20Nang sumapit ang gabi, umupo siya upang kumain kasama ang mga labingdalawang alagad.
21Habang sila'y kumakain, sinabi niya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.”
22At sila'y lubhang nalungkot, at ang bawat isa ay nagsimulang nagsipagtanong sa kaniya, “Tiyak na hindi ako, Panginoon?”
23Sumagot siya, “Ang sinumang kasabay kong sumawsaw ng kaniyang kamay ay siyang magkanulo sa akin.
24Ang Anak ng Tao ay aalis, katulad ng naisulat patungkol sa kaniya. Ngunit aba sa lalaking iyon na magkanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pa sa lalaking iyon na hindi na siya ipinanganak.”
25Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya ay nagsabi, “Ako ba, Rabi?” Sinabi niya sa kaniya. “Ikaw mismo ang nagsabi.”