Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pag-ibig sa kapwa
Pakikipag-ugnayan
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pag-ibig sa kapwa
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (14), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Lev 19:18
Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh.Mar 12:31
Ito ang ikalawang kautusan, 'Ibigin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili.' Wala nang iba pang kautusang higit na dakila kaysa mga ito.”Mat 22:39
At ang pangalawang kautusan ay katulad nito— 'Kinakailangang ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.'Sant 2:8
Gayunman, kung tinutupad ninyo ang mga maharlikang kautusan, na naisulat sa mga kasulatan, “Mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili,” maganda ang ginagawa ninyo.Roma 13:8–10
Huwag kayong magkautang ng anuman sa kanino man, maliban sa pagmamahal sa isa't isa. Sapagkat ang sinumang nagmamahal sa kaniyang kapwa ay tumutupad sa kautusan. Sapagkat, “Hindi ka mangangalunya, hindi ka papatay, hindi ka magnanakaw, hindi ka mag-iimbot,” at kung may iba ring kautusan, pinagsama-sama ito sa pangugusap na ito: “Mamahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.” Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapwa. Kaya, pag-ibig ang katuparan ng kautusan.Gal 5:14
Sapagkat ang buong kautusan ay natupad sa isang utos; na “Dapat mong mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”Gal 6:2
Buhatin ninyo ang pasanin ng bawat isa, at nang sa gayon ay matupad ninyo ang kautusan ni Cristo.Mat 7:12
Kaya kung anuman ang gusto inyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila, sapagkat ito ang sa kautusan at ng mga propeta.Fil 2:4
Huwag ninyong tingnan ang pansarili ninyong pangangailangan, ngunit pati na rin ang pangangailangan ng iba.Heb 13:16
At huwag ninyong kalilimutang gumawa ng mabuti at tumulong sa bawat isa, sapagkat sa ganitong handog lubos na nalulugod ang Diyos.1 Juan 3:17–18
Pero ang sinumang mayroong mga mabubuting bagay sa mundo, nakitang nangangailangan ang kapatid, at isinara ang kanyang maawaing puso sa kanya, papaano mananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos? Mga minamahal kong mga anak, huwag tayong magmahal sa salita o sa dila, pero sa mga gawa at katotohanan.1 Ped 4:9
Magpakita kayo ng kagandahang-loob sa isa't isa nang walang pagrereklamo.1 Tes 5:14
Hinihikayat namin kayo, mga kapatid: pagsabihan ninyo ang mga magugulo, palakasin ang mga pinanghinaan ng loob, tulungan ang mahina at maging matiyaga para sa lahat.Kaw 14:21
Ang isang nagpapakita ng paghamak sa kaniyang kapwa ay nagkakasala, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa mahirap ay masaya.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0