Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa daan patungong Jerusalem

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa daan patungong Jerusalem

Ang batang lalaking may maruming espiritu

Mat 17:14–20 · Mar 9:14–29 · Luc 9:37–43

Mateo

Mat 17:14–20

14Pagbalik nila sa kinaroroonan ng mga tao, lumapit ang isang tao at lumuhod sa kaniyang harapan, at sinabi,

15“Panginoon, mahabag kayo sa aking anak na lalaki, sapagkat siya ay may epilepsiya at lubhang nahihirapan. Sapagkat madalas siyang nahuhulog sa apoy o sa tubig.

16Dinala ko siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila siya mapagaling.

17Sumagot si Jesus at sinabi, “Kayong salinlahi na walang pananampalataya at mga baluktot, hanggang kailan ba ako mananatili kasama ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya sa akin.”

18Sinaway siya ni Jesus at umalis ang demonyo sa kaniya. Gumaling ang bata sa oras ding iyon.

19Pagkatapos nito sarilinang lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Bakit hindi namin ito mapalayas?”

20Sinabi ni Jesus sa kanila, “Dahil maliit ang inyong pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinliit ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon,' at lilipat nga ito at walang magiging imposible sa inyo.

Marcos

Mar 9:14–29

14At nang makabalik sila sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na nakapalibot sa kanila at nakikipagtalo ang mga eskriba sa kanila.

15At nang makita nila si Jesus, namangha ang lahat ng mga tao at kaagad nagsipagtakbuhan papunta sa kaniya upang siya ay batiin.

16Tinanong niya ang kaniyang mga alagad, “Ano ang inyong pinagtatalunan sa kanila?”

17Sinagot siya ng isa sa mga taong naroroon, “Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki, mayroon siyang espiritu na pumipigil sa kaniya na makapagsalita,

18at nagiging sanhi ito ng kaniyang pangingisay at ibinabagsak siya nito, bumubula ang kaniyang bibig, nagngangalit ang kaniyang mga ngipin at naninigas. Hiniling ko sa iyong mga alagad na palayasin ito sa kaniya ngunit hindi nila ito magawa.”

19Sinagot sila ni Jesus, “Salinlahing walang pananampalataya, hanggang kailan ba ako kailangang manatili kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya sa akin.”

20Dinala nila ang batang lalaki sa kaniya. Nang makita ng espiritu si Jesus, kaagad siya nitong pinangisay. Natumba ang bata sa lupa at bumula ang bibig.

21Tinanong ni Jesus ang ama ng bata, “Gaano na siya katagal na ganito?” Sinabi ng ama, “Mula pagkabata.

22Madalas siyang tinatapon nito sa apoy o sa tubig at sinubukan siya nitong patayin. Kung may magagawa kang kahit ano, kaawaan mo kami at tulungan mo kami.”

23Sinabi ni Jesus sa kaniya, “'Kung may magagawa'? Ang lahat ay magagawa sa mga naniniwala.”

24Agad na sumigaw ang ama ng bata at nagsabi, “Naniniwala ako! Tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!”

25Nang makita ni Jesus ang mga tao na tumatakbo papunta sa kanila, sinaway niya ang masamang espiritu at sinabi, “Ikaw pipi at binging espiritu, inuutusan kita, lumabas ka at huwag nang bumalik pa sa kaniya.”

26Sumigaw ito at matinding pinangisay ang bata at pagkatapos ay lumabas. Nagmukhang parang isang patay ang bata kaya marami ang nagsabi, “Patay na siya.”

27Ngunit hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at ibinangon siya, at tumayo ang batang lalaki.

28Nang pumasok si Jesus sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad ng sarilinan. “Bakit hindi namin iyon mapalayas?”

29Sinabi niya sa kanila, “Ang ganitong uri ay hindi mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin.”

Lucas

Luc 9:37–43

37At nangyari nga sa sumunod na araw, nang nakababa sila sa bundok, sumalubong sa kaniya ang napakaraming tao.

38Masdan ito, mayroong isang ama na sumisigaw mula sa maraming tao na nagsasabi, “Guro, nagmamakaawa ako na tingnan ninyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya ay nag-iisa kong anak.

39Sinasaniban siya ng isang espiritu, at bigla siyang sumisigaw, kaya siya ay nangingisay na bumubula ang bibig. Pahirapan itong umalis sa kaniya, lubha siyang sinasaktan nito kapag ito ay umaalis.

40Nagmakaawa ako sa iyong mga alagad na piliting palabasin ito sa kaniya, ngunit hindi nila magawa.”

41Sumagot si Jesus at sinabi, “Kayong mga hindi nananampalataya at masamang salinlahi, gaano katagal ko kailangang manatili sa inyo at pagtiisan kayo? Dalhin mo dito ang iyong anak.”

42Habang lumalapit ang batang lalaki ay ihinagis siya ng demonyo pababa at pinangisay nang marahas. Ngunit sinaway ni Jesus ang maruming espiritu, at pinagaling ang batang lalaki, at ibinalik siya sa kaniyang ama.

43Silang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit habang sila ay namamangha parin sa mga bagay na kaniyang ginawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY