Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga leon

Kalikasan

Mga leon sa Bibliya

31 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Umaatungal ang leon sa kaniyang biktima; umuungol ang batang leon sa kaniyang lunggaAmos 3:4
    Ang mga talata
    Amos 3:4Umaatungal ba ang isang leon sa gubat kapag wala itong nabiktima? Umuungol ba ang isang batang leon sa kaniyang yungib kung wala siyang nahuling anuman?
  • Nakayukyok sa lungga ang mga babaeng leon at batang leon at nag-aabang sa kasukalanJob 38:39–40
    Ang mga talata
    Job 38:39–40Kaya mo bang maghanap ng biktima para sa babaeng leon o pawiin ang gutom ng mga batang leon kapag yumuyukyok sila sa kanilang mga lungga at nakahigang naghihintay sa kanilang taguan?
  • Nanlapa ang leon para sa kaniyang mga anak at pinuno ang kaniyang mga lungga ng nasilaNah 2:11–12
    Ang mga talata
    Nah 2:11–12Nasaan na ngayon ang lungga ng mga leon, ang lugar kung saan pinapakain ang mga batang leon, ang lugar kung saan dumadaan ang leon at ang babaeng leon, kasama ang mga batang leon, kung saan wala silang kinatatakutan? Niluray ng leon ng pirara-piraso ang kaniyang biktima para sa kaniyang mga anak, sinakmal niya ang mga biktima para sa kaniyang mga asawang leon, at pinupuno ang kaniyang kuweba ng mga biktima, puno ang kaniyang mga lungga ng mga nilapang patay na hayop.
  • Namamatay ang matandang leon dahil walang biktima; nagkalat ang mga anak ng babaeng leonJob 4:10–11
    Ang mga talata
    Job 4:10–11Ang atungal ng mga leon, ang tinig ng mabangis na leon, maging ang pangil ng mga batang leon—ang lahat ay nabasag. Ang matandang leon ay namatay dahil sa kawalan ng mga biktima; ang mga batang leon ng inahin ay nagkalat saan mang lugar.
  • Makapangyarihan sa mga hayop, hindi umaatras sa anumanKaw 30:30
    Ang mga talata
    Kaw 30:30ang isang leon, ang pinakamalakas sa mga mababangis na hayop— hindi ito tumatalikod mula sa kahit ano; ang isang tandang mayabang sa paglalakad;
  • Namumuhay ang mga leon sa kasukalan ng JordanJer 49:19, Jer 50:44, Zac 11:3
    Ang mga talata
    Jer 49:19Tingnan ninyo, aakyat siya na gaya ng isang leon na mula sa gubat ng Jordan papunta sa berdeng lupaing pastulan. Sapagkat bigla kong patatakbuhin ang Edom mula rito at maglalagay ako ng isang taong mapipiling mamahala rito. Sapagkat sino ang katulad ko, at sino ang magpapatawag sa akin? Anong pastol ang may kakayahang labanan ako?
    Jer 50:44Tingnan ninyo! Aakyat siya na parang isang leon sa kaitaasan ng Jordan patungo sa lugar ng kanilang pastulan sapagkat agad ko silang itataboy mula rito at ako ang magtatalaga kung sino ang mapipiling mamamahala rito. Sapagkat sino ang katulad ko at sino ang magpapatawag sa akin? Sinong pastol ang lalaban sa akin?
    Zac 11:3Humahagulgol ang mga pastol sapagkat nawasak na ang kanilang kaluwalhatian. Ang tinig ng batang leon ay umaatungal sapagkat ganap nang nawasak ang ipinagmamalaki ng Ilog Jordan!
  • Maaaring makaagaw ang pastol mula sa leon ng dalawang paa o piraso lamang ng taingaAmos 3:12
    Ang mga talata
    Amos 3:12Ito ang sinasabi ni Yahweh: Gaya ng pagsagip ng pastol sa bunganga ng leon na dalawang hita lamang ang makukuha o isang piraso ng tenga, kaya ang masasagip ng mga Israelita na naninirahan sa Samaria ay kapiraso ng sopa lamang o isang piraso ng pantakip sa higaan.”
  • Hindi natakot ang leon sa kaniyang biktima kahit sumigaw ang pangkat ng mga pastolIsa 31:4
    Ang mga talata
    Isa 31:4Ito ang sinasabi sa akin ni Yahweh, “Tulad ng isang leon, kahit ang batang leon, na umaatungal sa gutay-gutay na biktima nito, pagkatapos na ang isang pangkat ng mga pastol ay tinawag laban dito, pero hindi ito manginginig sa kanilang mga tinig, ni tatakas sa kanilang ingay; kaya si Yahweh ng mga hukbo ng mga anghel ay bababa para lumaban sa Bundok ng Sion, sa burol na iyon.

