Tuklasin › Mga paksa › Mga higante
Mga nakagugulat na detalye
Mga higante sa Bibliya
29 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Nasa lupa ang mga higante nang mga araw na iyonGen 6:4
Ang mga talata
Gen 6:4Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
- Ang mga espiya: para kaming mga tipaklong sa mga kaapu-apuhan ni AnakBil 13:32–33
Ang mga talata
Bil 13:32–33Kaya ikinalat nila ang nakakapanghina ng loob na ulat sa mga tao ng Israel tungkol sa lupain na kanilang sinuri. Sinabi nila, “Ang lupain na aming tiningnan ay isang lupaing umuubos ng mga mamamayan nito. Matatangkad ang lahat ng mga taong nakita namin doon. Nakita namin doon ang mga higante, mga kaapu-apuhan ni Anak, mga taong nagmula sa mga higante. Para kaming mga tipaklong sa aming paningin kung ihambing sa kanila, at maaaring ganoon din kami sa kanilang paningin.”
- Ang mga Anakim: isang bayang malakas at matangkadDeut 1:28, Deut 9:2
Ang mga talata
Deut 1:28Saan tayo maaaring pumunta ngayon? Pinanghinaan tayo ng loob ng ating mga kapatid, na nagsasabing, 'Ang mga taong iyon ay malalaki at matataas kaysa sa atin; ang kanilang mga lungsod ay malaki at pinagtibay hanggang kalangitan; higit pa rito, nakita natin doon ang mga anak na lalaki ng Anakim.'
Deut 9:2isang malalakas na mga tao at matatangkad, ang mga anak na lalaki ng Anakim, na kilala ninyo, at siyang narinig ninyong sinabi ng mga tao, 'Sino ang makakapanindigan sa harapan ng mga anak na lalaki ni Anak?'
- Ang mga Emim, kasintangkad ng mga Anakim, ay nanirahan sa MoabDeut 2:10–11
Ang mga talata
Deut 2:10–11(Ang Emim ang dating nanirahan doon, isang lahing kasindakila gaya ng karamihan, at kasintaas gaya ng Anakim; ang mga ito ay itinuring din bilang Refaim, tulad ng Anakim; pero tinawag silang Emim ng mga Moabita.
- Tinawag ng mga Ammonita na Zamzumim ang mga Refaim sa kanilang lupainDeut 2:20–21
Ang mga talata
Deut 2:20–21(Itinuring din iyon na maging isang lupain ng Refaim. Ang Refaim ay dating nanirahan doon—pero tinawag sila ng mga Ammonita na Zamzumim— isang dakilang lipi na gaya ng karamihan, at kasintaas ng Anakim. Pero pinuksa sila ni Yahweh sa harap ng mga Ammoneo, at sila ay pinalitan nila at nanirahan sa kanilang lugar.
- Tinalo ni Kedorlaomer ang mga Refaita, Zuzita at EmimGen 14:5
Ang mga talata
Gen 14:5Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam,
Si Og ng Bashan
- Si Og, hari ng Bashan, ang huli sa mga RefaimDeut 3:11, Jos 12:4
Ang mga talata
Deut 3:11(Para sa mga natira sa Refaim, tanging si Og na hari ng Bashan ang naiwan; tumingin kayo, sa kaniyang higaan ay isang higaang bakal; hindi ba ito sa Rabba, kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Ammon naninirahan? Siyam na kubito ang haba nito at apat na kubit ang lawak, sa paraan ng pag-sukat ng mga tao.)
Jos 12:4Si Og, hari ng Bashan, isa sa natira ng Rephaim, na nanirahan sa Astarot at Edrei.
- Siyam na kubit ang haba at apat na kubit ang lapad ng kaniyang higaang bakalDeut 3:11
Ang mga talata
Deut 3:11(Para sa mga natira sa Refaim, tanging si Og na hari ng Bashan ang naiwan; tumingin kayo, sa kaniyang higaan ay isang higaang bakal; hindi ba ito sa Rabba, kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Ammon naninirahan? Siyam na kubito ang haba nito at apat na kubit ang lawak, sa paraan ng pag-sukat ng mga tao.)
