12Ngayon, nang marinig ni Jesus na nadakip si Juan, umalis siya patungong Galilea.
13Umalis siya sa Nazaret at nagpunta at nanirahan sa Capernaum, na nasa Dagat ng Galilea, sa mga teritoryo ng Zebulun at Neftali.
14Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias,
15“Ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil!
16Ang mga taong nakaupo sa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag at sumikat ang liwanag sa mga taong nakaupo sa rehiyon at anino ng kamatayan. “
17Mula nang panahong iyon, nagsimulang mangaral si Jesus at sinasabi, “Magsisi na kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”