23Nang sumakay na si Jesus sa bangka, sumunod sa kaniya ang mga alagad niya.
24Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus.
25Pumunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at siya ay ginising nila na nagsasabi, “Iligtas mo tayo, Panginoon, mamamatay na tayo!”
26Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot, kayong maliit ang pananampalataya?” At bumangon si Jesus at sinaway ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng labis na katahimikan.
27Namangha ang mga lalaki at sinabi nila, “Anong uring tao ito, maging ang dagat at hangin ay sumusunod sa kaniya?”