Bible Explorer

Ensiklopedya › Samantala sa mundo

Sa Biblia · mga 860 BC · Bundok Carmelo

Si Elias sa Bundok Carmelo

Sa mga araw ni Haring Ahab, hinamon ni Elias ang mga propeta ni Baal sa Bundok Carmelo, sa itaas ng baybayin ng Mediteraneo.

1 Hari 18:20–40Kaya nagpasabi si Ahab sa lahat ng tao sa Israel at tinipon ang mga propetang magkakasama sa Bundok Carmelo. Si Elias ay lumapit sa lahat ng tao at sinabi niya, “Gaano katagal ninyong babaguhin ang inyong kaisipan? Kung si Yahweh ay Diyos, sumunod kayo sa kaniya. Ngunit kung si Baal ay Diyos, sundin siya.” Subalit ang mga tao ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita. Pagkatapos sinabi ni Elias sa mga tao, “Ako, ako lamang, ang natitira bilang propeta ni Yahweh, pero ang mga propeta ni Baal ay 450 kalalakihan. Kaya hayaang bigyan nila tayo ng dalawang toro. Hayaan silang pumili ng isang toro para sa kanilang sarili at putulin ito ng pira-piraso, at ilalatag sa kahoy, pero huwag lalagyan ng apoy sa ilalim nito. Pagkatapos ihahanda ang isang pang toro at ilalatag sa kahoy, at huwag lalagyan ng apoy sa ilalim nito. Pagkatapos tatawagin ninyo ang pangalan ng inyong diyos, at ako ay tatawag sa pangalan ni Yahweh, at ang Diyos na sasagot sa pamamagitan ng apoy, siya ang magiging Diyos.” Kaya ang lahat ng tao ay sumagot, at sinabi, “Mabuti ito.” Kaya sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, “Pumili kayo ng isang toro para sa inyo at mauna na itong ihanda, dahil kayo ay marami. Pagkatapos tumawag kayo sa inyong diyos, pero huwag ninyong lagyan ng apoy ang ilalim ng toro.” At kanilang kinuha ang toro na nakalaan sa kanila at inihanda ito, at tinawag ang pangalan ni Baal mula umaga hanggang sa katanghaliang tapat, sinasabi, “Baal, pakinggan mo kami. “Pero walang tinig, o sinumang sumagot. Sila ay nagsayaw sa paligid ng altar na kanilang ginawa. Sa kinatanghalian tapat kinutya sila ni Elias at sinabi, “Sumigaw kayo ng malakas! Siya ay diyos! Marahil siya ay nagiisip, o siya ay nasa palikuran, o siya ay nasa isang paglalakbay, o marahil siya ay natutulog at dapat siyang gisingin. “Kaya sila ay sumigaw pa ng mas malakas, at hiniwa nila ang kanilang sarili, tulad ng kanilang ginagawa, gamit ang mga espada at mga sibat, hanggang sa umagos ang dugo sa kanilang sarili. Lumipas ang tanghaling tapat, at sila ay nahihibang pa rin hanggang sa oras ng pag-aalay handog na pang gabi, pero walang boses o sinumang sumasagot; wala kahit sino ang nagbigay pansin sa kanilang mga pagsusumamo. Pagkatapos sinabi ni Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin,” at ang lahat ng tao ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos kaniyang inayos ang altar ni Yahweh na nasira. Kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ang bawat bato na kumakatawan sa mga lipi ng mga anak ni Jacob — ito ay kay Jacob na ang salita ni Yahweh ay dumating, sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.” Sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang tinayo ang altar sa pangalan ni Yahweh, at humukay siya ng isang kanal sa palibot ng altar na ang laki tama lang para magkasya ang dalawang salop na mga binhi. Pagkatapos kaniyang inilagay ang kahoy para sa apoy at ang toro ay pinutol sa piraso, at ipinatong ang mga pira-piraso sa ibabaw ng kahoy. At kaniyang sinabi,”Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig at ibuhos ninyo sa handog na susunugin at sa kahoy.” At kaniyang sinabi, “Gawin ninyo ito ng pangalawang ulit,” at kanilang ginawa ito sa pangalawang ulit, pagkatapos sinabi niya, “Gawin ninyo ito sa pangatlong ulit,” at kanilang ginawa ito sa pangatlong ulit. Ang tubig ay umagos sa palibot ng altar at napuno ang kanal. Ito ang naganap sa oras ng pag-aalay ng pang gabing handog, si Elias na propeta ay lumapit at sinabi, “ Yahweh, na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ng Israel, hayaang malaman sa araw na ito na ikaw ang Diyos sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginagawa ang lahat ng bagay sa iyong salita. Pakinggan mo ako, O Yahweh, pakinggan mo ako, para malaman ng mga tao na ikaw, Yahweh, ay Diyos, at iyong ibabalik muli ang kanilang puso sa iyong sarili.” Pagkatapos kaagad ang apoy ni Yahweh ay bumaba, at tinupok ang handog na susunugin, maging ang kahoy, ang mga bato, at ang lupa, at tinuyo ang tubig na nasa kanal. Nang makita ng buong bayan ito, sila ay nagpatirapa sa lupa at sinabi, “Si Yahweh, siya ay Diyos! Si Yahweh, siya Diyos!” Kaya sinabi ni Elias sa kanila, “Dalhin ninyo ang mga propeta ni Baal. Huwag hayaang makatakas ni isa sa kanila”’ Kaya kinuha sila, at dinala ni Elias ang mga propeta ni Baal sa ibaba ng batis ng Cison at pinatay sila roon.

Samantala sa mundo

Ang paligsahan ni Elias sa Bundok Carmel ay naganap sa paghahari ni Ahab, hari ng Israel (mga 874–853 BC). Si Ahab ang unang hari ng Israel na binanggit sa isang teksto mula sa labas ng Biblia: inililista ng isang inskripsiyong Asiryo ang kaniyang mga karwahe sa labanan sa Qarqar. Narito ang mundo sa kalagitnaan ng ika-9 na siglo BC.

Mesopotamia at Malapit na SilanganSi Ahab sa Qarqar853 BC

Nakipaglaban si Shalmaneser III ng Asiria sa isang alyansa ng mga hari sa Qarqar sa tabi ng Orontes, sa Siria. Inililista ng kaniyang inskripsiyon sa Kurkh Monolith, na nasa British Museum ngayon, si “Ahab na Israelita” kasama ang 2,000 karwahe at 10,000 kawal. Inangkin ni Shalmaneser ang tagumpay, ngunit hindi siya sumulong pa nang ilang taon.

Mesopotamia at Malapit na SilanganAng bato ng hari ng Moabmga 840 BC

Nagtayo si Haring Mesa ng Moab ng isang bato sa Dibon na nagsasalaysay kung paanong inapi ni Omri, hari ng Israel, at ng kaniyang anak ang Moab, at kung paano niya ito pinalaya. Isinasalaysay ng 2 Mga Hari 3 ang isang digmaan laban kay Mesa mula sa panig ng Israel. Nasa Louvre ang bato.

Sa ibang dakoAng Carthage814 BC (tradisyonal na petsa)

Ayon sa tradisyon, itinatag ng mga nanirahang mula sa Tiro, sa pamumuno ni Prinsesa Elissa, na mas kilala bilang Dido, ang Carthage sa Tunisia ngayon noong 814 BC. Mula rin sa parehong baybayin ng Fenicia ang reyna ni Ahab na si Jezebel: siya ay anak ni Etbaal, hari ng mga taga-Sidon (1 Mga Hari 16:31).

Gresya at RomaPalayok na heometrikomga 900–700 BC

Sa Atenas, pinintahan ng mga magpapalayok ang mga plorera ng mga guhit ng paliko-liko, sigsag at bilog, at nang lumaon ay ng maliliit na pigura ng mga nagdadalamhati, kabayo at karwahe. Ang malalaking plorera sa ganitong istilo ay itinayo bilang palatandaan sa ibabaw ng mga libingan.

EhiptoBanga ng isang paraon sa Samarianaghari mga 872–837 BC

Pinamunuan ang Ehipto ng mga haring may lahing Libyo mula sa Tanis at Bubastis. Nagpatayo si Osorkon II ng isang bulwagan ng pista sa templo ng Bubastis; isang piraso ng bangang alabastro na may kaniyang pangalan ang natagpuan sa palasyo ng hari sa Samaria, kung saan naghari si Ahab.

TsinaAng unang eksaktong petsa sa Tsina841 BC

Nag-alsa ang mga tao ng kabisera ng Zhou laban sa malupit na si Haring Li at pinalayas siya. Sa taong ito sinisimulan ng historyador na si Sima Qian ang kaniyang mga talahanayan ng kasaysayan ng Tsina taon-taon; ito ang unang eksaktong petsa sa mga talaang Tsino.

AmerikaAng templo sa Chavínmga 900–200 BC

Sa mataas na bahagi ng Andes sa Peru, nagtayo ang mga tao ng Chavín de Huántar ng isang templong bato na may madidilim na pasilyo sa loob at mga inukit na ulo ng mababangis na nilalang sa mga panlabas na pader nito; dinadayo ito ng mga peregrino mula sa malayo.

Mga pinagkunan

Sinuri ang mga petsa sa Wikidata (CC0) at mga sangguniang aklat; tinatayang petsa lamang ang mga sinauna · Wikidata · CC0 1.0

Mga pangyayari: Theographic (CC BY-SA 4.0) · mga lugar: OpenBible.info (CC BY 4.0) · tinatayang petsa

Samantala sa mundo

Higit pa sa paksang ito

Samantala sa mundo