Tuklasin › Mga paksa › Hamog sa umaga
Kalikasan
Hamog sa umaga sa Bibliya
22 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Pumapatak ang hamog sa kampo sa gabi, at kasama nito ang manaBil 11:9
Ang mga talata
Bil 11:9Kapag bumaba ang hamog sa kampo sa gabi, bumabagsak din ang manna.
- Nang mapawi ang hamog sa umaga, may maninipis na butil sa lupaExo 16:13–14
Ang mga talata
Exo 16:13–14Nangyari sa gabi na may dumating na mga pugo at natabunan ang kampo. Sa umaga ang hamog ay nalatag sa palibot ng kampo. Pagkawala ng hamog, doon sa ibabaw ng ilang ay may mga manipis na mumunting piraso na parang namuong hamog sa lupa.
- Gabi-gabing namamalagi ang hamog sa mga sangaJob 29:19
Ang mga talata
Job 29:19Umaabot ang aking mga ugat sa mga tubig, at nasa mga sanga ko ang hamog buong gabi.
- Pumapatak ang hamog mula sa mga ulapKaw 3:20
Ang mga talata
Kaw 3:20Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman, ang mga kailaliman ay bumukas at ibinagsak ng mga ulap ang kanilang hamog.
- “Sino ang nagluwal sa mga patak ng hamog?”Job 38:28
Ang mga talata
Job 38:28May ama ba ang ulan? Sino ang nagbunga ng mga patak ng hamog?
- Ang minamahal sa gabi: “Basang-basa ng hamog ang aking ulo”AwS 5:2
Ang mga talata
AwS 5:2Ako ay natutulog, pero ang puso ko ay gising sa isang panaginip. Naroroon ang tunog ng aking minamahal na kumakatok at sinasabi, “Pagbuksan mo ako, aking kapatid na babae, aking mahal, aking kalapati, aking dalisay, dahil ang ulo ko ay basa sa hamog, ang buhok ko sa gabing mamasa-masa.”
- Basang-basa si Nebucadnezar ng hamog ng langitDan 4:33
Ang mga talata
Dan 4:33Natupad kaagad kay Nebucadnezar ang atas na ito. Itinaboy siya palayo mula sa mga tao. Kumain siya ng damo tulad ng isang baka, at nabasa ang kaniyang katawan ng hamog mula sa kalangitan. Humaba ang kaniyang buhok na kasing haba ng mga balahibo ng mga agila, at naging tulad ng mga pangalmot ng mga ibon ang kaniyang mga kuko.
- Ang hamog ng Hermon na bumababa sa mga bundok ng ZionAwit 133:3
Ang mga talata
Awit 133:3Tulad ito ng hamog sa Hermon, na bumababa sa bundok ng Sion. Dahil doon nag-utos si Yahweh ng pagpapala, buhay magpakailanman.
Sa mga salaysay
- Pumiga si Gideon ng isang mangkok na tubig mula sa balahibo ng tupaHuk 6:37–38
Ang mga talata
Huk 6:37–38Tingnan mo, inilalagay ko ang isang tela na gawa sa balahibo ng tupa sa giikang palapag. Kapag merong hamog sa balahibo ng tupa lamang, at tuyo sa lahat ng lupa, kung gayon malalaman ko na gagamitin mo ako para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo.” Ito ang nangyari—Bumangon si Gideon ng maaga nang sumunod na araw, piniga niyang sabay ang balahibo ng tupa, at piniga ang hamog mula sa balahibo ng tupa, tama lamang para punuin ang isang mangkok ng tubig.
- Nang sumunod na gabi ay tuyo ang balahibo at natakpan ng hamog ang lupaHuk 6:39–40
Ang mga talata
Huk 6:39–40Pagkatapos sinabi ni Gideon sa Diyos, “Huwag kang magalit sa akin, magsasalita ako ng isa pang beses. Pakiusap pahintulutan mo ako ng isa pang pagsubok gamit ang balahibo ng tupa. Sa pagkakataong ito gawing tuyo ang balahibo ng tupa, at hayaang mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.” Ginawa ng Diyos ang anumang kaniyang hiningi para sa gabing iyon. Ang balahibo ng tupa ay tuyo, at mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.
- Si Elias kay Ahab: walang hamog ni ulan sa mga taong ito1 Hari 17:1
Ang mga talata
1 Hari 17:1Sinabihan ni Elias na taga-Tisbe sa Galaad si Ahab, “Habang si Yahweh, na Diyos ng Israel na aking kinakatawan, ay totoong buhay, hindi magkakaroon ng hamog o kaya ulan sa mga susunod na taon hanggang hindi ko sinasabi.”
- Panaghoy ni David: “Mga bundok ng Gilboa, huwag nawang magkaroon sa inyo ng hamog o ulan”2 Sam 1:21
Ang mga talata
2 Sam 1:21Mga Bundok ng Gilboa, huwag na hayaang magkaroon ng hamog o ulan sa inyo, ni mga kabukirin na magbibigay ng butil para sa mga alay, dahil doon ang panangga ng magiting ay nadungisan. Ang panangga ni Saul ay hindi na kailanman pinahiran sa pamamagitan ng langis.
- Hagai: pinigil ng langit ang hamog nito at ng lupa ang ani nitoHag 1:10
Ang mga talata
Hag 1:10Dahil dito, ipinagkait ng kalangitan ang hamog sa inyo at ipinagkakait ng lupa ang ani nito.
Mga pagpapala
- Pagpapala ni Isaac: ang hamog ng langit at ang taba ng lupaGen 27:28
Ang mga talata
Gen 27:28Nawa bigyan ka ng Diyos ng isang bahagi ng hamog ng langit, isang bahagi ng katabaan ng lupa, at masaganang mga butil at bagong alak.
- Maninirahan si Esau na malayo sa hamog ng langitGen 27:39
Ang mga talata
Gen 27:39Sumagot ang kanyang amang si Isaac at sinabi sa kanya, “Tingnan mo, ang lugar na pinaninirahan mo ay magiging malayo sa kayamanan ng mundo, malayo sa hamog ng langit sa itaas.
- Moises: pinagpala ang lupain ni Jose ng mahalagang hamog mula sa langitDeut 33:13
Ang mga talata
Deut 33:13Tungkol kay Jose, sinabi ni Moises: Nawa'y pagpalain ni Yahweh ang kaniyang lupain at ng kaniyang mahahalagang mga bagay sa langit, kasama ang hamog, At ng nakapaloob sa ilalim nito.
- Lupain ng butil at bagong alak, kung saan pumapatak ang hamog mula sa langitDeut 33:28
Ang mga talata
Deut 33:28Nawa'y ang Israel ay mamumuhay na may kaligtasan. Ang bukal ni Jacob ay ligtas sa isang lupain ng butil at bagong alak; tunay nga, hayaan ang langit na bumagsak ang hamog sa kaniya.
Mga kasabihan
- “Gaya ng hamog sa umaga na naglalaho”Hos 6:4, Hos 13:3
Ang mga talata
Hos 6:4Ano ang gagawin ko sa inyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa inyo, Juda. Ang inyong katapatan ay tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na mabilis na nawawala.
Hos 13:3Kaya sila ay magiging tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na nawawala ng maaga, tulad ng ipa na tinatangay ng hangin palayo mula sa giikan, at tulad ng usok na lumalabas mula sa isang pausukan.
- Ang pabor ng hari “ay tulad ng hamog sa damo”Kaw 19:12
Ang mga talata
Kaw 19:12Ang poot ng hari ay parang batang leon na umaatungal, pero ang kaniyang kagandahang loob ay katulad ng hamog sa mga damuhan.
- “Bababa tayo sa kaniya na gaya ng hamog sa lupa”2 Sam 17:12
Ang mga talata
2 Sam 17:12Pagkatapos pupunta tayo sa kaniya kahit saan man siya matagpuan at lulukuban natin siya tulad ng hamog na nuhuhulog sa lupa. Wala tayong ititira kahit isa sa kaniyang tauhan, o siya mismo na buhay.
- “Gaya ng ulap ng hamog sa init ng anihan”Isa 18:4
Ang mga talata
Isa 18:4Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, “Tahimik akong magmamasid mula sa tahanan ko, gaya ng matinding init sa sikat ng araw, gaya ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.”
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0