Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Mga salita at pananalita
Pakikipag-ugnayan
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Mga salita at pananalita
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (15), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Efe 4:29
Dapat walang lalabas na masamang salita sa inyong bibig. Sa halip, dapat mga salitang may pakinabang ang lalabas sa inyong bibig, upang magbigay ng pakinabang sa mga nakikinig.Kaw 18:21
Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila, at ang mga nagmamahal dito ay kakain ng bunga nito.Sant 1:26
Kung sinuman ang nag-iisip sa kaniyang sarili na siya ay relihiyoso, ngunit hindi mapigilan ang kaniyang dila, niloloko niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang relihiyon ay walang kabuluhan.Kaw 15:1
Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng poot, pero ang malupit na salita ay nagsasanhi ng galit.Kaw 21:23
Sinumang nagbabantay sa kaniyang bibig at dila ay nag-iingat na hindi makasali sa gulo.Kaw 12:18
Ang mga salitang padalos-dalos ay tulad ng saksak ng isang espada, pero ang dila ng matalino, kagalingan ang dinadala.Kaw 15:4
Ang dilang nagpapagaling ay puno ng buhay, pero ang mapanlinlang na dila ay sumisira ng kalooban.1 Ped 3:10
“Ang may gustong magmahal sa buhay at makakakita ng mabubuting araw ay kailangang pigilin ang kaniyang dila sa masama at ang kaniyang bibig sa pagsasabi ng kasinungalingan.Awit 141:3
Yahweh, maglagay ka ng isang bantay sa aking bibig; bantayan mo ang pintuan ng aking mga labi.Kaw 10:19
Kung maraming salita, pagkakasala ay hindi nagkukulang, ngunit ang siyang nag-iingat sa kaniyang sasabihin ay isang matalinoSant 3:8
ngunit walang kahit na sinuman ang makapagpapaamo ng dila: walang tigil na kasamaan, puno ng nakamamatay na lason.Awit 19:14
Nawa ang mga salita ng aking bibig at mga saloobin ng aking puso ay maging katanggap-tanggap sa iyong paningin, Yahweh, aking bato at aking manunubos.Awit 34:13
Kung ganoon, lumayo kayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan.Mat 15:11
Walang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa isang tao. Sa halip, kung ano ang lumalabas sa kaniyang bibig, ito ang nakapagpaparumi sa tao.''Kaw 16:24
Ang kaaya-ayang mga salita ay isang pulot-pukyutan - matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0