- Tinalo ng Israel si Og sa Edrei at kinuha ang kaniyang animnapung lungsodBil 21:33–35, Deut 3:1–4
Ang mga talata
Bil 21:33–35Pagkatapos tumalikod sila at umakyat sa daan ng Bashan. Lumabas si Og na hari ng Bashan laban sa kanila, siya at ang lahat niyang hukbo, upang labanan sila sa Edrei. Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Huwag kang matakot sa kaniya, dahil binigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya, lahat ng kaniyang hukbo at ng kaniyang lupain. Gawin ninyo sa kaniya ang tulad ng ginawa ninyo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon.” Kaya pinatay nila siya, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang hukbo, hanggang walang natirang buhay sa kaniyang mga tao. Pagkatapos, kinuha nila ang kaniyang lupain.
Deut 3:1–4Pagkatapos umikot tayo at umakyat papuntang Bashan. Si Og, ang hari ng Bashan, ay dumating at sinalakay tayo, siya at ang lahat kaniyang mamamayan, para lumaban sa Edrei. Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Huwag mo siyang katakutan; dahil binigyan ko kayo ng tagumpay sa kaniya at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao at kaniyang lupain sa ilalim ng inyong pangangasiwa. Gagawin ninyo sa kaniya ang ginawa ninyo kay Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuhay sa Hesbon.' Kaya binigyan din tayo ni Yahweh na ating Diyos ng tagumpay laban kay Og, at ang hari ng Bashan, at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng ating pangangasiwa. At pinatay natin siya hanggang walang ni isa sa mga tao niya ang natira. Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang panahong iyon; walang ni isang lungsod ang hindi natin kinuha mula sa kanila: animnapung mga lungsod—lahat ng rehiyon ng Argob, ang kaharian ni Og sa Bashan.
- Napunta ang kaniyang lupain kina Ruben, Gad at sa kalahati ng ManasesBil 32:33, Deut 29:7–8
Ang mga talata
Bil 32:33Kaya ang mga kaapu-apuhan nina Gad at Ruben at pati na rin ang kalahati sa tribu ni Manases na anak na lalaki ni Jose, ibinigay ni Moises ang kaharian ni Sihon, na hari ng mga Amoreo, at Og, na hari ng Bashan. Ibinigay sa kanila ang lupain, at ibinahagi sa kanila ang lahat ng mga lungsod nito kasama ang mga hangganan, ang mga lungsod ng lupaing nakapaligid sa mga ito.
Deut 29:7–8Nang dumating kayo sa lugar na ito, si Sihon, ang hari ng Heshbon, at si Og, ang hari ng Bashan, ay lumabas laban sa atin para lumaban, at tinalo natin sila. Kinuha natin ang kanilang lupain at binigay ito bilang pamana sa mga lipi ni Reuben, sa mga lipi ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manasses.
Ang Hebron at ang mga Anakim
- Ang Hebron ay dating Kiriat Arba, ipinangalan kay Arba, ang pinakadakila sa mga AnakimJos 14:15, Jos 15:13
Ang mga talata
Jos 14:15Ngayon, Kiriat Arba ang dating pangalan ng Hebron. (Si Arba ang pinakadakilang lalaki sa mga Anakim). Pagkatapos nagkaroon ng kapahingahan ang lupain mula sa digmaan.
Jos 15:13Sa pagsunod ng utos ni Yahweh kay Josue, Binigyan ni Josue si Caleb na anak na lalaki ni Jepunne ng isang itinalagang lupain sa kalagitnaan ng lipi ng Juda, Kiriat, Arba, iyon ay Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.)
- Pinalayas ni Caleb ang tatlong anak ni Anak: sina Sesai, Aiman at TalmaiJos 15:14, Huk 1:20
- Inalis ni Josue ang mga Anakim; may natira sa Gaza, Gat at AsdodJos 11:21–22
Ang mga talata
Jos 11:21–22Pagkatapos dumating si Josue sa panahong iyon at winasak niya ang Anakim. Ginawa niya ito sa maburol na bansa, sa Hebron, Debir, Anab, at sa lahat ng maburol na bansa ng Juda, at sa lahat ng maburol na bansa ng Israel. Ganap na winasakl ni Josue sila at kanilang mga lungsod. Wala sa mga Anakim ang natira sa lupain ng Israel maliban sa Gaza, Gat, at Asdod.
Si Goliat at ang kaniyang mga kamag-anak
- Anim na kubit at isang dangkal ang taas ni Goliat na taga-Gat1 Sam 17:4
Ang mga talata
1 Sam 17:4Isang malakas na tao ang lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo, isang taong nagngangalang Goliat na mula sa Gat, na ang tangkad ay anim na kubit at isang dangkal.