Mga engkuwentro

  • Pinagpira-piraso ni Samson ang batang leon sa kaniyang mga kamay lamangHuk 14:5–6
    Ang mga talata
    Huk 14:5–6Pagkatapos bumaba si Samson sa Timna kasama ang kaniyang ama at ina, at dumating sila sa ubasan malapit sa Timna. At mayroong isa sa mga batang leon ang dumating at umatungal sa kaniya. Biglang pumaloob sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh, at doon dinurog niya ang leon ng pira-piraso na kasing dali ng pagdurog sa isang maliit na kambing, at walang anumang bagay sa kaniyang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kanyang ginawa.
  • Nang maglaon ay nakakita siya ng mga bubuyog at pulot sa bangkay ng leonHuk 14:8–9
    Ang mga talata
    Huk 14:8–9Lumipas ang mga araw, nang bumalik siya para pakasalan siya, lumiko siya ng daanan para tingnan ang patay na katawan ng leon, At mayroong isang kumpol ng mga pukyutan at pulot ang naiwan sa patay na katawan ng leon. Tinipon niya ang pulot sa kaniyang mga kamay at umalis, kumakain siya habang naglalakad. Nang dumating siya sa kaniyang ama at ina, ibinigay niya sa kanila ang ilan sa mga ito, at kinain nila. Pero hindi niya sinabi sa kanila na kinuha niya ang pulot mula sa naiwang patay na katawan ng leon.
  • Ang kaniyang bugtong: “Mula sa kumakain ay lumabas ang makakain”Huk 14:14, Huk 14:18
    Ang mga talata
    Huk 14:14Sinabi niya sa kanila, “Mula sa kumakain mayroong bagay na makakain; mula sa lakas mayroong bagay na sobrang matamis.” Pero hindi natukoy ng kaniyang mga panauhin ang sagot sa pangatlong araw.
    Huk 14:18At sinabi sa kaniya ng mga kalalakihan sa lungsod, sa ikapitong araw bago lumubog ang araw, “Ano ang mas matamis kaysa sa pulot? Ano ang mas malakas kaysa sa leon?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Kung hindi kayo nag-araro gamit ang aking dumalagang baka, hindi sana ninyo malalaman ang sagot sa aking bugtong.”
  • Pinatay ni David, isang batang pastol, ang mga leon at oso na tumangay ng mga kordero1 Sam 17:34–36
    Ang mga talata
    1 Sam 17:34–36Pero sinabi ni David kay Saul, “Isang tagapangalaga ng tupa ng kanyang ama ang iyong lingkod. Kapag dumating ang isang leon o oso at kinuha ang isang kordero sa kawan, hinahabol ko ito at sinasalakay ito, at inililigtas ito mula sa kanyang bibig. At kapag lumaban ito sa akin, hinuhuli ko ito sa kanyang balbas, hinahampas at pinapatay ito. Parehong pinatay ng iyong lingkod ang isang leon at isang oso. Ang hindi tuling Filisteong ito ay magiging tulad ng isa sa kanila, yamang hinahamon niya ang mga hukbo ng buhay na Diyos.”
  • Bumaba si Benaias sa hukay habang nagniniyebe at pinatay ang isang leon2 Sam 23:20
    Ang mga talata
    2 Sam 23:20Si Benaias, mula sa Kabzeel, ay lalaking anak ni Joaida; siya ang malakas na lalaki na gumawa ng mga dakilang gawa. Pinatay niya ang dalawang lalaking anak ni Ariel ng Moab. Bumaba rin siya sa loob ng isang hukay at pinatay ang leon habang nagniniyebe.
  • Pinatay ng leon ang lingkod ng Diyos pero hindi siya kinain at hindi ginalaw ang kaniyang asno1 Hari 13:24–28
    Ang mga talata
    1 Hari 13:24–28Nang makaalis na ang lingkod ng Diyos, isang leon ang nasalubong niya sa daan at pinatay siya, at ang katawan niya ay naiwan sa daanan. Pagkatapos nakatayo ang asno sa tabi nito at nakatayo din ang leon sa katawan nito. Nang napadaan ang mga tao at nakita ang naiwang katawan sa daanan, at ang nakatayong leon sa tabi ng katawan, sila ay dumating at ibinalita ito sa lungsod kung saan nanirahan ang matandang propeta. Nang marinig ito ng propeta na nagdala pabalik sa kaniya mula sa daanan, sinabi niya, “Ito ang lingkod ng Diyos na lumabag sa salita ni Yahweh. Kaya siya ay ibinigay ni Yahweh sa leon, na nilapa ng pira-piraso at pinatay siya, tulad lamang ng salita ni Yahweh na nagbabala sa kaniya. Kaya nagsalita ang matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, na sinasabing, “Ihanda ang aking asno,” at inihanda nila ito. Siya ay nagpunta at nakitang naiwan ang katawan sa daanan, at nakabantay ang asno at leon sa tabi ng bangkay. Hindi kinain ng leon ang bangkay, ni sinaktan ang asno.
  • Pinatay ng leon ang lalaking tumangging sumakit sa propeta1 Hari 20:35–36
    Ang mga talata
    1 Hari 20:35–36May isang lalaki, isa sa mga anak ng propeta, sinabi sa kaniyang kapwa propeta sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, “Pakiusap saktan mo ako.” Pero ang lalaki ay tumangging saktan siya. Pagkatapos sinabi ng propeta sa kaniyang kapwa propeta, “Dahil hindi mo sinunod ang tinig ni Yahweh, sa sandaling iwanan mo ako, isang leon ang papatay sa iyo.” At sandaling iniwan siya ng lalaking iyon, isang leon ang nakatagpo sa kaniya at pinatay siya.
  • Pinatay ng mga leon ang ilan sa mga dayuhang dinala sa mga bayan ng Samaria2 Hari 17:25–26
    Ang mga talata
    2 Hari 17:25–26Naganap ito sa simula ng kanilang paninirahan doon na hindi nila pinarangalan si Yahweh. Kaya nagsugo ng mga leon si Yahweh sa kalagitnaan nila na pumatay ng ilan sa kanila. Kaya sila ay nakipag-usap sa hari ng Asiria, nagsabing, ''Ang bansang dinala mo at inilagay sa mga lungsod ng Samaria ay walang alam sa mga kaugaliang hinihingi ng diyos ng lupain. Kaya siya ay nagsugo ng mga leon sa aming kalagitnaan, at, tingnan mo, pinapatay ng mga leon ang mga tao dahil hindi nila alam ang kaugaliang hinihingi ng diyos ng lupain.
  • Itinapon si Daniel sa yungib ng mga leon, tinatakan ng bato at ng singsing ng hariDan 6:16–17
    Ang mga talata
    Dan 6:16–17At nagbigay ng utos ang hari, at dinala nila sa loob si Daniel at inihagis nila siya sa yungib ng mga leon. At sinabi ng hari kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran.” Dinala ang isang bato sa pasukan ng yungib, at tinatakan ito ng hari ng kaniyang singsing na pangtatak at kasama ng mga tatak ng singsing ng mga maharlika upang walang anumang mabago tungkol kay Daniel.
  • Nang mag-umaga, iniahon si Daniel na walang anumang sugatDan 6:19–23
    Ang mga talata
    Dan 6:19–23At nang madaling araw, bumangon ang hari at nagmamadaling nagtungo sa yungib ng mga leon. Habang siya ay papalapit sa yungib, tinawag niya si Daniel, na may tinig na puno ng pagdadalamhati. Sinabi niya kay Daniel, “Daniel, lingkod ng buhay na Diyos, nailigtas ka ba ng iyong Diyos na lagi mong pinaglilingkuran mula sa mga leon?” Pagkatapos sinabi ni Daniel sa hari, “Hari, mabuhay ka magpakailanman! Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.” Pagkatapos, ang hari ay masayang masaya. Nagbigay siya ng utos na kailangang ilabas sa yungib si Daniel. Kaya itinaas nila si Daniel palabas ng yungib. Walang nakitang sugat sa kaniya, dahil siya ay nagtiwala sa kaniyang Diyos.
  • Itinapon ang mga nagsakdal sa kaniya; sinunggaban sila ng mga leon bago pa sumayad sa ilalimDan 6:24
    Ang mga talata
    Dan 6:24Nagbigay ng isang utos ang hari, na dalhin ang mga kalalakihang nagparatang kay Daniel at ihagis sila sa yungib ng mga leon, sila at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa. Bago sila sumayad sa sahig ay sinunggaban na sila ng mga leon at pinagbabali ang kanilang mga buto nang pira-piraso.

Mga leon sa ukit

  • Trono ni Solomon: leon sa tabi ng bawat dantayan at labindalawang leon sa anim na baytang1 Hari 10:19–20
    Ang mga talata
    1 Hari 10:19–20May anim na baytang papunta sa trono, at ang likod nito ay may pabilog na tuktok. May mga dantayan ng bisig sa magkabilang gilid ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa tabi ng mga dantayan. Labingdalawang leon ang nakatayo sa mga baytang, isa sa bawat magkabilang gilid sa bawat anim na baytang. Walang anumang trono kagaya nito sa alinmang kaharian.
  • Mga leon, mga baka at mga kerubin ang palamuti sa mga tansong patungan ng templo1 Hari 7:29, 1 Hari 7:36
    Ang mga talata
    1 Hari 7:29at sa mga tabla at mga balangkas ay mga leon, mga baka, at mga kerubin. Sa itaas at sa ibaba ng mga leon at mga baka ay mga koronang pinanday.
    1 Hari 7:36Sa ibabaw ng mga suporta at sa mga tabla si Hiram ay umukit ng mga kerubin, mga leon, at mga puno ng palma na nagtakip ng puwang, at sila ay napapalibutan ng mga korona.

Mga kasabihan

  • “Mas mabuti pa ang buhay na aso kaysa sa patay na leon”Mang 9:4
    Ang mga talata
    Mang 9:4Dahil mayroon pang pag-asa para sa nabubuhay, katulad ng buhay na aso na mas maigi pa kaysa sa patay na leon.
  • Sabi ng tamad: “May leon sa labas!”Kaw 22:13, Kaw 26:13
    Ang mga talata
    Kaw 22:13Sinasabi ng tamad na tao, “Mayroong isang leon sa lansangan! Ako ay mapapatay sa mga hayag na lugar.”
    Kaw 26:13Ang tamad na tao ay nagsasabing, “May isang leon sa kalsada! May isang leon sa pagitan ng mga lantad na lugar!
  • “Ang poot ng hari ay tulad ng atungal ng leon”Kaw 20:2
    Ang mga talata
    Kaw 20:2Ang takot sa hari ay katulad ng takot sa batang leon na umaatungal; ang sinumang maging dahilan ng kaniyang galit ay itinatapon ang kaniyang buhay.
  • Sina Saul at Jonatan ay “mas mabilis kaysa sa mga agila, mas malakas kaysa sa mga leon”2 Sam 1:23
    Ang mga talata
    2 Sam 1:23Si Saul at Jonatan ay minahal at mapagmahal sa buhay, at sa kanilang kamatayan sila ay hindi ipinaghiwalay. Sila ay mas mabilis kaysa sa mga agila, mas malakas kaysa sa mga leon.
  • Mga mandirigmang Gadita na may mukhang tulad ng leon at mabilis na tulad ng mga gasela1 Cro 12:8
    Ang mga talata
    1 Cro 12:8Ilan sa mga taga-Gad ay umanib kay David sa matibay na tanggulan sa ilang. Sila ay mga mandirigma, mga kalalakihang sinanay para sa digmaan, na kayang humawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha ay kasing bangis ng mga mukha ng leon. Sila ay kasing bilis ng mga gasel sa mga bundok.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0