Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pagkakaibigan
Pakikipag-ugnayan
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pagkakaibigan
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (15), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Kaw 18:24
Sinumang umaangkin ng maraming kaibigan ay nadadala sa pagkasira ng mga kaibigang iyon, pero mayroong isang kaibigan na mas malapit pa sa isang kapatid.Kaw 17:17
Ang kaibigan ay mapagmahal sa lahat ng oras, at ang kapatid ay isinilang para sa mga oras ng kaguluhan.Kaw 27:17
Bakal ang nagpapatalas sa bakal; gaya ng parehong paraan, ang isang tao ay nagpapatalas sa kaniyang kaibigan.Juan 15:13
Walang sinuman ang nagmahal na hihigit pa rito, na kaniyang inaalay ang kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.Kaw 27:9
Ang pabango at insenso ay nagpapagalak ng puso, ngunit ang katamisan ng isang kaibigan ay mas mabuti pa sa kaniyang payo.1 Cor 15:33
Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.”Kaw 16:28
Ang isang napakasamang tao ay pumupukaw ng pagtatalo at ang isang tsismoso ay naghihiwalay ng malalapit na magkaibigan.Kaw 27:6
Tapat ang mga sugat na sanhi ng isang kaibigan, ngunit ang kaaway maaaring humalik sa iyo nang maraming beses.Kaw 22:24–25
Huwag ka makipagkaibigan sa isang tao na siyang pinamumuan ng galit, at huwag kang sumama sa isang nagagalit nang labis, o matututunan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at papaluputan mo ang iyong sarili sa isang patibong.Kaw 13:20
Lumakad kasama ang mga matatalinong tao at ikaw ay magiging matalino, pero ang kasamahan ng mga mangmang ay magdurusa ng kapamahakan.Kaw 12:26
Ang matuwid ay gabay sa kaniyang kaibigan, pero ang paraan ng masama ay nag-aakay sa kanila sa lihis na daan.Mang 4:9–10
Ang gawain ng dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa; sabay silang makikinabang sa isang mainam na kabayaran sa kanilang gawain. Kapag nabuwal ang isa, maaaring ibangon ng isa ang kaniyang kaibigan. Subalit, kalungkutan ang sumusunod sa nag-iisa kapag nabuwal siya kung walang magbabangon sa kaniya.Kaw 17:9
Ang sinumang nagpapaumanhin sa paglabag ay naghahanap ng pagmamahal, pero ang sinumang umuulit sa isang bagay ay nagpapalayo sa mga malalapit na kaibigan.Job 6:14
Para sa isang taong malapit nang mawalan ng malay, dapat ipakita ng kaniyang kaibigan ang katapatan; kahit na pinabayaan niya pa ang kaniyang takot sa Makapangyarihan.1 Ped 4:8–10
Higit sa lahat ng bagay, magkaroon kayo ng taimtim na pag-ibig para sa isa't isa, dahil ang pag-ibig ay hindi naghahangad na matuklasan ang mga kasalanan ng iba. Magpakita kayo ng kagandahang-loob sa isa't isa nang walang pagrereklamo. Ang bawat isa sa inyo ay tumanggap ng kaloob, gamitin niyo ito para paglingkuran ang isa't isa, bilang mabuting mga katiwala ng maraming kaloob ng Diyos.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0