Tuklasin › Mga paksa › Salamangka at mga pangitain
Mga nakagugulat na detalye
Salamangka at mga pangitain sa Bibliya
32 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa Kautusan
- Ipinagbabawal ang panghuhula, pagbasa ng mga palatandaan, gayuma, mga espiritista at pagsangguni sa patayLev 19:26, Lev 19:31, Deut 18:10–11
Ang mga talata
Lev 19:26Huwag kumain ng anumang karne na may dugo pa nito. Huwag yayong sumangguni sa mga espiritu tungkol sa hinaharap, at huwag kayong maghangad na makontrol ang iba sa pamamagitan ng mga kahima-himalang kapangyarihan.
Lev 19:31Huwag bumaling sa mga nakikipag usap sa mga patay o sa mga espiritu. Huwag hanapin ang mga ito, o dudungisan lang nila kayo. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Deut 18:10–11Walang dapat na makitang isa sa inyo na ginagawang padaanin ang kaniyang anak na lalaki o kaniyang anak na babae sa apoy, sinumang gumagawa ng panghuhula, sinumang nagsasanay ng hula, o alinmang mang-aakit, o alinmang mangkukulam, alinmang manggagayuma, sinumang nakipag-usap sa patay, o sinumang nakikipag-usap sa mga espiritu.
- Hindi dapat hayaang mabuhay ang mangkukulamExo 22:18
Ang mga talata
Exo 22:18Hindi ninyo dapat hayaang mabuhay ang isang babaeng mangkukulam.
- Binabato ang espiritista o ang nakikipag-usap sa mga espirituLev 20:27
Ang mga talata
Lev 20:27Tiyak na dapat patayin ang isang lalaki o isang babaeng nakikipag-usap sa patay o nakikipag-usap sa mga espiritu. Dapat silang batuhin ng mga tao gamit ang mga bato. Sila ay nagkasala at nararapat mamatay.”'
Mga ginawa
- Laban: “Nalaman ko sa pamamagitan ng panghuhula”Gen 30:27
Ang mga talata
Gen 30:27Sinabi ni Laban sa kanya, “Kung nakahanap ako ng pabor sa iyong mga mata ngayon, maghintay ka muna, dahil nalaman ko sa aking pagdarasal na pinagpala ako ni Yahweh para sa iyong kapakanan.”
- Ang pilak na kopa ni Jose, na sinasabing ginagamit sa panghuhulaGen 44:5
Ang mga talata
Gen 44:5Hindi ba ito ang baso mula sa iniinuman ng aking amo, at ang baso na ginagamit niya para sa kanyang panghuhula? Gumawa kayo ng masama, ang bagay na ito na inyong ginawa.”'
- Ginaya ng mga salamangkero ng Paraon ang mga tanda, pero hindi ang mga niknikExo 7:11, Exo 7:22, Exo 8:7, Exo 8:18
Ang mga talata
Exo 7:11Pagkatapos tinawag din ni Paraon ang kaniyang mga matatalino at salamangkero. Gumawa sila ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka.
Exo 7:22Pero ang mga salamangkero ng Ehipto ay gumawa ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka. Kaya ang puso ni Paraon ay tumigas, at tumanggi siyang makinig kay Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
Exo 8:7Pero ang mga salamangkero ay gumawa ng katulad din nito gamit ang kanilang mga salamangka: nagdala rin sila ng mga palaka sa lupain ng Ehipto.
Exo 8:18Ang mga salamangkero ay nagsubok gamit ang kanilang salamangka para makagawa ng niknik, pero hindi sila nakagawa. May mga niknik sa mga tao at mga hayop.
- Nagdala ang mga nakatatanda ng Moab kay Balaam ng bayad para sa panghuhulaBil 22:7
Ang mga talata
Bil 22:7Kaya umalis ang mga nakakatanda ng Moab at ng Midian, dala nila ang pambayad para sa panghuhula. Nagpunta sila kay Balaam at sinabi sa kaniya ang mga salita ni Balak.
