21At nakarating sila sa Capernaum at sa Araw ng Pamamahinga, agad na pumunta si Jesus sa sinagoga at nagturo.
22Namangha sila sa kaniyang pagtuturo sapagkat siya ay nagtuturo katulad ng isang taong may kapangyarihan at hindi tulad ng mga eskriba.
23Noon din ay may isang lalaki sa kanilang sinagoga na may masamang espiritu, at sumigaw siya,
24na nagsasabi, “Ano ang kinalaman namin sa iyo, Jesus ng Nazaret? Pumarito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka. Ikaw ang Banal na mula sa Diyos!”
25Sinaway ni Jesus ang demonyo at sinabi, “Tumahimik ka at lumabas ka sa kaniya!”
26At binagsak siya ng masamang espiritu, lumabas mula sa kaniya habang sumisigaw ng malakas.
27At ang lahat ng tao ay namangha, kaya nagtanungan sila sa isa't isa, “Ano ito? Bagong katuruan na may kapangyarihan? Nauutusan niya kahit ang mga masasamang espiritu at sumusunod naman ang mga ito sa kaniya!”
28At agad na kumalat sa lahat ng dako ang balita tungkol sa kaniya sa buong rehiyon ng Galilea.