Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pagtataksil at sakit ng loob
Pakikipag-ugnayan
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pagtataksil at sakit ng loob
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Mik 7:5–6
Huwag magtiwala sa kahit na sinong kalapit bahay. Huwag magtiwala sa kahit na sinong kaibigan. Mag-ingat tungkol sa inyong sinasabi maging sa babaeng nakahiga sa inyong mga kamay. Sapagkat hindi igagalang ng isang anak ang kaniyang ama, ang anak na babae ay titindig laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyenang babae. Ang mga kaaway ng tao ay ang mga tao sa kaniyang sariling sambahayan.Mar 11:25
Kapag tumayo ka at mananalangin, kailangan mong patawarin ang kahit na anong mayroon ka laban sa kahit na sino, nang sa gayon ay mapatawad din ng inyong Amang nasa langit ang iyong mga pagsuway.”Awit 118:8
Mas mabuting kumanlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao.Mat 6:14–15
Sapagkat kung patatawarin ninyo ang pagkakasala ng mga tao, patatawarin din kayo ng Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo patatawarin ang kanilang pagkakasala, maging ang inyong Ama ay hindi rin patatawarin ang inyong pagkakasala.Awit 34:18
Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu.Luc 6:27
Ngunit sinasabi ko sa inyo na nakikinig, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo.Awit 41:9
Sa katunayan, kahit ang sarili kong malapit na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan, ang siyang kumain ng aking tinapay, ay inangat ang sakong niya laban sa akin.Luc 21:16
Ngunit kayo ay ibibigay din ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan, at papatayin nila ang iba sa inyo.Luc 22:48
ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Judas, ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”Roma 12:19
Huwag ipaghiganti ang inyong mga sarili, mga minamahal, ngunit bigyang daan ang galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat na, “'Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,' sinasabi ng Panginoon.”Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0