- Inalis ni Saul ang mga espiritista, saka nagbalatkayo upang sumangguni sa isa sa Endor1 Sam 28:3, 1 Sam 28:7–8
Ang mga talata
1 Sam 28:3Namatay si Samuel; pinagluksa siya ng buong Israel at inilibing siya sa Rama, sa kanyang lungsod. Ngayon ipinagbawal ni Saul sa lupain sa sinumang nakikipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu.
1 Sam 28:7–8Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, “Hanapan ninyo ako ng babaeng umaangking nakikipag-usap sa mga patay, upang makapunta ako sa kanya at hingin ang kanyang payo.” Sinabi ng kanyang mga lingkod sa kanya, “Tingnan mo, mayroong isang babae sa Endor na umaaangking nakikipag-usap sa mga patay.” Ikinubli ni Saul ang kanyang sarili, nagsuot ng ibang kasuotan, at pumunta siya kasama ang dalawang tauhan; pinuntahan nila ang babae sa gabi. Sinabi niya, “Manghula ka para sa akin, nagmamakaawa ako sa iyo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa patay, at dalhin sa akin ang sinumang pangangalanan ko sa iyo.”
- Nakita ng espiritista si Samuel at nakilala si Saul1 Sam 28:11–14
Ang mga talata
1 Sam 28:11–14Pagkatapos sinabi ng babae, “Sino ang dapat kong papuntahin sa iyo?” Sinabi ni Saul, “Papuntahin mo sa akin si Samuel.” Nang makita ng babae si Samuel, sumigaw siya nang malakas at nangusap kay Saul, sinabing, “Bakit mo ako nilinlang? Sapagkat ikaw si Saul.” Sinabi sa kanya ng hari, “Huwag kang matakot. Anong nakikita mo?” Sinabi ng babae kay Saul, “Nakita ko ang isang diyos na umaakyat mula sa lupa.” Sinabi niya sa kanya, “Ano ang kamukha niya? Sinabi niya, “Isang matandang lalaki ang umaakyat; nakasuot siya ng balabal.” Nadama ni Saul na si Samuel iyon, at yumukod siya na ang kanyang mukha ay nasa lupa at nagpakita ng paggalang.
- Mga Cronica: namatay si Saul dahil, bukod sa iba pa, sumangguni siya sa espiritista1 Cro 10:13
Ang mga talata
1 Cro 10:13Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Yahweh. Hindi siya sumunod sa mga tagubilin ni Yahweh, sa halip, humingi siya ng payo sa taong nakikipag-usap sa patay.
- Binanggit ni Jehu ang maraming pangkukulam ni Jezebel2 Hari 9:22
Ang mga talata
2 Hari 9:22Nang nakita ni Joram si Jehu, sinabi niya, 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan, Jehu?” Sumagot siya, “Anong kapayapaan ang naroroon, kung napakaraming pagsamba sa diyus-diyusan na mayroong prostitusyon at pangkukulam ng iyong inang si Jezabel?”
- Nagsagawa ng panggagaway si Haring Manases at sumangguni sa mga espiritista2 Hari 21:6, 2 Cro 33:6
Ang mga talata
2 Hari 21:6Hinandog niya ang kaniyang anak bilang sinunog na handog sa apoy, nagsagawa siya ng panghuhula at salamangka, at kumonsulta sa mga nakipagusap sa mga patay at sa mga nakipagusap sa mga espiritu. Gumawa siya ng labis na kasamaan sa paningin ni Yahweh, at pinukaw niya ang Diyos na magalit.
2 Cro 33:6Inihandog niya ang kaniyang mga anak bilang mga handog na susunugin sa lambak ng Ben Hinnom; nagsagawa siya ng panghuhula, pangkukulam at salamangka, at sumangguni sa mga nakikipag-usap sa mga patay at sa mga nakikipag-usap sa espiritu. Marami siyang isinasagawang masasama sa paningin ni Yahweh, at ginalit niya ang Diyos.
- Inalis ni Haring Josias ang mga espiritista at ang mga nakikipag-usap sa mga espiritu2 Hari 23:24
Ang mga talata
2 Hari 23:24Pinaalis din ni Josias ang mga nakipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu. Pinaalis din niya ang mga anti-anting, ang mga diyus-diyosan, at ang lahat ng mga nakasusuklam na mga bagay na nakita sa lupain ng Juda at sa Jerusalem, para pagtibayin ang mga salita ng batas na nasusulat sa aklat na natagpuan ng paring si Hilkias sa tahanan ni Yahweh.
- Naghanap ng palatandaan ang hari ng Babilonia: mga palaso, mga diyus-diyosan, ang atayEzek 21:21
Ang mga talata
Ezek 21:21Sapagkat ang hari ng Babilonia ay hihinto sa krus na daan, sa sangang daan, sa pagnanais na makakuha ng isang propesiyang mensahe mula sa manghuhula. Kakalugin niya ang ilang mga palaso at hihingi ng gabay mula sa ilang mga diyus-diyosan. Susuriin niya ang isang atay!
- Pinagmamasdan ng mga astrologo ng Babilonia ang mga bituin at nanghuhula buwan-buwanIsa 47:13
Ang mga talata
Isa 47:13Pagod ka na sa marami mong pagsangguni; hayaan mong tumayo at iligtas ka ng mga lalaking iyon—sila na tinatala ang kalangitan at tumitingin sa mga bituin, sila na nagpapahayag ng mga bagong buwan—hayaan mo silang iligtas ka mula sa mangyayari sa iyo.
- Hindi naipaliwanag ng mga salamangkero, enkantador, manggagaway at astrologo ni Nebucadnezar ang kaniyang panaginipDan 2:2, Dan 2:10, Dan 4:7
Ang mga talata
Dan 2:2At ipinatawag ng hari ang mga salamangkero at ang mga nagsasabing nakakausap ang patay. Ipinatawag din niya ang mga mangkukulam at matatalinong kalalakihan. Nais niya na sabihin nila sa kaniya ang tungkol sa kaniyang mga panaginip. Kaya dumating sila at tumayo sa harapan ng hari.
Dan 2:10Sumagot ang matatalinong kalalakihan sa hari, “Walang tao sa lupa ang may kakayanang matugunan ang pangagailangan ng hari. Walang dakila at makapangyarihang hari ang mangangailangan ng ganoong bagay mula sa sinumang salamangkero, o mula sa sinumang umaangkin na makipag-usap sa patay, o mula sa isang matalinong tao.
Dan 4:7At dumating ang mga salamangkero, mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan, at mga astrologo. Sinabi ko sa kanila ang panaginip, ngunit hindi nila ito maipaliwanag sa akin.
- Hindi nabasa ng mga pantas ni Belsazar ang sulat sa paderDan 5:7–8, Dan 5:15
Ang mga talata
Dan 5:7–8Sumigaw ang hari at nag-utos na papasukin ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan at mga astrologo. At sinabi ng hari sa mga kilala dahil sa kanilang mga karunungan sa Babilonia, “Kung sino man ang makapagpapaliwanag sa nakasulat at makapagsasabi ng kahulugan nito ay dadamitan ng kulay ube at lalagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. Magkakaroon siya ng kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.” At ang lahat ng mga kalalakihan ng hari na kilala sa kanilang karunungan ay pumasok, ngunit hindi nila mabasa ang nakasulat o maipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.
Dan 5:15At dinala sa harapan ko ang mga kalalakihan na kilala sa kanilang mga karunungan at ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, upang basahin ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, ngunit hindi nila kayang sabihin ang kahulugan nito.
