Tuklasin › Mga paksa › Ang dagat
Kalikasan
Ang dagat sa Bibliya
32 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Tinawag na “mga dagat” ang tinipong tubigGen 1:9–10
Ang mga talata
Gen 1:9–10Sinabi ng Diyos, “Hayaang ang katubigang nasa ilalim ng langit ay sama-samang magtipon sa isang lugar, at hayaang lumitaw ang tuyong lupain.” At nagkagayon nga. Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na “lupa” at ang natipong tubig ay tinawag niyang “dagat.” Nakita niyang ito ay kaaya-aya.
- Nilikha ang malalaking nilalang sa dagat sa ikalimang arawGen 1:21–23
Ang mga talata
Gen 1:21–23Kaya’t nilikha ng Diyos ang malalaking nilalang na naninirahan sa dagat, gayon din ang bawat buhay na nilikha ayon sa kanyang uri, mga nilalang na kumikilos at nagkukumpol sa katubigan, at bawat mga ibong may pakpak ayon sa kanyang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. Pinagpala sila ng Diyos, sinasabing, “Maging mabunga kayo at magpakarami, punuin niyo ang katubigan sa mga dagat. Hayaang dumami ang mga ibon sa mundo. Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalimang araw.
- Ang dagat, malawak at maluwang, puno ng mga nilalang, dinaraanan ng mga barkoAwit 104:25–26
Ang mga talata
Awit 104:25–26Banda roon ay ang dagat, malalim at malawak, punong-puno ng hindi mabilang na mga nilalang, kapwa maliit at malaki. Naglalakbay doon ang mga barko, at naroroon din si Leviatan, na hinubog mo para maglaro sa dagat.
- Umaagos sa dagat ang lahat ng ilog, pero hindi napupuno ang dagatMang 1:7
Ang mga talata
Mang 1:7Umaagos patungo sa dagat ang lahat ng mga ilog, ngunit ang dagat ay di mapupuno. Kung saan patungo ang ilog, doon muli ito tutungo.
- Ang buhangin ang hangganang hindi malampasan ng mga alonJer 5:22, Job 38:8–11
Ang mga talata
Jer 5:22Hindi ba ninyo ako kinatatakutan o manginig sa aking harapan? Naglagay ako ng mga buhangin na hangganan sa dagat, isang patuloy na atas na hindi nito nilalabag, kahit na tumataas at bumababa ang dagat, hindi pa rin nito nilalabag. Kahit pa dumagundong ang mga alon nito, hindi nito nilalagpasan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Job 38:8–11Sino ang nagsara ng dagat gamit ang pinto kapag bumubulwak ito, na parang lumabas sa sinapupunan - nang ginawa ko ang mga ulap bilang damit nito, at makapal na kadiliman bilang mga bigkis nito? Iyon ay noong nilagyan ko ng tanda ang hangganan ng dagat, at naglagay ako ng mga rehas at mga pinto, at nang sinabi ko dito, 'Maari kang pumunta hanggang dito, pero hanggang dito lamang; dito ko ilalagay ang hangganan ng pagmamalaki ng iyong mga alon.'
- Mga mandaragat sa alon: umaakyat sa langit at bumababa sa kailalimanAwit 107:23–27
Ang mga talata
Awit 107:23–27Naglakbay ang iba sa dagat sa barko at nagnegosyo sa ibang bansa. Nakita nila ang mga gawa ni Yahweh at kaniyang kababalaghan sa mga dagat. Dahil ipinag-utos niya at ginising ang hangin ng bagyo na nagpaalon sa karagatan. Umabot ito sa himpapawid; bumaba sila sa pinakamalalim na lugar. Ang kanilang mga buhay ay nalusaw ng pagkabalisa. Nayanig sila at sumuray-suray tulad ng mga lasinggero at sila ay nasa dulo ng kanilang diwa.
Mga dagat ng lupain
- Ang Malaking Dagat ang kanlurang hanggananBil 34:6, Jos 1:4
Ang mga talata
Bil 34:6Ang kanlurang hangganan ay magiging sa baybayin ng Malaking Dagat. Ito ang magiging kanluraning hangganan ninyo.
Jos 1:4Magiging lupain ninyo, mula sa ilang at Lebanon hanggang sa malawak na ilog, ang Eufrates, lahat ng lupain ng mga Heteo, at sa Malawak na Dagat, kung saan lumulubog ang araw.
- Ang Dagat Asin, kung saan dating naroon ang Lambak ng SidimGen 14:3
Ang mga talata
Gen 14:3Ang limang mga hari ay nagsama-sama sa Lambak ng Sidim (na tinatawag ding Dagat Asin).
- Nahinto ang agos ng Jordan patungo sa Dagat Asin habang tumatawid ang IsraelJos 3:16
Ang mga talata
Jos 3:16ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay nanatili sa isang tambakan. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa malalayong lugar. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa Adam, ang lungsod na nasa tabi ng Zaretan, pababa sa karagatan ng Negeb, ang Dagat na Asin. At tumawid ang mga tao malapit sa Jerico.
- Mga hangganan mula sa Dagat na Pula hanggang sa Dagat ng mga FilisteoExo 23:31
Ang mga talata
Exo 23:31Itatakda ko ang iyong mga hangganan mula sa Dagat ng mga Tambo patungo sa Dagat ng Palestina, at mula sa ilang patungo sa Ilog Eufrates. Ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban sa mga naninirahan sa lupain. Palalayasin mo sila sa harapan mo.
- Nagpagawa si Solomon ng mga barko sa Ezion-geber sa baybayin ng Dagat na Pula1 Hari 9:26
Ang mga talata
1 Hari 9:26Nagpagawa si Solomon ng malaking grupo ng mga barko sa Ezion-Geber, kung saan malapit sa Elat, na nasa dalampasigan ng Dagat na pula, sa lupain ng Edom.
- Naghagis ng lambat sa Dagat ng Galilea sina Pedro at AndresMat 4:18
Ang mga talata
Mat 4:18Habang naglalakad si Jesus sa Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat sila ay mga mangingisda.
Sa mga salaysay
- Itinulak ng hanging silangan ang dagat; tumawid ang Israel sa tuyong lupaExo 14:21–22
Ang mga talata
Exo 14:21–22Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat. Pinabalik ni Yahweh ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silangan sa buong gabing iyon at ginawang tuyong lupa. Sa ganitong paraan nahati ang tubig. Ang mga Israelita ay pumunta sa gitna ng dagat sa tuyong lupa. Ang tubig ay nag-anyong pader para sa kanila sa kanilang kanang kamay at sa kanilang kaliwa.
- Pagbubukang-liwayway, bumalik ang dagat at tinabunan ang mga karwahe ng ParaonExo 14:27–28
Ang mga talata
Exo 14:27–28Kaya iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat at ito ay bumalik sa dating anyo bago lumitaw ang umaga. Ang mga taga-Ehipto ay tumakas sa dagat, at dinala sila ni Yahweh sa gitna nito. Bumalik ang tubig at bumalot sa mga karwahe ni Paraon, mga nangangabayo at ang lahat ng kaniyang mga hukbo na sumunod sa mga karwahe papuntang dagat. Wala ni isa ang nakaligtas.
- Itinapon ng mga mandaragat ni Jonas ang kargamento upang gumaan ang barkoJon 1:4–5
Ang mga talata
Jon 1:4–5Subalit nagpadala si Yahweh ng malakas na hangin sa dagat at ito ay naging malakas na bagyo sa dagat. Hindi nagtagal ang barko ay parang masisira na. Kaya lubhang natakot ang mga mandaragat at tumatawag ang bawat tao sa kaniya-kanyang sariling diyos. Tinapon nila ang mga kargamento ng barko sa dagat upang mapagaan ito. Ngunit bumaba si Jonas doon sa mga kaloob-loobang bahagi ng barko, at nakahiga roon mahimbing na natutulog.
- Nang itapon si Jonas, kumalma ang nagngangalit na dagatJon 1:15
Ang mga talata
Jon 1:15Kaya binuhat nila si Jonas at itinapon siya sa dagat, at tumigil ang matinding galit ng dagat.
- Nilamon si Jonas ng malaking isdaJon 1:17
Ang mga talata
Jon 1:17Ngayon inihanda ni Yahweh ang isang malaking isda upang lunukin si Jonas, at si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng isda nang tatlong araw at tatlong gabi.
- Natutulog si Jesus sa unan sa hulihan habang humahampas ang mga alon sa bangkaMar 4:37–39
Ang mga talata
Mar 4:37–39Nagkaroon ng matinding unos at hinampas ng mga alon ang bangka kaya halos mapuno na ito ng tubig. Ngunit si Jesus naman ay nasa dulo ng bangka at natutulog sa unan. Ginising nila si Jesus at sinabi, “Guro, hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay? At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumayapa ka, tigil.” Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan.
- Lumakad si Jesus sa dagat sa ikaapat na pagbabantay ng gabiMat 14:25–26
Ang mga talata
Mat 14:25–26Nang madaling araw na, nilapitan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat. Nang makita siya ng kaniyang mga alagad na naglalakad sa dagat, natakot sila at sinabi, “Multo,” at sila ay nagsigawan sa takot.
- Bumaba si Pedro mula sa bangka at lumakad sa tubigMat 14:28–29
Ang mga talata
Mat 14:28–29Sumagot si Pedro sa kaniya at sinabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa tubig.” Sinabi ni Jesus, “Halika.” Kaya bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa tubig papunta kay Jesus.
- Barya sa bibig ng unang isdang mahuhuliMat 17:27
Ang mga talata
Mat 17:27Ngunit upang hindi tayo maging sanhi ng pagkakasala ng mga nangongolekta ng buwis, pumunta ka sa dagat, ihagis mo ang iyong pamingwit, at kunin ang unang isda na nahuli. Kapag binuka mo ang bibig nito, makikita mo ang isang siklo. Kunin mo ito at ibigay sa mga nangongolekta ng buwis para sa akin at para sa iyo.”
- 153 malalaking isda, at hindi napunit ang lambatJuan 21:11
Ang mga talata
Juan 21:11Umakyat si Simon Pedro at hinatak ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, 153 ang mga ito, kahit napakarami ng mga ito, ang lambat ay hindi napunit.
- Mga dalawang libong baboy ang nagtakbuhan pababa sa dalisdis papunta sa dagatMar 5:13
Ang mga talata
Mar 5:13Kaya pinayagan niya ang mga ito, lumabas ang mga masamang espiritu at pumasok sa mga baboy, at nagtakbuhan sila patungo sa matarik na burol papunta sa dagat, halos dalawang libong baboy ang nalunod sa dagat.
- Pagsukat ng lalim sa Adriatico: pababaw nang pababaw ang tubigGawa 27:27–28
Ang mga talata
Gawa 27:27–28Nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, nang mapadpad kami kung saan-saan sa Dagat ng Adriatico, bandang hating-gabi naisip ng mga mandaragat na papalapit sila sa isang lupain. Sinukat nila ang kalaliman ng dagat, at nalaman na may dalawangpung dipa ang lalim; pagkatapos ng ilang sandali, sumukat sila ng mas marami at nalaman nila na labinlimang dipa ang lalim.
Ang Dagat sa templo
- Hinulmang Dagat ni Solomon: isang napakalaking bilog na palanggana1 Hari 7:23
Ang mga talata
1 Hari 7:23Naghulma ng pabilog na dagat na bakal si Hiram, sampung kubit mula sa labi't labi. Ang taas nito ay limang kubit, at ang dagat ay tatlumpung kubit ang palibot na sukat.
- Nakapatong ito sa labindalawang baka, tatlo ang nakaharap sa bawat direksiyon1 Hari 7:25
Ang mga talata
1 Hari 7:25Ang dagat ay nakapatong sa labing dalawang hinulmang baka, tatlong nakaharap sa hilaga, tatlong nakaharap sa kanluran, tatlong nakaharap sa timog, at tatlong nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa kanila, at ang lahat ng kanilang puwitan ay nakapwesto sa bandang loob.
Mga kasabihan
- Mga inapo “na tulad ng buhangin sa dalampasigan”Gen 22:17, Gen 32:12
Ang mga talata
Gen 22:17tiyak na pagpapalain kita at labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan; at aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway.
Gen 32:12Ngunit sinabi mo, “Tiyak na gagawin kitang masagana. Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na parang buhangin ng dagat, na hindi kayang bilangin dahil sa kanilang dami.”''
- Pang-unawa ni Solomon “na tulad ng buhangin sa dalampasigan”1 Hari 4:29
Ang mga talata
1 Hari 4:29Binigyan ng Diyos si Solomon ng kahanga-hangang karunungan at pag-unawa, at malawak na pag-unawa gaya ng mga buhangin sa dalampasigan.
- Hindi mapakali ang dagat na hinahampas ng bagyo; naglalabas ng putik ang mga alon nitoIsa 57:20
Ang mga talata
Isa 57:20Pero ang mga masasama ay gaya nang maalon na dagat, kung saan hindi nagpapahinga, at ang tubig nito ay umaalimbukay ng burak at putik.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0