Tuklasin › Mga paksa › Mga hangin
Kalikasan
Mga hangin sa Bibliya
32 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Hanging silangan
- Panaginip ng Paraon: mga uhay na nilanta ng hanging silanganGen 41:6, Gen 41:23
- Umihip ang hanging silangan nang isang araw at isang gabi at nagdala ng mga balangExo 10:13
Ang mga talata
Exo 10:13Iniunat ni Moises ng kaniyang tungkod sa buong lupain ng Ehipto, at nagdala si Yahweh ng silangang hangin sa lupain sa buong araw na iyon at sa buong gabi. Kinaumagahan, nagdala ang silangang hangin ng mga balang.
- Itinulak ng malakas na hanging silangan ang dagat nang buong gabiExo 14:21
Ang mga talata
Exo 14:21Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat. Pinabalik ni Yahweh ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silangan sa buong gabing iyon at ginawang tuyong lupa. Sa ganitong paraan nahati ang tubig.
- Nanghina si Jonas dahil sa nakapapasong hanging silangan at sa arawJon 4:8
Ang mga talata
Jon 4:8Nangyari na nang sumikat ang araw ng sumunod na umaga, ang Diyos ay naghanda ng isang mainit na hangin mula sa silangan. At saka, tinamaan ng sinag ng araw ang ulo ni Jonas at naging maputla siya. Pagkatapos hinangad ni Jonas na mamatay siya. Sinabi ni Jonas sa kanyang sarili, “Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa mabuhay.
- Winawasak ng hanging silangan ang mga barko sa dagatAwit 48:7, Ezek 27:26
Ang mga talata
Awit 48:7Sa pamamagitan ng hangin ng silangan sinira mo ang mga barko ng Tarsis.
Ezek 27:26Dinala ka ng iyong mga tagasagwan sa mga malalawak na karagatan; winasak ka ng hangin ng silangan sa kanilang kalagitnaan.
Iba pang hangin
- Tinangay ng napakalakas na hanging kanluran ang mga balang sa Dagat na PulaExo 10:19
Ang mga talata
Exo 10:19Dinala ni Yahweh ang napakalakas na kanlurang hangin na dumampot sa mga balang at itinangay sila patungo sa Dagat ng mga Tambo; Wala ni isang balang ang natira sa buong lupain ng Ehipto.
- “Ang hanging hilaga ay nagdadala ng ulan”Kaw 25:23
Ang mga talata
Kaw 25:23Gaya ng katiyakan na ang hanging mula sa hilaga ay may dalang ulan, ang taong naghahayag ng mga lihim ay nagpapagalit ng mga mukha.
- Mula sa humahagupit na hanging hilaga dumarating ang lamigJob 37:9
Ang mga talata
Job 37:9Sa timog nagmula ang bagyo at sa hilaga nagmula ang malamig na hangin.
- Umiinit ang damit kapag tahimik ang lupain sa ilalim ng hanging timogJob 37:17
Ang mga talata
Job 37:17Naiintindihan mo ba kung papaano ang iyong mga damit ay natuyo nang walang mainit na hangin na mula sa timog?
- “Kapag umiihip ang hanging timog, sinasabi ninyo, ‘Magiging mainit’”Luc 12:55
Ang mga talata
Luc 12:55At kung iihip ang hangin sa timog, sinasabi ninyo, 'Magkakaroon ng matinding init,' at ito ay nangyayari.
- Matapos linisin ng hangin ang kalangitan, walang makatitingin sa arawJob 37:21
Ang mga talata
Job 37:21Ngayon, hindi makatingin ang mga tao sa araw kapag nagliliwanag ito sa himpapawid pagkatapos umihip ng hangin at nagliwanag ang mga ulap nito.
Sa mga salaysay
- Pinadaan ang hangin sa ibabaw ng lupa, at nagsimulang humupa ang tubig ng bahaGen 8:1
Ang mga talata
Gen 8:1Isinaalang-alang ng Diyos si Noe, lahat ng mga mababangis na hayop, at lahat ng alagang mga hayop na kasama niya sa arka. Ginawa ng Diyos na umihip ang isang hangin sa ibabaw ng mundo, at nagsimulang humupa ang tubig.
- Tinangay ng hangin ang mga pugo mula sa dagatBil 11:31
Ang mga talata
Bil 11:31Pagkatapos, isang hangin ang dumating mula kay Yahweh at nagdala ng pugo mula sa dagat. Bumagsak ang mga ito malapit sa kampo, na may isang araw na paglalakbay sa isang dako at isang araw na paglalakbay sa kabilang dako. Pumalibot ang mga pugo sa kampo na may dalawang siko ang taas mula sa lupa.
- Hinampas ng hangin mula sa disyerto ang apat na sulok ng bahay ng mga anak ni JobJob 1:18–19
Ang mga talata
Job 1:18–19Habang siya ay nagsasalita dumating ang isa pa at nagbalitang, “Nagkakainan at nag-iinuman ng alak ang iyong mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid. Isang malakas na hangin ang umihip mula sa disyerto at giniba ang apat na haligi ng bahay, nadaganan nito ang mga kabataan, at namatay silang lahat, at ako na lang ang nakatakas para sabihin ito sa iyo.”
