Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Paggalang sa magulang

Pakikipag-ugnayan

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Paggalang sa magulang

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

Exo 20:12Igalang ninyo ang inyong ama at inyong ina, para maaari kang manirahanng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ko sa inyo Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos.
Efe 6:1Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang tama.
Efe 6:2–3“Igalang mo ang inyong ama at ina” (na siyang unang kautusan na may pangako), “upang maaari itong maging mabuti sa inyo at maaaring mabuhay kayo ng mahaba dito sa mundo.”
Deut 5:16Igalang ang inyong ama at inyong ina, ayon sa iniutos ni Yahweh na inyong Diyos na gawin ninyo, para mabuhay kayo ng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos, at para maging maayos ito para sa inyo.
Col 3:20Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat nakalulugod ito sa Panginoon.
Kaw 23:22Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.
Lev 19:3Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Mar 7:10Sapagkat sinabi ni Moises, 'Igalang ninyo ang inyong ama at ina,' at 'Ang sinumang nagsasalita ng masama tungkol sa kaniyang ama at ina ay tiyak na mamamatay.'
Kaw 1:8Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina;
Mat 19:19igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamamhal mo sa iyong sarili.

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0