Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pamilya
Pakikipag-ugnayan
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pamilya
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (14), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
1 Tim 5:8
Ngunit kung mayroong hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa kaniyang sariling sambahayan, itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya.Exo 20:12
Igalang ninyo ang inyong ama at inyong ina, para maaari kang manirahanng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ko sa inyo Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos.Kaw 22:6
Turuan ang isang bata sa daan kung saan siya nararapat pumunta, at kapag siya ay matanda na hindi siya tatalikod mula sa bilin na iyon.Jos 24:15
Kung tila mali ito sa inyong mga paningin para sambahin ninyo si Yahweh, kayo na mismo ang pumili ngayong araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, kung ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa ibayo ng Eufrates o ang mga diyos ng mga Amoreo, kung saang lupain kayo naninirahan. Pero para sa akin at sa aking sambahayan, sasambahin namin si Yahweh.”Gen 2:24
Kaya iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, makikipag-isa siya sa kanyang asawa, at sila ay magiging isang laman.Awit 127:3–5
Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya. Tulad ng mga palaso sa kamay ng isang mandirigma, gayundin ang mga anak ng iyong kabataan. Mapalad ang taong puno ang kaniyang talangga ng palaso. Hindi siya malalagay sa kahihiyan kapag hinarap niya ang kaniyang mga kaaway sa tarangkahan.Col 3:20
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat nakalulugod ito sa Panginoon.Kaw 31:15–17
Bumabangon siya habang gabi pa at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sambahayan, at ipinamamahagi niya ang mga gawain sa kaniyang mga aliping babae. Isinasaalang-alang niya ang bukirin at ito ay binibili, sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang mga kamay, nakapagtanim siya ng ubasan. Dinadamitan niya ang kaniyang sarili ng lakas at pinalalakas niya ang kaniyang mga braso.2 Cor 12:14
Tingnan niyo! Ako ay handang pumunta sa inyo sa ikatlong pagkakataon. Ako ay hindi magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko gusto ang anumang nasa inyo. Kayo ang gusto ko. Sapagkat ang mga anak ay hindi dapat mag-ipon para sa mga magulang. Sa halip, ang mga magulang ang dapat mag-ipon para sa mga anak.Kaw 13:22
Nag-iiwan ng mana para sa kaniyang mga apo ang taong mabuti, pero ang kayamanan ng makasalanan ay inipon para sa gumagawa ng matuwid.1 Juan 3:17–18
Pero ang sinumang mayroong mga mabubuting bagay sa mundo, nakitang nangangailangan ang kapatid, at isinara ang kanyang maawaing puso sa kanya, papaano mananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos? Mga minamahal kong mga anak, huwag tayong magmahal sa salita o sa dila, pero sa mga gawa at katotohanan.1 Tim 5:4
Ngunit kung ang balo ay may mga anak o di kaya mga apo, matuto muna silang ipakita ang paggalang sa kanilang sariling sambahayan. Suklian muna nila ang kanilang mga magulang, sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon.Gen 18:19
Dahil pinili ko siya para maturuan ang kanyang mga anak pati na ang sambahayan na susunod sa kanya na mapanatili ang kaparaanan ni Yahweh, na gumawa ng matuwid at makatarungan, nang sa gayon maibibigay ni Yahweh kay Abraham ang sinabi niya sa kanya.”Mat 15:4–6
Sapagkat sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at iyong ina,' at 'Sinuman ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay tiyak na mamamatay. Ngunit sinabi ninyo, 'Sinuman ang magsabi sa kaniyang ama o ina, “Anumang tulong ang matanggap sana ninyo na galing sa akin, ngayon ay isa nang kaloob na ibinigay sa Diyos,”' hindi na kailangang igalang ng taong iyon ang kaniyang ama. Sa ganitong paraan binalewala ninyo ang salita ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0