Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Tsismis
Pakikipag-ugnayan
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Tsismis
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (12), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Kaw 16:28
Ang isang napakasamang tao ay pumupukaw ng pagtatalo at ang isang tsismoso ay naghihiwalay ng malalapit na magkaibigan.Kaw 26:20
Dahil sa kakulangan ng gatong, namamatay ang apoy, at kung saan walang tsismoso, tumitigil ang pag-aaway.Kaw 20:19
Ang tsismis ay nagbubunyag ng mga lihim, at kaya hindi ka dapat makisama sa mga taong nagsasalita ng sobra.1 Tim 5:13
Nasanay din silang maging tamad. Pumupunta din sila sa mga bahay-bahay. Hindi lang sila naging tamad, ngunit sila din ay naging mga mapanirang-puri at naging mapanghimasok. Sinasabi nila ang mga bagay na hindi nila dapat sabihin.Kaw 11:13
Sinumang tao na patuloy na naninirang puri ay nagbubunyag ng mga lihim, ngunit ang isang taong tapat ay laging iniingatang pagtakpan ang isang bagay.Lev 19:16
Huwag maglibot sa pagkalat ng maling tsismis sa inyong mga bayan, nguni't protektahan ang buhay ng inyong kapwa. Ako si Yahweh.Kaw 18:8
Ang mga salitang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain, bumababa ito sa kaloob-looban ng katawan.Kaw 10:18
Ang sinumang magtago ng pagkagalit ay may mga sinungaling na labi, at sinumang magkalat ng paninirang puri ay isang hangal.Exo 23:1
Hindi ka dapat magbigay ng isang maling ulat tungkol sa sinuman. Huwag makianib sa taong masama para maging saksi na hindi tapat.Sant 4:11
Huwag kayong magsalita laban sa isa't-isa, mga kapatid. Ang taong nagsasalita laban sa kaniyang kapatid o naghahatol sa kaniyang kapatid ay nagsasalita laban sa kautusan at humahatol sa batas ng Diyos. Kapag hinatulan ninyo ang kautusan, hindi ninyo sinusunod ang batas, ngunit isang tagahatol ng mga ito.Awit 101:5
Lilipulin ko ang sinumang lihim na naninirang puri sa kanyang kapwa. Hindi ko papayagan ang sinumang may mapagmataas at aroganteng pag-uugali.Mat 12:36
At sinasabi ko sa inyo na sa araw ng paghuhukom, ang mga tao ay mananagot sa bawat salita na kanilang binitawan na walang kabuluhan.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0