Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa Galilea
Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa Galilea
Ang tanda ni Jonas
Mat 12:38–42 · Luc 11:29–32
Mat 12:38–4238At sumagot ang ilang mga eskriba at Pariseo kay Jesus at sinabi, “Guro, nais naming makakita ng palatandaan mula sa iyo,”
39Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Isang masama at mapangalunyang salinlahi ang naghahanap ng palatandaan. Ngunit walang ibibigay na palatandaan sa kaniya maliban sa palatandaan ni Jonas na propeta.
40Sapagkat gaya ni Jonas na tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng malaking isda, gayundin na ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi na nasa ilalim ng lupa.
41Ang mga tao sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng salinlahing ito at parurusahan ito. Sapagkat sila ay nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Jonas.
42Ang Reyna ng Timog ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao ng salinlahing ito at parurusahan ito. Naglakbay siya mula sa dulo ng mundo upang dinggin ang karunungan ni Solomon, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Solomon.
Luc 11:29–3229Nang nagtitipon ang napakaraming tao, sinimulan niyang sabihin, “Ang salinlahi na ito ay masamang salinlahi. Naghahanap ito ng palatandaan ngunit walang palatandaan na maibibigay dito, kung hindi ay ang palatandaan ni Jonas.
30Sapagkat katulad ni Jonas na naging palatandaan sa mga taga-Nineveh, ganoon din na ang Anak ng Tao ay magiging palatandaan sa salinlahi na ito.
31Ang Reyna ng Timog ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao sa salinlahi na ito at sila ay hahatulan niya, sapagkat siya ay nanggaling sa dulo ng mundo upang makinig sa karunungan ni Solomon, at tingnan ninyo, narito ang higit na dakila kaysa kay Solomon.
32Ang mga tao ng Nineveh ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao sa salinlahi na ito at hahatulan ito, sapagkat sila ay nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at tingnan ninyo, narito ang higit na dakila kaysa kay Jonas.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY