Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa Jerusalem

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa Jerusalem

Ang aral mula sa puno ng igos

Mat 24:32–35 · Mar 13:28–31 · Luc 21:29–33

Mateo

Mat 24:32–35

32Pag-aralan ninyo ang aral mula sa puno ng igos. Kapag nananariwa na ang mga sanga at nagdadahon na ito, alam na ninyo na malapit na ang tag-araw.

33Gayun din naman, kung makikita ninyo ang lahat ng mga ito, dapat malaman ninyo na malapit na siya, nasa tarangkahan na.

34Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang salinlahing ito ay hindi lilipas hanggang mangyari ang lahat ng ito.

35Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.

Marcos

Mar 13:28–31

28Matuto kayo ng aral mula sa puno ng igos. Sa oras na maging malambot ang sanga nito at magsimulang sumibol ang mga dahon, alam ninyong malapit nang dumating ang tag-araw.

29Gayon din, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alam ninyong malapit na siyang darating, malapit sa mga tarangkahan.

30Totoo ang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito hanggang hindi nangyayari ang lahat ng mga ito.

31Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking salita ay hinding-hindi lilipas.

Lucas

Luc 21:29–33

29Nagsabi si Jesus ng talinghaga sa kanila, “Tingnan ninyo ang puno ng igos, at ang lahat ng mga puno.

30Kapag ang mga ito ay umusbong, nakikita ninyo mismo at nalalaman na malapit na ang tag-araw.

31Gayon din naman, kapag nakita ninyo na nangyayari na ang mga bagay na ito, nalalaman ninyong nalalapit na ang kaharian ng Diyos.

32Totoo, sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang ang salinlahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.

33Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY