Tuklasin › Mga paksa › Mga kabayo
Kalikasan
Mga kabayo sa Bibliya
37 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Job: kinakahig ng kabayo ang lambak, nagagalak sa kaniyang lakas at sumusugod sa labananJob 39:19–21
Ang mga talata
Job 39:19–21Binigyan mo ba ng lakas ang kabayo? Dinamitan mo ba ang leeg niya ng kaniyang malambot na buhok? Napatalon mo na ba siya na parang balang? Ang katanyagan ng kaniyang pagsinghal ay nakakatakot. Yumayabag siya sa kapangyarihan at nagagalak sa kaniyang kalakasan; tumatakbo siya nang mabilis para salubungin ang mga sandata.
- Tinatawanan niya ang takot at hindi umuurong sa espadaJob 39:22–23
Ang mga talata
Job 39:22–23Kinukutya niya ang takot at hindi nasisiraan ng loob; hindi siya umaatras sa espada. Ang suksukan ng mga palaso ay kumakalampag sa kaniyang tagiliran, kasama ang kumikintab na sibat at dyabelin.
- Sa tunog ng tambuli ay hindi siya mapakali; naaamoy niya ang labananJob 39:24–25
Ang mga talata
Job 39:24–25Nilulunok niya ang lupa nang may bagsik at matinding galit; sa tunog ng trumpeta, hindi siya makatayo sa isang lugar. Tuwing tutunog ang trumpeta, sinasabi niyang, 'Aha!' Naaamoy niya ang labanan sa malayo— ang dumadagundong na mga sigaw ng mga kumander at mga hiyawan.
- Naririnig mula sa malayo ang singhal at halinghing ng mga kabayong pandigmaJer 8:16
Ang mga talata
Jer 8:16Narinig mula sa Dan ang pagsinghal ng kaniyang mga kabayong lalaki. Nayayanig ang buong daigdig sa tunog ng halinghing ng kaniyang mga malalakas na kabayo. Sapagkat darating sila at kukunin ang lupain at ang kayamanan nito, ang lungsod at ang mga naninirahan dito.
- Dahil sa renda sa kanilang bibig, napapatnubayan ng sakay ang buong hayopSant 3:3
Ang mga talata
Sant 3:3Ngayon kung lalagyan natin ng busal ang bibig ng kabayo susundin nila tayo, at mapapabaling natin ang kanilang buong katawan.
- Kailangang pigilan ang kabayo at mola ng renda at pamingkawAwit 32:9
Ang mga talata
Awit 32:9Huwag kang tumulad sa isang kabayo o katulad ng isang asno, na walang pagkakaintindi; dahil lamang sa renda sa bibig kaya napapasunod sila kung saan mo sila gustong papuntahin.
- Dinadalhan ng sebada at dayami ang mga kabayo ng karwahe1 Hari 4:28
Ang mga talata
1 Hari 4:28Sila rin ay nagdala sa tamang lugar ng senada at dayami para sa mga kabayong pangkarwahe at sinasakyan, bawat isa nagdadala kung ano ang kaniyang nakayanan.
- Dumaraan ang gulong ng kariton at mga kabayo sa butil nang hindi ito dinudurogIsa 28:28
Ang mga talata
Isa 28:28Ang butil ay ginigiling para sa tinapay pero hindi napakapino, at kahit na ikinakalat ito ng mga gulong ng kanyang karitela at ng kanyang mga kabayo, hindi ito dinudurog ng kanyang mga kabayo.
Sa digmaan
- Hinabol ng mga kabayo at karwahe ng Paraon ang Israel hanggang sa dagatExo 14:9, Exo 15:19
Ang mga talata
Exo 14:9Pero hinabol sila ng mga taga-Ehipto kasama ng kanilang mga kabayo at mga karwahe, mga nangangabayo at ang kaniyang mga hukbo. Inabutan nila ang mga Israelita na nagkakampo sa tabing dagat ng Pi Hahirot, bago ang Baal Zefon.
