Tuklasin › Mga paksa › Mga liryo at damo
Kalikasan
Mga liryo at damo sa Bibliya
35 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Mga liryo
- Hugis-liryo ang mga ulo ng haligi sa portiko ng templo1 Hari 7:19, 1 Hari 7:22
Ang mga talata
1 Hari 7:19Ang mga kapitel sa itaas ng poste ng portiko ay may palamuti ng mga liryo, apat na kubit ang taas.
1 Hari 7:22Sa itaas ng mga haligi ay mga palamuti tulad ng mga liryo. Ang paghuhugis ng mga haligi ay natapos sa ganitong paraan.
- Tulad ng bulaklak ng liryo ang labi ng tansong Dagat1 Hari 7:26, 2 Cro 4:5
Ang mga talata
1 Hari 7:26Ang dagat ay kasing kapal ng isang kamay, at ang labi nito ay hinulma tulad ng labi ng isang tasa, tulad ng isang bulaklak na liryo. Ang dagat ay naglalaman ng dalawang libong bat na tubig.
2 Cro 4:5Ang dagat ay kasing kapal ng lapad ng isang kamay, at ang labi nito ay pinanday gaya ng labi ng kopa, gaya ng bulaklak na liryo. Ang dagat ay may lamang tatlong libong baldeng tubig.
- “Tingnan ninyo kung paano lumalaki ang mga liryo: hindi sila nagpapagal o humahabi”Mat 6:28, Luc 12:27
Ang mga talata
Mat 6:28At bakit kayo nababalisa tungkol sa inyong kasuotan? Isipin ninyo ang mga liryo sa mga bukirin kung papaano sila tumubo. Hindi sila nagtatrabaho, at hindi sila gumagawa ng damit.
Luc 12:27Isipin ninyo ang mga liryo—kung paano sila lumalaki. Sila ay hindi nagtatrabaho o ni nagsusulid man lang. Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagdamit na tulad ng isa sa mga ito.
- Kahit si Solomon sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nadamitan na tulad ng isa sa mga itoMat 6:29
Ang mga talata
Mat 6:29Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit na si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagsuot ng tulad sa isa sa mga ito.
- Nagpapastol ng kaniyang kawan ang pastol sa gitna ng mga liryoAwS 2:16, AwS 6:3
Ang mga talata
AwS 2:16Ang aking minamahal ay akin, at ako ay sa kanya; siya ay nanginginain sa mga liryo na may kasiyahan. Nagsasalita sa kanyang kasintahan ang babae
AwS 6:3Pag-aari ako ng aking mangingibig, at pag-aari ko ang aking mangingibig; nanginginain siya sa mga liryo na may kasiyahan. Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniya sarili.
- Bumaba ang minamahal sa kaniyang hardin upang mamitas ng mga liryoAwS 6:2
Ang mga talata
AwS 6:2Ang aking minamahal ay bumaba sa kaniyang hardin, sa mga nakatanim na mga sangkap ng pabango, para manginain sa hardin at magtipon ng mga liryo.
- “Isang liryo sa lambak … gaya ng liryo sa gitna ng mga tinik”AwS 2:1–2
Ang mga talata
AwS 2:1–2Ako ay isa lamang bulaklak na nasa isang kapatagan, isa lamang liryo na nasa isang lambak. Nagsasalita sa kaniya ang lalaki. Gaya ng isang liryo sa mga tinik, gayon ka rin, aking mahal, sa mga dalaga ng aking mga kababayan. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
- “Tulad ng mga liryo ang kaniyang mga labi, tumutulo ang mira”AwS 5:13
Ang mga talata
AwS 5:13Ang kaniyang mga pisngi ay katulad ng mga nakatainim na mga sangkap ng pabango, nagbibigay ng mabangong mga amoy. Ang kaniyang labi ay mga liryo, tumutulong mira.
- Kambal na batang usang nanginginain sa gitna ng mga liryoAwS 4:5
Ang mga talata
AwS 4:5Ang dalawang dibdib mo ay katulad ng dalawang munting usa, magkakambal na gasel, na nanginginain sa kalagitnaan ng mga liryo.
Damo
- Tumutubo ang damo para sa mga hayop at sa mga burolAwit 104:14, Awit 147:8, Deut 11:15
Ang mga talata
Awit 104:14Pinapatubo niya ang damo para sa mga baka at mga halaman para linangin ng tao nang sa gayon ay makapag-ani ang tao ng pagkain mula sa lupa.
Awit 147:8Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.
Deut 11:15Magbibigay ako ng damo sa inyong mga bukid para sa inyong mga baka, at kakain kayo at mabubusog.
- Ulan sa bagong gapas na damoAwit 72:6
Ang mga talata
Awit 72:6Bumaba siya nawa tulad ng ulan sa tuyong damo, tulad ng ambon na dinidiligan ang mundo.
- Nalalanta ang damo sa bubungan bago pa ito tumuboAwit 129:6–7, 2 Hari 19:26
Ang mga talata
Awit 129:6–7Nawa maging tulad sila ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago, na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos.
2 Hari 19:26Ang kanilang mga mamamayan, na kaunti ang lakas, ay nawasak at napahiya. Sila ay mga halaman sa bukirin, luntiang mga damo, ang damo sa bubungan o sa bukirin, na sinunog bago pa man ito lumaki.
- Damo sa parang: narito ngayon, bukas ay itatapon sa pugonMat 6:30, Luc 12:28
Ang mga talata
Mat 6:30Kung ganoong dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa bukirin, na nabubuhay ngayon at itatapon sa hurno kinabukasan, gaano pa kaya na kayo ay higit na kaniyang dadamitan, kayong may maliit na pananampalataya?
Luc 12:28Kung dinamitan nga ng Diyos ang damo sa bukid, na nananatili ngayon, at bukas ay itatapon sa pugon, gaano pa kayo na kaniyang dadamitan, O kayong mga maliit ang pananampalataya!
- Kapag inalis ang dayami, sumisibol ang bagong tuboKaw 27:25
Ang mga talata
Kaw 27:25Ang damo ay nawawala at lumilitaw ang bagong tubo at tinipon ang pagkain ng baka sa kabundukan.
- Tinutuyo ng nakapapasong araw ang halaman, at nalalagas ang bulaklak nitoSant 1:11
Ang mga talata
Sant 1:11Sumisikat ang araw na may nakakasunog na init at natutuyo ang halaman at ang mga bulaklak ay nalalagas, at mawawala ang kagandahan nito. Sa parehong paraan ang mayamang mga tao ay mawawala sa kalagitnaan ng kanilang mga gawain.
- Sa tagtuyot, hinanap ni Ahab sa bawat bukal at lambak ang damo para sa mga kabayo1 Hari 18:5
Ang mga talata
1 Hari 18:5Sinabi ni Ahab kay Obadias, “Lumibot ka sa lupain sa lahat ng mga bukal ng tubig at batis. Marahil tayo ay makakahanap ng damo at maililigtas ang mga kabayo at mga asno para hindi tayo maubusan ng lahat ng hayop.”
- Natuyo ang tubig ng Nimrim at nalanta ang damoIsa 15:6
Ang mga talata
Isa 15:6Natuyo ang mga tubig sa Nimrim; natuyot ang mga damo at namatay ang mga bagong tubong damo; wala ng luntiang makikita.
- Kumakain ng damo ang Behemot na tulad ng bakaJob 40:15
Ang mga talata
Job 40:15Masdan mo ngayon ang dambuhalang hayop, na ginawa ko na katulad ng paggawa ko sa iyo; kumakain siya ng damo katulad ng toro.
- Kumain ng damo si Nebucadnezar na tulad ng bakaDan 4:33
Ang mga talata
Dan 4:33Natupad kaagad kay Nebucadnezar ang atas na ito. Itinaboy siya palayo mula sa mga tao. Kumain siya ng damo tulad ng isang baka, at nabasa ang kaniyang katawan ng hamog mula sa kalangitan. Humaba ang kaniyang buhok na kasing haba ng mga balahibo ng mga agila, at naging tulad ng mga pangalmot ng mga ibon ang kaniyang mga kuko.
- “Umuungal ba ang mailap na asno kapag may sariwang damo?”Job 6:5
Ang mga talata
Job 6:5Ang isa bang mabangis na asno ay uungal kung marami namang damo? O ang mga baka ba ay uungal kung may dayami naman silang makakain?
- Naupo ang limang libo sa luntiang damoJuan 6:10, Mar 6:39
Mga kasabihan
- “Ang lahat ng laman ay tulad ng damo … nalalanta ang damo at nalalagas ang bulaklak”Isa 40:6–8, 1 Ped 1:24
Ang mga talata
Isa 40:6–8Sinabi ng tinig, “umiyak”. Sumagot ang isa “Ano ang dapat kong iiyak?” “Ang lahat ng laman ay damo, at lahat ng kanilang katapatan sa tipan ay tulad ng bulaklak sa bukid. Ang damo ay natutuyot at ang bulaklak ay nalalanta kapag ang hininga ni Yahweh ay umihip dito; totoo ang sangkatauhan ay damo. Ang damo ay natutuyot, ang bulaklak ay nalalanta, ngunit ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman.”
1 Ped 1:24Sapagkat “Ang lahat ng laman ay tulad ng damo, at ang lahat ng kagandahan nito ay tulad ng bulakalak. Ang damo ay malalanta, at ang bulaklak ay malalaglag,
- Sumisibol ang bagong damo sa umaga at nalalanta pagsapit ng gabiAwit 90:5–6
Ang mga talata
Awit 90:5–6Tinatangay mo sila tulad ng baha at nakakatulog sila; sa umaga ay tulad sila ng sumisibol na damo. Sa umaga ito ay namumulaklak at tumutubo; sa gabi ito ay nalalanta at natutuyot.
- Tulad ng damo ang mga araw ng tao; dumaraan ang hangin at naglalaho itoAwit 103:15–16
Ang mga talata
Awit 103:15–16Pero ang tao, parang damo ang kanyang mga araw; lumalago siya tulad ng isang bulaklak sa isang bukid. Hinihipan ito ng hangin, at ito ay naglalaho, at wala man lamang makapagsabi kung saan ito minsang tumubo.
- Pananalitang lumalapag na tulad ng hamog, tulad ng mahinang ulan sa bagong damoDeut 32:2
Ang mga talata
Deut 32:2Hayaan ang aking katuruan ay pumatak na parang ulan, hayaan ang aking talumpati ay dumalisay na parang hamog, gaya ng mahinang ulan sa malambot na damo, at gaya ng ulan sa mga halaman.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0