Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa daan patungong Jerusalem

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa daan patungong Jerusalem

Muling ipinahayag ni Jesus ang kaniyang kamatayan

Mat 17:22–23 · Mar 9:30–32 · Luc 9:43–45

Mateo

Mat 17:22–23

22Habang sila ay nanatili sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao.

23At siya ay papatayin nila, at mabubuhay siya sa ikatlong araw.” Labis itong ikinalungkot ng kaniyang mga alagad.

Marcos

Mar 9:30–32

30Umalis sila mula roon at dumaan sa Galilea. Ayaw niyang malaman ng kahit sino kung nasaan sila,

31sapagkat tinuturuan niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao, at siya ay papatayin nila. Kung siya ay pinatay na, babangon siyang muli pagkalipas ng tatlong araw.”

32Ngunit hindi nila naintindihan ang pahayag na ito, at natakot silang tanungin siya.

Lucas

Luc 9:43–45

43Silang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit habang sila ay namamangha parin sa mga bagay na kaniyang ginawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,

44“Palalimin ninyo ang mga salitang ito sa inyong mga tainga, sapagkat ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.”

45Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito, at ito ay lingid sa kanila, kaya hindi nila ito maintindihan. Natakot silang magtanong sa kaniya tungkol sa pahayag na iyon.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY