Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga ibon

Kalikasan

Mga ibon sa Bibliya

38 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Nilikha ang mga ibon kasama ng mga nilalang sa dagat sa ikalimang arawGen 1:20–23
    Ang mga talata
    Gen 1:20–23Sinabi ng Diyos, “Hayaang mapuno ang katubigan ng lahat ng uri ng buhay na nilalang na ginawa ko, mapuno ang himpapawid ng mga ibong lumilipad sa ibabaw ng lupa. ” Kaya’t nilikha ng Diyos ang malalaking nilalang na naninirahan sa dagat, gayon din ang bawat buhay na nilikha ayon sa kanyang uri, mga nilalang na kumikilos at nagkukumpol sa katubigan, at bawat mga ibong may pakpak ayon sa kanyang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. Pinagpala sila ng Diyos, sinasabing, “Maging mabunga kayo at magpakarami, punuin niyo ang katubigan sa mga dagat. Hayaang dumami ang mga ibon sa mundo. Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalimang araw.
  • Matapos ang baha, ibinigay rin ang mga ibon bilang pagkainGen 9:2–3
    Ang mga talata
    Gen 9:2–3Ang takot at ang sindak sa inyo ay mapupunta sa bawat nabubuhay na hayop sa mundo, sa bawat ibon sa langit, sa lahat ng bagay na nasa lupa, at sa lahat ng isda sa karagatan. Ibinigay ko ang mga ito sa inyong kamay. Magiging pagkain para sa inyo ang bawat gumagalaw na bagay na nabubuhay. Tulad nang ibinigay ko sa inyo ang mga luntiang halaman, ngayon ibinigay ko na ang bawat bagay sa inyo.
  • Maaaring kainin ng Israel ang anumang malinis na ibonDeut 14:11
    Ang mga talata
    Deut 14:11Makakain ninyo ang lahat ng malilinis na mga ibon.
  • Hindi dapat kainin: agila, buwitre, uwak, ostrich, kuwago, tagak, bakaw, abubilya, panikiLev 11:13–19
    Ang mga talata
    Lev 11:13–19Ito ang mga ibong dapat ninyong kasuklaman at hindi dapat kainin: ang agila, ang buwitre. ang halkon, anumang uri ng palkon, bawat uri ng uwak, ang kuwagong may sungay at ang malaking kuwago, ang tagak at ang anumang uri ng lawin. Dapat din ninyong kasuklaman ang maliit na kuwago at ang malaking kuwago, ang maninisid-isda, ang puting kuwago at kuwagong kamalig, ang ibong ospri, ang tagak, anumang uri ng bakaw, ang ubabila at gayundin ang paniki.
  • Namumugad ang mga ibon sa tabi ng mga bukal at umaawit sa gitna ng mga sangaAwit 104:12
    Ang mga talata
    Awit 104:12Sa may tabing-ilog, ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad; umaawit sila sa mga sanga.
  • Sa mga puno ng sipres namamahay ang tagakAwit 104:17
    Ang mga talata
    Awit 104:17Doon ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad. Ginagawang tahanan ng tagak ang puno ng pir.
  • Sa tagsibol ay naririnig ang huni ng mga batu-batoAwS 2:12
    Ang mga talata
    AwS 2:12Lumitaw na ang mga bulaklak sa lupain; ang oras ng pagpuputol ng puno at ang pag-aawitan ng mga ibon ay dumating na, at ang tinig ng mga kalapati ay naririnig sa ating lupain.
  • Alam ng tagak, batu-bato, layang-layang at tordo ang panahon ng kanilang paglipatJer 8:7
    Ang mga talata
    Jer 8:7Kahit ang ibon sa langit, mga kalapati, mga layang-layang at ang mga tagak ay nalalaman ang mga tamang panahon. Pumupunta ang mga ito sa kanilang mga paglilipatan sa tamang panahon ngunit hindi alam ng aking mga tao ang mga atas ni Yahweh.
  • Iniiwan ng ostrich ang kaniyang mga itlog sa lupa upang mainitan sa buhanginJob 39:14–15
    Ang mga talata
    Job 39:14–15Dahil iniiwan niya ang kaniyang mga itlog sa lupa, at hinahayaan niyang malimliman sila sa alikabok; nalilimutan niyang maaari silang madurog ng paa o maapakan ng isang mabangis na hayop.
  • Ibinubuka ang kaniyang pakpak, tinatawanan ng ostrich ang kabayo at ang sakay nitoJob 39:18
    Ang mga talata
    Job 39:18Kapag mabilis siyang tumatakbo, tumatawa siya sa panlilibak sa kabayo at sa sakay nito.
  • Ibinubuka ng lawin ang kaniyang mga pakpak patungong timogJob 39:26
    Ang mga talata
    Job 39:26Sa pamamagitan ba ng karunungan mo nakakalipad ang lawin, na inuunat niya ang kaniyang mga pakpak papuntang timog?
  • Ipinagbibili ang mga maya, dalawa sa isang sentimo, o lima sa dalawang sentimoMat 10:29, Luc 12:6
    Ang mga talata
    Mat 10:29Hindi ba ang dalawang maya ay ibinenta sa isang baryang maliit ang halaga? Ngunit wala ni isa sa kanila ang nalaglag sa lupa na hindi nalalaman ng Ama.
    Luc 12:6Hindi ba ang limang mga maya ay ipinagbibili sa dalawang maliit na barya? Ganun pa man, wala ni isa sa kanila ang nalilimutan sa paningin ng Diyos.
  • Namumugad ang maya at layang-layang malapit sa mga altar ng temploAwit 84:3
    Ang mga talata
    Awit 84:3Kahit ang maya ay nakahanap ng isang tirahan para sa kaniya na maging ang pugad ng inakay ng layang-layang ay malapit sa inyong mga altar, Yahweh ng mga hukbo, aking Hari, at aking Diyos.
  • Hindi naghahasik o umaani ang mga ibon at hindi nag-iipon sa mga kamaligMat 6:26
    Ang mga talata
    Mat 6:26Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim o nag-aani ni nag-iipon sa mga kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit kayong mahalaga kaysa sa kanila?
  • Namumugad ang mga ibon sa mga sanga ng malaki nang halamang mustasaMat 13:32
    Ang mga talata
    Mat 13:32Tunay ngang pinakamaliit ang binhing ito sa lahat ng ibang mga binhi. Ngunit nang ito ay lumaki, naging mas malaki ito kaysa sa mga halamang panghardin. Ito ay naging puno kaya ang mga ibon sa himpapawid ay pumunta at namugad sa mga sanga nito.”
  • “May mga lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon sa himpapawid”Mat 8:20
    Ang mga talata
    Mat 8:20Sinabi ni Jesus sa kaniya, “May mga lungga ang mga asong-gubat, may mga pugad ang mga ibon sa himpapawid, ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lamang lugar na mapagsandalan ng kaniyang ulo.”
  • Napaamo ng tao ang lahat ng uri ng ibonSant 3:7
    Ang mga talata
    Sant 3:7Bawat uri ng mga mababangis na hayop, mga ibon, mga gumagapang at mga nilalang sa dagat ay kayang paamuin at napaamo ng mga tao,
  • Nagturo si Solomon tungkol sa mga hayop, ibon, gumagapang na nilalang at isda1 Hari 4:33
    Ang mga talata
    1 Hari 4:33Isinalarawan niya ang mga halaman, mula sa sedar na nasa Lebanon hanggang sa hisopong tumutubo sa pader. Pinaliwanag niya rin ang tungkol sa mga hayop, mga ibon, mga bagay na gumagapang, at isda.