- Limang libong siklo ang bigat ng kaniyang baluting kaliskis1 Sam 17:5
Ang mga talata
1 Sam 17:5Mayroon siyang isang salakot na tanso sa kanyang ulo, at nasusuutan siya ng isang baluti sa katawan. Tumitimbang ang baluti ng limang libong siklong tanso.
- Animnaraang siklo ang bigat ng dulo ng kaniyang sibat1 Sam 17:7
Ang mga talata
1 Sam 17:7At ang hawakan ng kanyang sibat ay malaki, na may isang silong panghabi para sa paghahagis nito gaya ng tali sa isang panghabi ng manghahabi. Tumitimbang ang ulo ng kanyang sibat ng anim na raang siklong bakal. Ang kanyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kanya.
- Apatnapung araw siyang lumabas tuwing umaga at gabi1 Sam 17:16
Ang mga talata
1 Sam 17:16Lumalapit sa umaga at gabi ang malakas na taong Filisteo sa loob ng apatnapung araw upang iharap ang kanyang sarili sa labanan.
- Pinatay siya ni David gamit ang tirador at bato1 Sam 17:49–50
Ang mga talata
1 Sam 17:49–50Isinuot ni David ang kanyang kamay sa kanyang supot, kumuha ng isang bato mula rito, tinirador ito, at tinamaan ang Filisteo sa kanyang noo. Bumaon ang bato sa noo ng Filisteo, at sumubsob ang kanyang mukha sa lupa. Tinalo ni David ang ang Palestina gamit ang isang tirador at isang bato. Tinamaan niya ang ang Palestina at pinatay siya. Walang espada sa kamay ni David.
- Ang espada ni Goliat ay itinago kalaunan, nakabalot, sa likod ng efod1 Sam 21:9
Ang mga talata
1 Sam 21:9Sinabi ng pari, “Ang espada ni Goliat na Pelistina, na pinatay mo sa lambak ng Ela, ay narito na nakabalot sa isang tela sa likod ng efod. Kung gusto mong kunin iyon, kunin mo, dahil wala ng ibang sandata dito.” Sinabi ni David, “Wala ng ibang espada tulad ng isang iyon; ibigay mo ito sa akin.”
- Tatlong daang siklo ang bigat ng sibat na tanso ni Esbibenob; pinatay siya ni Abisai2 Sam 21:16–17
Ang mga talata
2 Sam 21:16–17Si Esbibenob, isang kaapu-apuhan ng mga higante, na ang sibat na pilak ay may bigat sa tatlung daang siklo, at armado ng isang bagong espada, inilaan para patayin si David. Pero iniligtas si David ni Abisai anak na lalaki ni Zeruias, sinalakay ang Filisteo, at pinatay siya. Pagkatapos sumumpa ang kalalakihan ni David, sinabing, “Hindi kana dapat pumunta sa digmaan kasama namin, para hindi mo mapatay ang lampara ng Israel.”
- Pinatay ni Elhanan si Lahmi, ang kapatid ni Goliat1 Cro 20:5
Ang mga talata
1 Cro 20:5At muling nangyari sa digmaan laban sa mga Filisteo sa Gob, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair na taga-Bethlehem si Lahmi na kapatid ni Goliath na taga-Gat, na ang sibat ay katulad ng kahoy na ginagamit ng manghahabi.
- Isang lalaki sa Gat: anim na daliri sa bawat kamay, anim sa bawat paa2 Sam 21:20–21, 1 Cro 20:6–7
Ang mga talata
2 Sam 21:20–21Nangyari sa isa pang labanan sa Gat na mayroong isang tao na napakataas na mayroong anim na daliri sa bawat kamay at anim na daliri sa bawat paa, dalawampu't-apat sa bilang. Siya rin ay naggaling sa Refaim. At nang hinamon niya ang Israel, si Jonatan anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, ay pinatay siya.
1 Cro 20:6–7At nangyari na sa isa pang labanan sa Gat, may isang lalaking sobrang tangkad na may tig-aanim na daliri sa bawat kamay at tig-aanim na daliri sa bawat paa. Mula rin siya sa lahi ng Refaim, Nang kutyain niya ang hukbo ng Israel, pinatay siya ni Jehonadab na anak ni Simea, na kapatid ni David.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0