Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga yungib

Kalikasan

Mga yungib sa Bibliya

30 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Kanlungan at taguan

  • Nanirahan si Lot at ang kaniyang dalawang anak na babae sa isang yungib sa kabundukanGen 19:30
    Ang mga talata
    Gen 19:30Pero nagpunta si Lot paakyat mula sa Zoar para manirahan sa kabundukan kasama ang kanyang dalawang anak na babae dahil natakot siyang manirahan sa Zoar. Kaya nanirahan siya sa loob ng kuweba kasama ng kanyang dalawang anak na babae.
  • Nagpalipas ng gabi si Elias sa isang yungib sa Horeb1 Hari 19:8–9
    Ang mga talata
    1 Hari 19:8–9Kaya siya ay tumayo at kumain at uminom, at naglakbay siya sa lakas na mula sa pagkain sa apatnapung araw at apatnapung gabi sa Horeb, na bundok ng Diyos. Nagpunta siya sa kuweba doon at nanatili roon. Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Ano ang ginagawa mo dito Elias?”
  • Ibinalot niya ang mukha sa kaniyang balabal at tumayo sa bukana ng yungib1 Hari 19:13
    Ang mga talata
    1 Hari 19:13Nang marinig ni Elias ang boses, binalot niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, lumabas, at tumayo sa pasukan ng kuweba. Pagkatapos isang boses ang dumating sa kaniya na nagsabing, “Ano ang ginagawa mo dito Elias?”
  • Nagtago ang limang hari sa yungib sa MacedaJos 10:16–17
    Ang mga talata
    Jos 10:16–17Ngayon nakatakas ang limang hari at nagtago sila sa loob ng kuweba sa Maceda. Sinabi ito kay Josue, “Natagpuan sila! —ang limang hari na nagtago sa loob ng kuweba sa Maceda!”
  • Ipinagulong ni Josue ang malalaking bato sa bukana nitoJos 10:18
    Ang mga talata
    Jos 10:18Sinabi ni Josue, “Igulong ang malaking mga bato sa bukana ng kuweba at maglagay ng mga sundalo roon para bantayan sila.
  • Pagkatapos ay nanatili ang mga bato sa yungib “hanggang sa araw na ito”Jos 10:27
    Ang mga talata
    Jos 10:27Nang palubog na ang araw, nagbigay ng mga utos si Josue, at ibinaba sila mula sa mga puno at inihagis sila sa loob ng kuweba kung saan sila nagtago. Nilagyan nila ng malalaking bato ang bukana ng kuweba. Ang mga batong iyon nanatili pa rin hanggang sa araw na ito.
  • Nagtago ang mga Israelita sa mga yungib, kasukalan, bato, hukay at balon1 Sam 13:6
    Ang mga talata
    1 Sam 13:6Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na sila ay nasa panganib—sapagkat ang mga tao ay namimighati, nagtago ang mga tao sa mga kuweba, sa damuhan, sa mga bato, sa mga balon, at sa mga hukay.
  • Mga Filisteo: “Lumalabas ang mga Hebreo mula sa mga butas”1 Sam 14:11
    Ang mga talata
    1 Sam 14:11Kaya pareho nilang inilantad ang kanilang mga sarili sa kuta ng mga Filisteo. Sinabi ng mga Palestina, “Masdan ninyo, ang mga Hebreo ay lumalabas sa mga butas kung saan sila nagtatago.”
  • Itinago ni Obadias ang sandaang propeta, limampu sa bawat yungib, na may pagkain at tubig1 Hari 18:4, 1 Hari 18:13
    Ang mga talata
    1 Hari 18:4dahil nang ipinapapatay ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, sinama ni Obadias ang isandaang propeta at itinago niya sila ng tig limampo sa isang kuweba, at pinakain niya sila ng tinapay at tubig.
    1 Hari 18:13Hindi ba sinabi sa inyo, aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, kung paanong tinago ko ang isang daan na propeta ni Yahweh, tiglampu sa isang kuweba at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?
  • Nanatili si Samson sa yungib sa bato ng EtamHuk 15:8, Huk 15:11
    Ang mga talata
    Huk 15:8Pagkatapos hiniwa niya sila ng pira-piraso, balakang at hita sa pamamagitan ng isang matinding pagpatay. Pagkatapos bumaba siya at nanirahan sa isang kuweba sa talampas ng Etam.
    Huk 15:11Pagkatapos tatlong libong kalalakihan ng Juda ang bumaba sa kuweba sa talampas ng Etam, at sinabi nila kay Samson, “Hindi mo ba alam na ang mga Palestina ay naghahari sa amin?” Ano itong ginawa mo sa amin?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ginawa nila sa akin, ang ginawa ko sa kanila.”
  • Nagkubli si David sa yungib ng Adulam; mga 400 lalaki ang sumama sa kaniya1 Sam 22:1–2
    Ang mga talata
    1 Sam 22:1–2Kaya umalis si David doon at tumakas papunta sa kuweba ng Adulam. Nang marinig ito ng kanyang mga kapatid na lalaki at lahat ng nasa bahay ng kanyang ama, bumaba sila roon sa kanya. Ang bawat isang naghihirap, bawat isang may nasa pagkakautang, at bawat isang hindi kuntento—nagtipon silang lahat sa kanya. Naging kapitan si David sa kanila. Mayroong halos apat na raang kalalakihang kasama niya.
  • Tatlong pinuno ang pumunta kay David sa yungib ng Adulam sa panahon ng anihan2 Sam 23:13, 1 Cro 11:15
    Ang mga talata
    2 Sam 23:13Tatlo sa tatlumpung tauhan ang bumaba papunta kay David sa panahon ng ani, sa kuweba ng Adullam. Nakakampo ang hukbo ng mga taga-Filisteo sa lambak ng Refaim.
    1 Cro 11:15At tatlo sa tatlumpung mga pinuno ang bumaba patungo kay David sa malaking bato, sa yungib ng Adullam. Nagkampo ang mga hukbo ng Filisteo sa lambak ng Rephaim.
  • Pumasok si Saul sa yungib na pinagtataguan ni David; pinutol ni David ang laylayan ng kaniyang balabal1 Sam 24:3–4
    Ang mga talata
    1 Sam 24:3–4Dumating siya sa tabi ng kulungan ng mga tupa, na kung saan may isang kuweba. Pumasok si Saul sa loob upang paginhawahin ang kanyang sarili. Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Ito ang araw na sinabi ni Yahweh na sinabi niya sa iyo, 'Ibibigay ko sa iyong kamay ang iyong kaaway, upang gawin mo ang nais mong gawin sa kanya.”' Pagkatapos umakyat si David at tahimik na gumapang pasulong at pinutol ang gilid ng balabal ni Saul.
  • Lumabas si David mula sa yungib at tinawag si Saul1 Sam 24:8
    Ang mga talata
    1 Sam 24:8Pagkatapos, tumayo rin si David, iniwan ang kuweba, at tinawag si Saul: “Aking panginoong hari.” Nang tumingin si Saul sa kanyang likuran, nagpatirapa si David sa lupa at nagpakita sa kanya ng paggalang.
  • Dalawang pamagat ng awit: si David “sa yungib”Awit 57:1, Awit 142:1
    Ang mga talata
    Awit 57:1Maging maawain ka sa akin, o Diyos, maging maawain ka, dahil kumukubli ako sa iyo hanggang matapos ang mga kaguluhan na ito. Nananatili ako sa ilalim ng iyong mga pakpak para sa pag-iingat hanggang matapos na ang pagwasak na ito.
    Awit 142:1Gamit ang aking boses ako ay tumatawag kay Yahweh; nagsumamo ako gamit ang aking boses kay Yahweh.
  • Nanirahan ang mga itinakwil sa gitna ng mga bato at sa mga butas sa lupaJob 30:6
    Ang mga talata
    Job 30:6Kaya kinailangan nilang manirahan sa ilog lambak, sa mga lungga ng lupa at ng mga bato.
  • Nagtago ang ilan sa mga yungib at butas sa lupaHeb 11:38
    Ang mga talata
    Heb 11:38(Sila na hindi karapat-dapat sa mundo), naglibot sa ilang, sa mga kabundukan, sa mga kuweba at sa mga butas sa lupa.

Mga yungib na libingan

  • Binili ni Abraham ang yungib ng Macpela mula kay Efron na HeteoGen 23:9, Gen 23:17–20
    Ang mga talata
    Gen 23:9Pakiusapan ninyo siyang ipagbili sa akin ang kuweba ng Makpela, na kanyang pagmamay-ari, na nasa dulo ng kanyang bukid. Para sa buong halaga hayaan niyang ipagbili ito sa akin nang hayagan bilang ari-arian para gawing libingan.”
    Gen 23:17–20Kaya ang bukid ni Ephron, na nasa Macpela, na katabi ng Mamre, ang bukid, ang kuweba na nasa loob nito, at ang lahat ng mga punong naroon sa bukid at lahat ng nasa palibot ng hangganan, ay ipinasa kay Abraham sa pamamagitan ng pagbili sa harapan ng mga anak ni Het, at sa harapan ng lahat ng mga pumunta sa loob ng tarangkahan ng lungsod. Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang kanyang asawang si Sara sa kuweba sa bukid ng Macpela, na katabi ng Mamre, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. Kaya ang bukid at ang kuwebang naroon ay naipasa kay Abraham mula sa mga anak ni Het bilang ari-arian upang gawing libingan.
  • Inilibing doon ni Isaac at Ismael si AbrahamGen 25:9–10
    Ang mga talata
    Gen 25:9–10Sina Isaac at Ismael, na kanyang mga anak, ay inilibing siya sa kuweba ng Macpela, sa lupain ni Epron na anak na lalaki ni Zohar na mga anak ni Heth, na malapit sa Mamre. Ang lupang ito ay binili ni Abraham mula sa mga anak na lalaki ni Heth. Si Abraham ay inilibing doon kasama ng kanyang asawang si Sara.
  • Jacob: nakahimlay sa yungib na iyon sina Abraham, Sarah, Isaac, Rebeca at LeaGen 49:29–32
    Ang mga talata
    Gen 49:29–32Tinuruan niya sila at sinabihang, “Ako nga ay pupunta na sa aking mga tao. Ilibing ninyo ako kasama ng aking mga ninuno sa kuweba na nasa bukid ni Efron ang Heteo, sa kuweba na nasa bukid ng Macpela, na malapit sa Mamre sa lupain ng Canaan, ang bukid na binili ni Abraham kay sa Efron ang Heteo para maging libingan. Doon inilibing si Abraham at Sara na kanyang asawa; inilibing nila roon si Isaac at Rebeca na kanyang asawa; at inilibing ko roon si Lea. Binili ang bukid at ang kuweba rito mula sa mga Heth.”
  • Dinala si Jacob ng kaniyang mga anak mula sa Ehipto hanggang sa MacpelaGen 50:13
    Ang mga talata
    Gen 50:13Dinala siya ng kanyang mga anak sa lupain ng Canaan at inilibing siya sa kuweba sa bukid ng Macpela, malapit sa Mamre. Binili ni Abraham ang kuweba na may bukid para maging lugar na paglilibingan. Binili niya ito kay Ephron na Hetheo.
  • Yungib ang libingan ni Lazaro, may batong nakatakip sa pasukanJuan 11:38
    Ang mga talata
    Juan 11:38Pagkatapos, habang si Jesus ay muling naghihinagpis, pumunta siya sa libingan. Ngayon ito ay isang kuweba at may isang batong nakatakip dito.
  • Inukit sa bato ang libingan ni Jesus, iginulong ang bato sa pasukan nitoMat 27:60, Mar 15:46
    Ang mga talata
    Mat 27:60at hinimlay niya ito sa kaniyang bagong libingan na kaniyang inuka sa bato. Pagkatapos, pinagulong ang malaking bato at ipinangtakip sa pinto ng libingan at umalis.
    Mar 15:46Bumili si Jose ng linong tela. Ibinaba niya siya mula sa krus, ibinalot siya sa linong tela, at ihinimlay siya sa isang libingan na tinapyas mula sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pasukan ng libingan.

Mga kasabihan

  • “Maging tulad kayo ng kalapating namumugad sa bukana ng yungib”Jer 48:28
    Ang mga talata
    Jer 48:28Kayong mga naninirahan sa Moab, lisanin ninyo ang mga lungsod at magkampo kayo sa mga matarik na dalisdis. Maging tulad ng isang kalapati na nakapugad sa bunganga ng butas sa mga batuhan.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0