Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Tag-araw at taglamig

Kalikasan

Tag-araw at taglamig sa Bibliya

40 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Pagtatanim at pag-aani, lamig at init, tag-araw at taglamig ay hindi titigilGen 8:22
    Ang mga talata
    Gen 8:22Habang ang mundo ay nananatili, ang panahon ng pagtatanim at pag-aani, lamig at init, tag-araw at tagginaw, at ang araw at gabi ay hindi hihinto.”
  • Mga ilaw sa langit upang tandaan ang mga panahon, araw at taonGen 1:14, Awit 104:19
    Ang mga talata
    Gen 1:14Sinabi ng Diyos, “Hayaang magkaroon ng mga liwanag sa langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi. At hayaan silang maging mga palatandaan, para sa mga panahon, para sa mga araw at sa mga taon.
    Awit 104:19Itinalaga niya ang buwan bilang tanda ng mga panahon; alam ng araw ang oras ng kanyang paglubog.
  • Isang awit: “Ginawa mo ang tag-araw at taglamig”Awit 74:17
    Ang mga talata
    Awit 74:17Inilagay mo ang lahat ng mga hangganan sa daigdig; ginawa mo ang tag-araw at taglamig.
  • Ulan sa takdang panahon: ang maaga at huling ulanDeut 11:14, Joel 2:23, Jer 5:24
    Ang mga talata
    Deut 11:14na ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kapanahunan nito, ang paunang ulan at ang panghuling ulan, para matipon ninyo ang inyong mga butil, ang inyong bagong alak, at inyong langis.
    Joel 2:23Matuwa kayo, mga tao ng Zion at magalak kay Yahweh na inyong Diyos. Sapagkat ibibigay niya sa inyo ang ulan ng taglagas sa nararapat na sukat at pabababain ang ulan para sa inyo, ang ulan ng taglagas at ang ulan ng tagsibol katulad noon.
    Jer 5:24Sapagkat hindi nila sinabi sa kanilang mga puso, “Matakot tayo kay Yahweh na ating Diyos, ang siyang nagdadala ng ulan, ang maaga at huling ulan sa kanilang takdang panahon at naglalaan ng mga takdang linggo ng pag-aani para sa atin.”
  • Sa tagsibol, kapag lumalabas sa digmaan ang mga hari2 Sam 11:1
    Ang mga talata
    2 Sam 11:1Dumating ang panahon ng tagsibol, ng panahong iyon karaniwang pumupunta ang mga hari sa digmaan, ipinadala ni David si Joab at ang kaniyang mga lingkod, at ang buong hukbo ng Israel. Winasak nila ang hukbo ng Ammon at kinubkob ang Rabba. Pero si David ay nanatili sa Jerusalem.
  • Paggiik hanggang sa pamimitas ng ubas, pamimitas ng ubas hanggang sa paghahasikLev 26:5
    Ang mga talata
    Lev 26:5Magpapatuloy ang inyong paggiik hanggang sa panahon ng aning ubas at aabot ang aning ubas hanggang sa panahon ng pagtatanim. Kakainin ninyo ang inyong tinapay ng sagana at mamumuhay ng ligtas sa ginawa ninyong tahanan sa lupain;
  • Dumating si Ruth sa simula ng anihan ng sebada at namulot hanggang matapos ang anihan ng trigoRut 1:22, Rut 2:23
    Ang mga talata
    Rut 1:22Kaya sina Naomi at Ruth na Moabita, na kaniyang manugang, ay bumalik mula sa bansa ng Moab. Dumating sila sa Bethlehem sa simula ng pag-aani ng sebada.
    Rut 2:23Kaya nanatili siyang malapit sa mga babaing manggagawa ni Boaz para mamulot hanggang matapos ang pag-aani ng sebada at pag-aani ng trigo. Nakatira siya kasama ng kaniyang biyenan.
  • Nanawagan si Samuel ng kulog at ulan sa panahon ng anihan ng trigo1 Sam 12:17–18
    Ang mga talata
    1 Sam 12:17–18Hindi ba ngayon ang pag-aani ng trigo? Tatawag ako kay Yahweh, upang magpapadala siya ng kulog at ulan. Pagkatapos malalaman ninyo at makikita na matindi ang inyong kasamaan, na inyong ginawa sa paningin ni Yahweh, sa paghingi ng isang hari para sa inyong mga sarili.” Kaya tumawag si Samuel kay Yahweh; at sa parehong araw na iyon nagpadala si Yahweh ng kulog at ulan. Pagkatapos labis na natakot ang lahat ng mga tao kina Yahweh at Samuel.
  • Mga taon ni Jacob: init sa araw at lamig sa gabiGen 31:40
    Ang mga talata
    Gen 31:40Naroon ako; sa araw pinahirapan ako ng init, at ng nagyeyelong hamog sa gabi; at nagtiis ako nang walang tulog.

Tag-araw

  • Nakaupo si Eglon sa malamig niyang silid sa itaasHuk 3:20, Huk 3:24
    Ang mga talata
    Huk 3:20Lumapit sa kaniya si Ehud. Nakaupong mag-isa ang hari, nag-iisa sa katiwasayan ng silid sa itaas. Sinabi ni Ehud, “Mayroon akong mensahe mula sa Diyos para sa iyo.” Tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan.
    Huk 3:24Matapos umalis ni Ehud, dumating ang mga tagapaglingkod ng hari; nakita nila na nakakandado ang mga pintuan ng silid sa itaas, kaya inisip nila, “Tiyak na pinagiginhawa niya ang kaniyang sarili sa katiwasayan sa silid sa itaas.”
  • Mga bahay pantaglamig at mga bahay pantag-arawAmos 3:15
    Ang mga talata
    Amos 3:15Wawasakin ko ang bahay na para sa taglamig kasama ang bahay para sa tag-init. Ang mga bahay na gawa sa garing ay mawawala, at ang malalaking mga bahay ay mawawala rin,”—Ito ang pahayag ni Yahweh.
  • Dinalhan ni Ziba si David ng sandaang bunga ng tag-araw2 Sam 16:1–2
    Ang mga talata
    2 Sam 16:1–2Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak. Sinabi ng hari kay Ziba, “Bakit mo dinala ang mga bagay na ito?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno ay para sa sambahayan ng hari para sakyan at ang mga tinapay at mga mamon na igos ay para sa iyong mga tauhan para kainin at ang alak ay para sa sinumang mahihilo sa ilang para inumin.”
  • Gedalias: tipunin ang ubas, bunga ng tag-araw at langis sa mga bangaJer 40:10, Jer 40:12
    Ang mga talata
    Jer 40:10At tingnan ninyo, naninirahan ako sa Mizpa upang makipagkita sa mga Caldeo na dumating sa atin. Kaya mag-ani kayo ng mga alak, mga bunga sa tag-araw, at langis at ilagay ninyo sa inyong mga lalagyan. Manirahan kayo sa mga lungsod na inyong tinirahan.”
    Jer 40:12Kaya bumalik sa bawat lugar ang lahat ng mga taga-Juda kung saan sila ikinalat. Bumalik sila sa lupain ng Juda, kay Gedalias sa Mizpa. Inaani nila ang alak at mga bunga sa tag-araw sa labis na kasaganaan.
  • Nag-iipon ang langgam ng pagkain sa tag-arawKaw 6:6–8, Kaw 30:25
    Ang mga talata
    Kaw 6:6–8Tingnan mo ang langgam, ikaw na tamad na tao, pagmasdan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at maging matalino. Wala siyang tagapag-utos, opisyal, o tagapamahala, gayon pa man ay naghahanda siya ng pagkain sa tag-init, at habang sa pag-aani ay nagtatabi ito ng kung ano ang kakainin.
    Kaw 30:25ang mga langgam ay mga nilalang na hindi malalakas, pero hinahanda nila ang kanilang pagkain sa tag-araw;
  • Ipa sa giikan sa tag-araw, tinatangay ng hanginDan 2:35
    Ang mga talata
    Dan 2:35At magkakasabay na nabasag ang bakal, putik, tanso, pilak at ginto nang pira-piraso at naging parang dayami sa giikan sa tag-araw. Tinangay sila ng hangin palayo at walang naiwang bakas sa kanila. Ngunit ang batong tumama sa imahen ay naging malaking bundok at pinuno nito ang buong mundo.
  • Kapag nagdadahon na ang puno ng igos, malapit na ang tag-arawMat 24:32
    Ang mga talata
    Mat 24:32Pag-aralan ninyo ang aral mula sa puno ng igos. Kapag nananariwa na ang mga sanga at nagdadahon na ito, alam na ninyo na malapit na ang tag-araw.
  • “Naubos ang aking lakas na gaya sa init ng tag-araw”Awit 32:4
    Ang mga talata
    Awit 32:4Dahil araw at gabi ang iyong kamay ay mabigat sa akin. Nalanta ang aking kalakasan tulad ng tagtuyot sa tag-araw. Selah

Taglamig

  • “Lumipas na ang taglamig; tapos na at wala na ang ulan”AwS 2:11–13
    Ang mga talata
    AwS 2:11–13Tingnan mo, lumipas na ang tag-lamig; tapos na ang tag-ulan at ito ay wala na. Lumitaw na ang mga bulaklak sa lupain; ang oras ng pagpuputol ng puno at ang pag-aawitan ng mga ibon ay dumating na, at ang tinig ng mga kalapati ay naririnig sa ating lupain. Hinihinog ng puno ng igos ang kaniyang mga berdeng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak; naglalabas ang mga ito ng halimuyak. Bumangon ka, aking mahal, aking magandang sinta, at sumama ka.
  • Sa ikasiyam na buwan, nakaupo ang hari sa kaniyang bahay pantaglamig sa tabi ng apoyJer 36:22
    Ang mga talata
    Jer 36:22Ngayon, nanatili ang hari sa tahanang pang-taglamig sa ika-siyam na buwan, at isang apuyan na nagniningas sa kaniyang harapan.
  • Sa tag-ulan, nanginig ang mga tao sa liwasan sa malakas na ulanEzra 10:9, Ezra 10:13
    Ang mga talata
    Ezra 10:9Kaya lahat ng mga lalaki ng Juda at Benjamin ay nagtipun-tipon sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw. Ito ay ang ika-siyam na buwan at ang ika-dalawampung araw ng buwan. Tumayo ang lahat ng tao sa liwasan sa harap ng tahanan ng Diyos at nanginig dahil sa salita at sa ulan.
    Ezra 10:13Gayunpaman, maraming tao, at ito ay maulan na panahon. Wala kaming lakas para tumayo sa labas, at ito ay hindi lamang isa o dalawang araw na gawain, yamang kami ay labis na lumabag sa bagay na ito.
  • Kapistahan ng Pagtatalaga sa taglamig; naglakad si Jesus sa Portiko ni SolomonJuan 10:22–23
    Ang mga talata
    Juan 10:22–23At dumating ang Kapistahan ng Pagtatalaga sa Jerusalem. Taglamig noon, at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Solomon.
  • “Ipanalangin ninyo na hindi mangyari sa taglamig ang inyong pagtakas”Mat 24:20
    Ang mga talata
    Mat 24:20Ipanalangin ninyo na ang pagtatakas ninyo ay hindi mangyari sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga.
  • Naging mapanganib ang paglalayag pagkatapos ng Pag-aayuno; naghanap sila ng daungang mapagtataglamiganGawa 27:9, Gawa 27:12
    Ang mga talata
    Gawa 27:9Maraming panahon na ang lumipas sa amin, ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio ay lumipas na rin at naging mapanganib na ang maglayag. Kaya binalaan sila ni Pablo,
    Gawa 27:12Sapagkat hindi madaling tumigil sa daungan sa taglamig, karamihan sa mga mandaragat ay nagpapayong maglayag mula roon, kahit sa anumang paraan ay makaya naming abutin ang lungsod ng Fenix, upang magpalipas doon ng taglamig. Ang Fenix ay isang daungan sa Creta, at ito ay nakaharap sa hilagangsilangan at timogsilangan.
  • Nagpalipas ng taglamig sa isla ang isang barkong taga-AlexandriaGawa 28:11
    Ang mga talata
    Gawa 28:11Pagkatapos ng tatlong buwan, kami ay nagtakda ng paglalayag sa barkong Alexandria na tag lamig sa isla, na ang kanilang sagisag ay Ang Kambal na mga Lalaki.
  • Nagpasya si Pablo na magpalipas ng taglamig sa NicopolisTito 3:12
    Ang mga talata
    Tito 3:12Nang pinapunta ko sa inyo sila Artemas at Tychicus, magmadali at sumama kayo sa akin sa Nicopolis, kung saan ako nagpasyang magpalipas ng tag-lamig.
  • Pablo kay Timoteo: “Pagsikapan mong makarating sa akin bago ang taglamig”2 Tim 4:21
    Ang mga talata
    2 Tim 4:21Gawin mo ang iyong makakaya na makarating bago ang taglamig. Binabati kayo ni Eubulo, gayundin si Pudente, Lino, Claudia at lahat ng mga kapatid.
  • Niyebeng nakalatag na parang lana, hamog na yelong ikinalat na parang aboAwit 147:16
    Ang mga talata
    Awit 147:16Ginagawa niyang parang nyebe ang lana, pinakakalat niya ang mga yelo na parang abo.

Mga kasabihan sa Mga Kawikaan

  • “Ang nag-iipon sa tag-araw ay marunong na anak”Kaw 10:5
    Ang mga talata
    Kaw 10:5Ang marunong na anak ay magtitipon ng pananim sa tag-araw, ngunit kahihiyan sa kaniya para matulog habang anihan.
  • “Gaya ng niyebe sa tag-araw at ulan sa anihan”Kaw 26:1
    Ang mga talata
    Kaw 26:1Tulad ng niyebe sa tag-araw o ulan sa panahon ng tag-ani, ang isang hangal na hindi karapat-dapat sa karangalan.
  • “Gaya ng lamig ng niyebe sa panahon ng anihan”Kaw 25:13
    Ang mga talata
    Kaw 25:13Tulad ng lamig ng niyebe sa oras ng pag-aani ay ang tapat na mensahero para sa mga nagpadala sa kaniya; ipinanunumbalik niya ang buhay ng kaniyang mga amo.
  • Hindi nag-aararo ang tamad sa tamang panahonKaw 20:4
    Ang mga talata
    Kaw 20:4Ang taong tamad ay hindi nag-aararo sa taglagas; siya ay naghahanap ng isang bunga sa panahon ng tag-ani ngunit hindi magkakaroon nang anuman.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0