- Sa Horeb, dinurog ng malakas na hangin ang mga bato, saka dumating ang lindol1 Hari 19:11
Ang mga talata
1 Hari 19:11Sumagot si Yahweh, “Lumabas ka at tumayo sa bundok sa aking harapan.” Pagkatapos dumaan si Yahweh, at isang napakalakas na hangin ang humampas sa mga bundok at pinagpira-piraso ang mga bato sa harapan ni Yahweh, pero si Yahweh ay wala sa hangin. Pagkatapos ng malakas na hangin, isang lindol ang dumating, pero wala si Yahweh sa lindol.
- Muntik nang mawasak ang barko ni Jonas dahil sa malakas na hangin sa dagatJon 1:4
Ang mga talata
Jon 1:4Subalit nagpadala si Yahweh ng malakas na hangin sa dagat at ito ay naging malakas na bagyo sa dagat. Hindi nagtagal ang barko ay parang masisira na.
- Sinaway ni Jesus ang hangin at ang dagat, at lubos na tumahimikMat 8:24–27
Ang mga talata
Mat 8:24–27Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus. Pumunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at siya ay ginising nila na nagsasabi, “Iligtas mo tayo, Panginoon, mamamatay na tayo!” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot, kayong maliit ang pananampalataya?” At bumangon si Jesus at sinaway ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng labis na katahimikan. Namangha ang mga lalaki at sinabi nila, “Anong uring tao ito, maging ang dagat at hangin ay sumusunod sa kaniya?”
- Hirap na hirap sa pagsagwan ang mga alagad, dahil salungat sa kanila ang hanginMar 6:48, Mat 14:24, Juan 6:18
Ang mga talata
Mar 6:48At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila.
Mat 14:24Ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat, halos hindi na ito mapigilan dahil sa mga alon, sapagkat pasalubong ang hangin.
Juan 6:18Ngayon, isang malakas na hangin ang umiihip at ang dagat ay nagiging maalon.
- Banayad na hanging timog, saka isang bagyong tinatawag na Hilagang-silanganGawa 27:13–15
Ang mga talata
Gawa 27:13–15Nang magsimula ng umihip ng banayad ang hangin mula sa timog, naisip ng mga mandaragat na ang kanilang kailangan ay nasa kanila na. Kaya't isinampa nila ang angkla at naglayag sa gilid ng Creta, malapit sa dalampasigan. Subalit pagkatapos ng maikling panahon ay may napakalakas na hangin, na tinatawag na Ang Hilagang-silangan, na nagsimulang tumama sa amin patawid sa kabilang isla. Nang matangay ng hangin ang barko at hindi kayang harapin ang hangin, hindi na namin kinaya at nagpatangay nalang dito.
- Sa hanging timog, nakarating ang barko ni Pablo mula Regio hanggang Puteoli sa loob ng dalawang arawGawa 28:13
Ang mga talata
Gawa 28:13Mula doon kami ay naglayag at nakarating sa lungsod ng Regio. Pagkatapos ng isang araw ang hangin mula sa timog ay umiihip, at sa ikalawang araw ay nakarating kami sa lungsod ng Puteoli.
Mga kasabihan
- “Umiihip ang hangin pa-timog, saka lumiliko pa-hilaga; paikot-ikot itong umiihip”Mang 1:6
Ang mga talata
Mang 1:6Umiihip ang hangin sa timog at magpapaikot-ikot hanggang sa hilaga, laging lilibot sa ganitong landas at magpapabalik-balik muli.
- “Ang nagbabantay sa hangin ay hindi makapaghahasik”Mang 11:4
Ang mga talata
Mang 11:4Sinuman ang pinanonood ang hangin ay maaaring hindi makapagtanim, at sinuman ang pinanonood ang ulap ay maaaring hindi makapag-ani.
- “Hindi mo alam ang daan ng hangin”Mang 11:5
Ang mga talata
Mang 11:5Kung paanong hindi mo alam kung saan manggagaling ang hangin, maging kung paano lumalaki ang mga buto ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hindi mo rin mauunawaan ang gawa ng Diyos, na siyang lumikha ng lahat.
- “Umiihip ang hangin kung saan nito ibig. Naririnig mo ang tunog nito”Juan 3:8
Ang mga talata
Juan 3:8Umiihip ang hangin kung saan niya gusto. Naririnig ninyo ang huni nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan ito nagmula o kung saan ito pupunta. Gayon din naman ang sinumang isilang sa Espiritu.”
- Tulad ng ipa na tinatangay ng hanginAwit 1:4
Ang mga talata
Awit 1:4Ang mga masasama ay hindi katulad nito, sa halip sila ay katulad ng ipa na tinatangay ng hangin.
- “Isang tambong hinahampas ng hangin?”Mat 11:7
Ang mga talata
Mat 11:7Habang nagtungo ang mga lalaking ito sa kanilang daan, sinimulang sabihin ni Jesus sa mga tao ang tungkol kay Juan, “Ano ang nilabas ninyo sa ilang para makita—isang tambo na inaalog-alog ng hangin?
- Ang malalaking barkong itinutulak ng malakas na hangin ay ginagabayan ng maliit na timonSant 3:4
Ang mga talata
Sant 3:4Pansinin din ang mga barko, kahit na napakalaki nila at tinutulak ng malalakas na hangin, ay nababaling kahit saan nais ibaling ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon.
- “Isang alon sa dagat, tinatangay at hinahampas ng hangin”Sant 1:6
Ang mga talata
Sant 1:6Ngunit humingi nang may pananampalataya, nang walang pag-aalinlangan, sapagkat ang nagdadalawang isip ay katulad ng alon sa dagat, na tinatangay ng hangin, kung saan.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0