Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pagpapalaki ng anak

Pakikipag-ugnayan

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pagpapalaki ng anak

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (12), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

Kaw 22:6Turuan ang isang bata sa daan kung saan siya nararapat pumunta, at kapag siya ay matanda na hindi siya tatalikod mula sa bilin na iyon.
Efe 6:4At kayo mga ama, huwag ninyong sulsulan ang inyong mga anak sa galit. Sa halip, palakihin sila na may disiplina at katuruan ng Panginoon.
1 Tim 5:8Ngunit kung mayroong hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa kaniyang sariling sambahayan, itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya.
Awit 127:3Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya.
Kaw 13:24Ang hindi dinidisiplina ang kaniyang anak ay napopoot dito, pero ang nagmamahal sa kaniyang anak ay maingat na disiplinahin ito.
Kaw 29:15Ang pamalo at pagsaway ay nagbibigay ng karunungan, pero ang isang batang malaya mula sa pagdidisiplina ay inilalagay ang kaniyang ina sa kahihiyan.
Kaw 29:17Disiplinahin ang inyong anak at bibigyan ka niya nang kapahingahan; bibigyan ka niya ng mga kagalakan sa inyong buhay.
Col 3:21Mga ama, huwag ninyong labis na pagalitan ang inyong mga anak, upang hindi sila panghinaan ng loob.
Deut 6:6–7Ang mga salita na aking iniutos sa inyo ngayon ay nasa inyong puso; at matiyaga ninyong ituturo ang mga ito sa inyong mga anak; pag-uusapan ninyo ang mga ito kung kayo ay nakaupo sa inyong bahay, kapag naglalakad kayo sa daan, kapag kayo ay nakahiga, at kapag kayo ay babangon.
Kaw 1:8–9Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina; ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg.
Kaw 19:18Disiplinahin mo ang iyong anak habang may pag-asa pa, at huwag mong patatagin ang iyong kagustuhan na ilagay siya sa kamatayan.
Kaw 15:5Hinahamak ng mangmang ang disiplina ng kaniyang ama, pero ang siyang natututo mula sa pagtatama ay marunong.

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0