Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa Galilea

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa Galilea

Ang ina at mga kapatid ni Jesus

Mat 12:46–50 · Mar 3:31–35 · Luc 8:19–21

Mateo

Mat 12:46–50

46Habang nagsasalita pa si Jesus sa napakaraming tao, masdan ito, ang kaniyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, hinahanap siya upang kausapin.

47May nagsabi sa kaniya, “Tingnan mo, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, hinahanap ka upang makausap.”

48Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Sino ang aking ina? At sino ang aking mga kapatid?”

49Pagkatapos iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Tingnan ninyo, nandito ang aking ina at ang aking mga kapatid!

50Sapagkat ang sinumang gumagawa sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit, ang taong iyon ay aking kapatid at ina.”

Marcos

Mar 3:31–35

31Pagkatapos ay dumating ang kaniyang ina at mga kapatid na lalaki at tumayo sila sa labas. Pinasundo nila siya at pinatawag.

32Umupo ang napakaraming tao sa palibot niya at sinabi sa kaniya, “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka nila.”

33Sinagot niya sila, “Sino ang ina at mga kapatid ko?”

34Tiningnan niya ang mga taong nakaupo sa palibot niya at sinabi, “Tingnan ninyo, ito ang aking ina at mga kapatid!

35Dahil kung sino man ang tumutupad sa kalooban ng Diyos, ang taong iyon ay ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina.”

Lucas

Luc 8:19–21

19Pagkatapos, ang ina at mga kapatid na lalaki ni Jesus ay lumapit sa kaniya, ngunit sila ay hindi makalapit dahil sa napakaraming tao.

20At ito ay sinabi sa kaniya, “Ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, ninanais kang makita.”

21Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Ang aking ina at ang aking mga kapatid na lalaki ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sinusunod ito.”

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY