. Maging malinis ka.” Kaagad na nawala ang kaniyang ketong at siya ay naging malinis.
- Pinapunta niya siya upang magpakita sa pariMat 8:4, Luc 5:14
Ang mga talata
Mat 8:4Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Huwag mo itong sabihin kahit kanino man. Humayo ka sa iyong daan at magpakita ka sa pari at ihandog mo ang kaloob na iniutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila.”
Luc 5:14Siya ay pinagbilinan niya na huwag ipagsabi kahit kanino, sa halip, sinabi sa kaniya, “Pumunta ka sa iyong pupuntahan, at magpakita ka sa mga pari at mag-alay ka ng handog para sa iyong ikalilinis, batay sa mga kautusan ni Moises, bilang pagpapatotoo sa kanila.”
- Sa sampung ketonging pinagaling, isang Samaritano lamang ang bumalik upang magpasalamatLuc 17:12–16
Ang mga talata
Luc 17:12–16At sa kaniyang pagpasok sa isang nayon, doon ay sinalubong siya ng sampung lalaking ketongin. Tumayo sila nang malayo sa kaniya at nilakasan nila ang kanilang tinig, sinasabi, “Jesus, Amo, maawa ka sa amin.” Nang makita niya sila, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo at ipakita ninyo ang inyong mga sarili sa mga pari.” At nangyari nga na habang sila ay papunta, sila ay nalinisan. Nang makita ng isa sa kanila na gumaling siya, bumalik siya nang may malakas na tinig na niluluwalhati ang Diyos. Yumuko siya sa paanan ni Jesus, nagpapasalamat sa kaniya. Isa siyang Samaritano.
- Kumain si Jesus sa Betania sa bahay ni Simon na ketonginMat 26:6, Mar 14:3
Ang mga talata
Mat 26:6Ngayon, habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,
Mar 14:3Nang si Jesus ay nasa Bethania sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakasandal siya sa mesa, isang babae ang pumunta sa kaniya na mayroong dalang alabastrong sisidlan na may lamang napakamahal na likido na purong nardo. Binasag niya ito at ibinuhos ang laman sa kaniyang ulo.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0