Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pag-aalaga sa matatandang magulang

Pakikipag-ugnayan

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pag-aalaga sa matatandang magulang

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (15), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

1 Tim 5:8Ngunit kung mayroong hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa kaniyang sariling sambahayan, itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya.
1 Tim 5:4Ngunit kung ang balo ay may mga anak o di kaya mga apo, matuto muna silang ipakita ang paggalang sa kanilang sariling sambahayan. Suklian muna nila ang kanilang mga magulang, sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon.
Exo 20:12Igalang ninyo ang inyong ama at inyong ina, para maaari kang manirahanng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ko sa inyo Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos.
Kaw 23:22Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.
Lev 19:32Dapat kayong tumayo sa harapan ng taong may puting buhok at igalang ang presensiya ng isang matandang tao. Dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
Deut 5:16Igalang ang inyong ama at inyong ina, ayon sa iniutos ni Yahweh na inyong Diyos na gawin ninyo, para mabuhay kayo ng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos, at para maging maayos ito para sa inyo.
1 Tim 5:1Huwag mong pagsalitaan nang masama ang lalaking nakakatanda sa iyo. Sa halip, pangaralan mo siya na tulad sa ama. Pangaralan mo ang mga nakakabatang lalaki na parang mga kapatid.
Efe 6:2“Igalang mo ang inyong ama at ina” (na siyang unang kautusan na may pangako),
Juan 19:25–27Ginawa ng mga sundalo ang mga bagay na ito. Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria na asawa ni Cleopas, at Maria Magdalena— ang mga babaeng ito ay nakatayo malapit sa krus ni Jesus. Nang makita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa malapit, sinabi ni Jesus sa kaniyang ina, “Babae, tingnan mo, narito ang iyong anak.” Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa alagad, “Tingnan mo, narito ang iyong ina!” Mula sa mga oras na iyon tinanggap na siya ng alagad na kabahagi ng sariling niyang tahanan.
Isa 46:3–4Makinig kayo sa akin, sambahayan ni Jacob, at lahat kayo, ang mga nalabi sa sambahayan ni Jacob, kayong inalagaan ko mula sa inyong pagsilang, na maalagaan mula sa sinapupunan: Hanggang sa katandaan ay Ako ay siya nga, at hanggang sa magkauban ay dadalhin kita. Ginawa kita, at tutulungan kita, akin kitang dadalhin sa kaligtasan.
Awit 71:9Sa panahon ng aking pagtanda huwag mo akong itapon; huwag mo akong iwanan kapag ang aking lakas ay manghina.
Sant 1:27Ito ay dalisay at walang karumihang relihiyon sa harap ng ating Diyos at Ama: para tulungan ang mga walang ama at balo sa kanilang kapighatian, at para pangalagaan ang sarili mula sa katiwaliaan ng mundo.
Mat 15:4–6Sapagkat sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at iyong ina,' at 'Sinuman ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay tiyak na mamamatay. Ngunit sinabi ninyo, 'Sinuman ang magsabi sa kaniyang ama o ina, “Anumang tulong ang matanggap sana ninyo na galing sa akin, ngayon ay isa nang kaloob na ibinigay sa Diyos,”' hindi na kailangang igalang ng taong iyon ang kaniyang ama. Sa ganitong paraan binalewala ninyo ang salita ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian.
Kaw 23:25Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
Job 12:12Sa mga taong may edad ay karunungan; sa kahabaan ng mga araw ay pang-unawa.

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0