Sa mga salaysay

  • Bumalik ang kalapati ni Noe na may bagong pitas na dahon ng oliboGen 8:8–12
    Ang mga talata
    Gen 8:8–12Pagkatapos ay nagpalipad siya ng isang kalapati upang tingnan kung ang tubig ay humupa na mula sa ibabaw ng lupa, pero ang kalapati ay walang nakitang lugar upang ipahinga ang kanyang paa, at bumalik ito sa kanya sa arka, dahil natatakpan pa rin ng tubig ang buong mundo. Iniabot niya ng kanyang kamay, at kinuha at dinala niya ito kasama niya sa arka. Naghintay siya ng pito pang mga araw at pinalipad niyang muli ang kalapati mula sa arka. Bumalik ang kalapati sa kanya kinagabihan. Masdan! Sa kanyang bibig ay may sariwang pitas ng dahon ng olibo. Kaya nalaman ni Noe na ang tubig ay humupa mula sa mundo. Naghintay siya ng pito pang araw, at pinalipad niyang muli ang kalapati. Hindi na ito muling bumalik sa kanya.
  • Dumagit ang mga ibong mandaragit sa mga bangkay ng hayop ni Abram, at itinaboy niya silaGen 15:10–11
    Ang mga talata
    Gen 15:10–11Dinala niya sa kaniya lahat ng ito, at hinati ang ito sa dalawa, at nilapag sa magkabilang bahagi ang bawat kalahati, pero hindi niya hinati ang mga ibon. Nang bumaba ang mga ibong mandaragit para kainin ang mga patay na hayop, itinaboy sila ni Abram papalayo.
  • Kinagabihan ay natabunan ng pugo ang kampoExo 16:13
    Ang mga talata
    Exo 16:13Nangyari sa gabi na may dumating na mga pugo at natabunan ang kampo. Sa umaga ang hamog ay nalatag sa palibot ng kampo.
  • Mga pugong itinangay mula sa dagat; walang nakatipon ng kulang sa sampung homerBil 11:31–32
    Ang mga talata
    Bil 11:31–32Pagkatapos, isang hangin ang dumating mula kay Yahweh at nagdala ng pugo mula sa dagat. Bumagsak ang mga ito malapit sa kampo, na may isang araw na paglalakbay sa isang dako at isang araw na paglalakbay sa kabilang dako. Pumalibot ang mga pugo sa kampo na may dalawang siko ang taas mula sa lupa. Ang mga tao ay abala sa paghuhuli sa mga pugo ng buong araw, buong gabi, at sa sumunod na araw. Walang nanghuli ng mas kaunti sa sampung homer ng pugo. Ibinahagi nila ang mga pugo sa buong kampo.
  • Pinatabang manok para sa hapag ni Solomon; mga ibon araw-araw para sa hapag ni Nehemias1 Hari 4:23, Neh 5:18
    Ang mga talata
    1 Hari 4:23sampung matatabang baka, dalawampung baka galing sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa sa usa, mga gasel, mga usang lalaki at mga pinatabang ibon.
    Neh 5:18Ngayon ang hinanda bawat araw ay isang baka, anim na piling tupa, at mga ibon din, at sa bawat sampung araw sagana sa lahat ng uri ng alak. Gayumpaman para sa lahat ng ito hindi ko hiningi ang nakalaang halaga para sa pagkain ng gobernador, dahil ang mga hinihingi ay masyadong mabigat sa mga tao.
  • Tumilaok ang tandang habang ikinakaila ni Pedro si JesusMat 26:74–75
    Ang mga talata
    Mat 26:74–75Pagkatapos nito, nagsimula siyang magsalita ng masama at nanumpang, “Hindi ko kilala ang lalaking iyan,” at agad-agad tumilaok ang tandang. At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus na, “Bago tumilaok ang tandang ikakaila mo ako nga tatlong beses.” At siya'y lumabas at labis na umiyak.

Sa Kautusan

  • Kunin ang mga inakay mula sa pugad, pero pakawalan ang inahing ibonDeut 22:6–7
    Ang mga talata
    Deut 22:6–7Kung ang isang pugad ng ibon ay mangyaring nasa inyong harapan sa daanan, sa anumang punong kahoy sa lupa, na may mga inakay o mga itlog sa loob nito, at ang inang ibon na naglilimlim sa inakay o sa ibabaw ng mga itlog, hindi ninyo dapat kunin ang inang ibon kasama ang inakay. Dapat tiyakin ninyong pakawalan ang inang ibon, pero ang inakay ay maaring ninyong kunin sa inyong sarili. Sundin ang utos na ito para maging mabuti sa inyo, at para mapahaba ninyo ang inyong mga araw.
  • Paglilinis mula sa sakit sa balat: dalawang ibon, pinakakawalan sa parang ang isaLev 14:4–7
    Ang mga talata
    Lev 14:4–7Pagkatapos ay iuutos ng pari sa taong lilinisin na dapat kumuha ng dalawang buhay na ibon, kahoy na cedar, matingkad na pulang sinulid, at isopo. Uutusan siya ng pari na patayin ang isa sa mga ibon sa ibabaw ng tubig-tabang na nasa isang palayok. Pagkatapos ay kukunin ng pari ang buhay na ibon at ang kahoy na cedar, at ang matingkad na pulang sinulid at ang isopo, at kanyang isasawsaw ang lahat ng mga bagay na ito, kasama ang buhay na ibon, sa dugo ng ibon na pinatay sa ibabaw ng tubig-tabang. Pagkatapos ay iwiwisik ng pari ang tubig na ito nang pitong beses sa taong lilinisin mula sa sakit, at pagkatapos ay ihahayag ng pari na siya ay maging malinis. Pagkatapos ay pakakawalan ng pari ang buhay na ibon sa mga lantad na kabukiran.
  • Para sa sanggol na si Jesus: isang pares ng batu-bato o dalawang batang kalapatiLuc 2:22, Luc 2:24
    Ang mga talata
    Luc 2:22Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw ng kanilang seremonya ng paglilinis, alinsunod sa kautusan ni Moises, dinala siya ni Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para iharap siya sa Panginoon.
    Luc 2:24Sila rin ay dumating upang mag-alay ng handog na alinsunod sa sinabi sa kautusan ng Panginoon, “dalawang kalapati o dalawang inakay na batu-bato.”

Mga kasabihan tungkol sa bitag

  • “Walang saysay ang paglalatag ng lambat na nakikita ng alinmang ibon!”Kaw 1:17
    Ang mga talata
    Kaw 1:17Sapagkat walang saysay na ikalat ang lambat upang bumitag ng isang ibon habang nanonood ang ibon.
  • “Bumababa ba ang ibon sa bitag na walang pain?”Amos 3:5
    Ang mga talata
    Amos 3:5Mabibitag ba ang isang ibon sa lupa kung walang paing nakahanda sa kaniya? Iigkas ba ang isang bitag sa lupa kung wala itong nahuling anuman?
  • “Nakatakas tayo na parang ibon mula sa bitag ng manghuhuli”Awit 124:7
    Ang mga talata
    Awit 124:7Nakatakas tayo tulad ng isang ibon mula sa patibong ng mga manghuhuli; ang patibong ay nasira at tayo ay nakatakas.
  • Gaya ng mga ibong nahuli sa bitagMang 9:12
    Ang mga talata
    Mang 9:12Dahil walang nakakaalam ng oras ng kaniyang pagkamatay, tulad ng isda na nahuli sa lambat ng kamatayan, o katulad ng mga ibon na nahuli sa patibong. Katulad ng mga hayop, ang mga tao ay nakakulong sa masasamang panahon na biglang dumarating sa kanila.

Iba pang kasabihan

  • “Gaya ng ibong lumayo sa kaniyang pugad”Kaw 27:8
    Ang mga talata
    Kaw 27:8Ang isang ibon na pagala-gala mula sa pugad nito ay katulad ng isang taong naliligaw sa kaniyang tinitirhan.
  • Mga bahay na puno ng panlilinlang “gaya ng mga hawlang puno ng ibon”Jer 5:27
    Ang mga talata
    Jer 5:27Katulad ng hawla na punung-puno ng mga ibon, ang kanilang mga bahay ay punung-puno ng panlilinlang. Kaya dumami sila at naging mayaman.
  • “Gaya ng nag-iisang ibon sa bubungan”Awit 102:7
    Ang mga talata
    Awit 102:7Gising akong nakahiga na parang isang malungkot na ibon, nag-iisa sa bubungan.
  • “Huhuni ako na parang layang-layang o tagak; dadaing ako na parang kalapati”Isa 38:14
    Ang mga talata
    Isa 38:14Tulad ng isang layang-layang ako ay sumisiyap; tulad ng isang kalapati ako ay humuhuni; aking mata ay napagod sa kakatingala. Panginoon, inapi ako: tulungan mo ako.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0