- Pinamangha ni Simon ng Samaria ang mga tao sa kaniyang panggagawayGawa 8:9–11
Ang mga talata
Gawa 8:9–11Ngunit mayroong isang lalaki sa lungsod na ang pangalan ay Simon na gumagawa na noon pang una ng pangkukulam; ginagamit niya ito upang mamangha ang mga tao sa Samaria upang angkinin na siya ay mahalagang tao. Binigyang pansin siya ng lahat ng mga Samaritano, mula sa pinaka mababa hanggang sa pinaka dakila, at kanilang sinabi. “Ang taong ito ay ang kapangyarihan ng Diyos na tinatawag na Dakila.” Nakinig sila sa kaniya dahil labis niya silang pinamangha sa mahabang panahon sa pamamagitan ng kaniyang pangkukulam.
- Si Elimas, o Bar-Jesus, isang manggagaway sa PafosGawa 13:6–8
Ang mga talata
Gawa 13:6–8Nang makaalis sila sa buong isla hanggang Pafos, natagpuan nila ang isang salamangkero, isang bulaang propeta na Judio na nagngangalang Bar-Jesus. May kaugnayan ang salamangkerong ito sa gobernador na si Sergio Paulo, na isang taong matalino. Pinatawag ng taong ito sina Bernabe at Saul, dahil ibig niyang marinig ang salita ng Diyos. Ngunit kinalaban sila ni Elimas “ang salamangkero” (ganito isinalin ang kaniyang pangalan); tinangka niyang paikutin ang gobernador na mapalayo mula sa pananampalataya.
- Isang aliping babae sa Filipos ang kumikita ng pera para sa kaniyang mga amo sa panghuhulaGawa 16:16–19
Ang mga talata
Gawa 16:16–19Nangyari nga, habang kami ay patungo sa lugar ng panalanginan, nasalubong namin ang isang batang babae na may espritu ng panghuhula. Nagdadala siya sa kaniyang mga amo ng maraming pakinabang sa pamamagitan ng panghuhula. Sumunod ang babaeng ito kay Pablo at sa amin at sumigaw, na nagsasabing, “Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos. Nagpapahayag sila sa inyo ng daan ng kaligtasan.” Ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit si Pablo nang lubhang nainis sa kaniya ay lumingon at sinabi sa espiritu, “Inuutos ko saiyo sa pangalan ni Jesu Cristo lumabas ka sa kaniya.” At agad itong lumabas. Nang makita ng kaniyang mga amo na ang kanilang pag-asa sa pinag kakakitaan ay nawala, sinunggaban nila si Pablo at Silas at kinaladkad sila sa pamilihan at iniharap sa mga may kapangyarihan.
- Sinubukan ng pitong anak ni Esceva na magpalayas ng mga espirituGawa 19:13–16
Ang mga talata
Gawa 19:13–16Ngunit may mga Judio na nagpapalayas ng mga masasamang espiritu ang naglalakbay sa lugar na ginagamit ang pangalan ni Jesus para sa kanilang pansariling nais. Sila ay nagsalita sa mga nasapian ng mga masasamang espiritu; sinabi nilang, Mula sa pagpapahayag ni Pablo inuutusan kita sa pamamagitan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, lumayas ka.” Ang mga gumawa nito ay ang pitong anak ng punong pari ng mga Hudyo, na si Esceva. Sumagot ang masamang espiritu sa kanila, “Kilala ko si Jesus at kilala ko si Pablo; ngunit sino kayo?” Lumundag ang masamang espiritu sa mga nagpalayas ng masamang espiritu at tinalo sila at sinaktan. Pagkatapos tumakas sila palabas sa bahay na iyon na walang damit at sugatan.
- Sa Efeso, sinunog ang mga aklat ng salamangka na nagkakahalaga ng limampung libong drakmaGawa 19:19
Ang mga talata
Gawa 19:19Marami sa mga gumagawa ng salamangka ang nagdala ng kanilang mga libro at sinunog nila sa paningin ng lahat. Nang bilangin nila ang halaga nito, ito ay nagkakahalaga ng limampung libong piraso ng pilak.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0