Exo 15:19Dahil lumakad ang mga kabayo ni Paraon kasama ng kaniyang mga karwahe at mga mangangabayo sa dagat. Dinala pabalik ni Yahweh ang mga tubig ng dagat sa kanila. Pero ang mga Israelita ay naglakad sa gitna ng dagat sa mga tuyong lupa.
- Pinilayan ni Josue ang mga kabayo ng kaaway at sinunog ang kanilang mga karwaheJos 11:6, Jos 11:9
Ang mga talata
Jos 11:6Sinabi ni Yahweh kay Josue, “ Huwag kang matakot sa kanilang harapan, dahil bukas sa oras na ito ibibigay ko silang lahat sa Israel bilang patay na kalalakihan. Pipilayin mo ang kanilang mga kabayo, at susunugin mo ang kanilang mga karwahe.”
Jos 11:9Ginawa ni Josue sa kanila gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh. Pinilayan niya ang mga kabayo at sinunog ang mga karwahe.
- Pinilayan ni David ang lahat ng kabayo ng karwahe maliban sa sandaan2 Sam 8:4
Ang mga talata
2 Sam 8:4Binihag ni David mula sa kaniya ang 1,700 karwahe at 20,000 kalalakihang naglalakad. Pinilay lahat ni David ang mga kabayo ng karwaheng pandigma, pero naglaan siya ng isandaang karwahe na sapat para sa kanila.
- Si Haring Jehoshafat kay Ahab: “Ang aking mga kabayo ay iyong mga kabayo”1 Hari 22:4
Ang mga talata
1 Hari 22:4Kaya sinabi niya kay Jehoshafat, “Sasama ka ba sa akin sa pakikidigma sa Ramot Galaad?” Sumagot si Jehoshafat sa hari ng Israel, “Ako ay tulad mo, ang aking bayan ay tulad ng iyong bayan, at aking mga kabayo ay tulad ng iyong mga kabayo.
- Panunuya ng Asiria: dalawang libong kabayo, kung may maisasakay ka sa mga ito2 Hari 18:23
Ang mga talata
2 Hari 18:23Kaya ngayon, nais kong gumawa ka ng magandang alok mula sa aking panginoon ang hari ng Asiria. Bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung makakahanap ka ng mga sasakay sa kanila.
- Nagdala ang mga tagamanman sa Samaria ng dalawang karwaheng may kabayo upang sundan ang mga Aramean2 Hari 7:13–14
Ang mga talata
2 Hari 7:13–14Sumagot ang isa sa mga lingkod ng hari at sinabing, “Pakiusap, hayaan mong kunin ng ilan sa mga tauhan ang limang kabayong natitira sa lungsod. Tulad sila ng lahat ng natitira sa mga mamamayan ng Israel —karamihan ay patay na; hayaan mong ipadala namin sila at tingnan ito.” Kaya kumuha sila ng dalawang karwahe na may mga kabayo, at sinugo sila ng hari sa hukbo ng mga Aramean, sinasabing, “Tingnan ninyo iyon.”
- “Isingkaw ang mga kabayo; sumakay kayo; pumuwesto kayo na suot ang mga helmet!”Jer 46:4
Ang mga talata
Jer 46:4Isingkaw ninyo ang mga kabayong lalaki at sakyan ninyo ang mga ito, kayong mga mangangabayo. Humanay kayo, kasama ang inyong mga helmet na nasa inyong mga ulo. Hasain ninyo ang mga sibat at isuot ang inyong mga baluti.
- Mga yabag ng kumakaripas na kabayo at dagundong ng mga karwaheJer 47:3
Ang mga talata
Jer 47:3Sa tunog ng malalakas na pagpadyak ng mga paa ng kanilang mga kabayo, sa dagundong ng kanilang mga karwahe at ingay ng kanilang mga gulong, hindi tutulungan ng mga ama ang kanilang mga anak dahil sa kanilang sariling kahinaan.
Mga hari at kalakalan
- Ang Kautusan: hindi dapat magparami ang hari ng mga kabayoDeut 17:16
Ang mga talata
Deut 17:16Pero hindi dapat siya magparami ng mga kabayo para sa kaniyang sarili o magdulot sa mga tao na bumalik sa Ehipto para sila ay magparami ng mga kabayo, dahil sinabi ni Yahweh sa inyo, 'Mula ngayon hindi na dapat kayo bumalik sa daang iyon.'
- Ang mga kuwadra ni Solomon para sa mga kabayo ng kanyang mga karwahe, at ang kanyang mga mangangabayo1 Hari 4:26, 2 Cro 9:25
Ang mga talata
1 Hari 4:26Si Solomon ay may apatnapung libong kuwadra ng kabayo para sa kanyang mga karwahe, at labingdalawang libong mangangabayo.
2 Cro 9:25May apat na libong kuwadra si Solomon para sa mga kabayo at mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa mga lungsod ng mga karwahe at sa kaniya sa Jerusalem.
- Ang kabayo mula sa Ehipto ay 150 siklong pilak, ang karwahe ay 6001 Hari 10:28–29
Ang mga talata
1 Hari 10:28–29Nagmamay-ari si Solomon ng mga kabayo na nanggaling sa Ehipto at Cilicia. Ang mga mangangalakal ng hari ay binili ang mga iyon sa kawan, bawat isang kawan ay may halaga. Ang mga karwahe ay binili sa labas ng Ehipto sa halagang animnaraang siklo ng pilak bawat isa, at mga kabayo ng 150 siklo bawat isa. Pagkatapos karamihan sa mga ito ay ipinagbili sa lahat ng mga hari ng mga Heteo at Arameo.
- Nanggaling ang mga kabayo ni Solomon sa Ehipto, Cilicia at iba pang lupain1 Hari 10:28, 2 Cro 9:28
Ang mga talata
1 Hari 10:28Nagmamay-ari si Solomon ng mga kabayo na nanggaling sa Ehipto at Cilicia. Ang mga mangangalakal ng hari ay binili ang mga iyon sa kawan, bawat isang kawan ay may halaga.
2 Cro 9:28Nagdala sila ng mga kabayo para kay Solomon galing sa Ehipto at mula sa lahat ng lupain.
- Nakipagpalitan ng mga kabayo, kabayong pandigma at mola sa Tiro ang Beth-togarmaEzek 27:14
Ang mga talata
Ezek 27:14Nagbigay ang Beth-Togarma ng mga kabayo, mga lalaking kabayo at mola bilang iyong mga pangkalakal.
- May 736 kabayo at 245 mola ang mga bumalik mula sa BabiloniaEzra 2:66
Ang mga talata
Ezra 2:66Ang kanilang kabayo: 736. Ang kanilang mola: 245.
- Pumunta sa Ehipto ang ilan sa Juda upang umasa sa mga kabayo at karwahe nitoIsa 31:1
Ang mga talata
Isa 31:1Nakaaawa ang mga bumababa sa Ehipto para humingi ng tulong at umaasa sa mga kabayo, at magtitiwala sa mga karwahe (dahil sila ay marami) at sa mangangabayo (dahil sila ay hindi mabilang). Pero hindi nila isinasaalang-alang ang Banal ng Israel, ni hinahanap nila si Yahweh!
- Inalis ni Josias ang mga kabayong itinalaga ng mga hari ng Juda sa araw2 Hari 23:11
Ang mga talata
2 Hari 23:11Inalis niya ang mga kabayo na ibinigay ng mga hari ng Juda sa araw. Nasa isang lugar ang mga iyon sa pasukan patungo sa templo ni Yahweh, malapit sa silid ni Natan Melec, ang katiwala. Sinunog ni Josias ang mga karwahe ng araw.
- Iprinusisyon si Mordecai sa lungsod sakay ng mismong kabayo ng hariEst 6:8–11
Ang mga talata
Est 6:8–11hayaang dalhin ang mga maharalikang balabal, mga balabal na isinuot ng hari, at isang kabayong sinakyan ng hari at sa ulo nito ay ang sagisag ng hari. Pagkatapos payagang ibigay ang mga balabal at ang kabayo sa isa sa pinakamarangal na opisyal ng hari. Hayaan silang bihisan ang lalaking kinalulugdang parangalan ng hari, at hayaang pasakayin siya sa kabayong lilibot sa mga lansangan ng bayan. Hayaang ipahayag nila sa harapan niya, 'Ganito ang ginagawa sa kinalulugdang parangalan ng hari!”' Pagkatapos sinabi ng hari kay Haman, “Magmadali, kunin mo ang mga balabal at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mo iyon kay Mordecai na Judio na nakaupo sa tarangkahan ng hari. Huwag mabigo sa isa mang bagay na iyong sinabi.” Pagkatapos kinuha ni Haman ang mga balabal at ang kabayo. Binihisan niya si Mordecai at pinasakay sa kabayo patungo sa mga lansangan ng siyudad. Ipinahayag sa unahan niya, “Ganito ang ginagawa sa tao na kinalulugdang parangalan ng hari!”
- Napahiwalay si Elias kay Eliseo sa pamamagitan ng karwaheng apoy at mga kabayong apoy2 Hari 2:11
Ang mga talata
2 Hari 2:11Habang naglalakad sila at nag-uusap, biglang may isang karwahe ng apoy at mga kabayong apoy ang lumitaw, na nagpahiwalay sa kanila, at nilipad pataas si Elias sa pamamagitan ng ipu-ipo sa langit.
Mga kasabihan
- “Mas mabilis kaysa sa mga agila ang kaniyang mga kabayo”Jer 4:13
Ang mga talata
Jer 4:13Tingnan ninyo, lumulusob siya katulad ng mga ulap at ang kaniyang mga karwahe ay gaya ng isang bagyo. Ang kaniyang mga kabayo ay mas mabilis pa kaysa sa mga agila. Kaawa-awa tayo sapagkat mawawasak tayo!
- “Mas mabilis kaysa sa mga leopardo ang kanilang mga kabayo, mas mabangis kaysa sa lobo sa gabi”Hab 1:8
Ang mga talata
Hab 1:8Ang kanilang mga kabayo ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, mas mabilis kaysa sa mga lobo sa gabi! Ang kanilang mga mangangabayo ay mula sa malayo kaya ang kanilang mga kabayo ay mabilis tumakbo—lumilipad silang gaya ng agila na nagmamadaling manakmal!
- “Inihahanda ang kabayo para sa araw ng labanan”Kaw 21:31
Ang mga talata
Kaw 21:31Ang kabayo ay handa para sa araw ng labanan, ngunit kay Yahweh ang tagumpay ay nabibilang.
- Isang awit: hindi makapagliligtas kahit ang malaking lakas ng kabayoAwit 33:17
Ang mga talata
Awit 33:17Ang isang kabayo ay hindi tunay na kasiguruhan ng tagumpay; sa kabila ng kanyang kalakasan, ay hindi siya makakapagligtas.
- “Latigo para sa kabayo, renda para sa asno”Kaw 26:3
Ang mga talata
Kaw 26:3Ang latigo ay para sa kabayo, ang kabisada ay para sa asno, at ang pamalo ay para sa likod ng mga hangal.
- “Tumatakbo ba ang mga kabayo sa mga bangin?”Amos 6:12
Ang mga talata
Amos 6:12Tumatakbo ba ang mga kabayo sa mga mabatong bangin? May nag-aararo bang baka roon? Ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan at kapaitan ang bunga ng katuwiran.
- “Kung nakipagkarera ka sa mga taong naglalakad … paano ka makikipagpaligsahan sa mga kabayo?”Jer 12:5
Ang mga talata
Jer 12:5Sinabi ni Yahweh, “Sapagkat kung ikaw, Jeremias ay nakipagtakbuhan sa mga nakapaang kawal at pinagod ka nila, paano ka makikipag-unahan sa mga kabayo? Kung nadapa ka sa kapatagan sa ligtas na kabukiran, paano mo gagawin sa mga kasukalan sa daan ng Jordan?
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0