Bible Explorer

Bibliya › Mga Awit › 150

ULB · Kabanata 150 / 150

Mga Awit 150

1Purihin si Yahweh. Purihin ang Diyos sa kaniyang banal na lugar; purihin siya sa matataas na kalangitan.

2Purihin siya dahil sa kaniyang dakilang mga gawain; purihin siya sa kaniyang kadakilaang walang katumbas.

3Purihin siya sa ihip ng tambuli; purihin siya gamit ang plawta at alpa.

4Purihin siya gamit ang tamburin at sayawan; purihin siya gamit ang mga instrumentong may kuwerdas at mga instrumentong hinihipan.

5Purihin siya gamit ang maiingay na pompyang; purihin siya gamit ang matitinis na pompyang.

6Purihin si Yahweh ng lahat ng may hininga. Purihin si Yahweh.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB, 2018) · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 (walang binago sa teksto; hindi kasama ang mga talababa at pamagat) · eBible.org