Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pagtanda
Buhay at trabaho
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pagtanda
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Kaw 16:31
Ang uban ay isang korona ng karangalan; nakukuha ito sa pamamagitan ng pamumuhay sa tamang paraan.Isa 46:4
Hanggang sa katandaan ay Ako ay siya nga, at hanggang sa magkauban ay dadalhin kita. Ginawa kita, at tutulungan kita, akin kitang dadalhin sa kaligtasan.Kaw 20:29
Ang dangal ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan, at ang karangyaan ng matatanda ay ang kanilang mga uban.Lev 19:32
Dapat kayong tumayo sa harapan ng taong may puting buhok at igalang ang presensiya ng isang matandang tao. Dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.2 Cor 4:16
Kaya hindi kami nasiraan ng loob. Kahit na pinanghihinaan kami sa aming panlabas na katawan, patuloy na pinalalakas ang amig kalooban sa araw-araw.Job 12:12
Sa mga taong may edad ay karunungan; sa kahabaan ng mga araw ay pang-unawa.Awit 71:18
Tunay nga, kahit na matanda na ako at maputi na ang buhok, O Diyos, huwag mo akong pabayaan, dahil ihinahayag ko ang iyong kalakasan sa susunod na salinlahi, at iyong kapangyarihan para sa lahat ng darating.Awit 71:9
Sa panahon ng aking pagtanda huwag mo akong itapon; huwag mo akong iwanan kapag ang aking lakas ay manghina.Awit 92:14
Namumunga sila kahit sila ay matanda na; nanatili silang sariwa at luntian,Kaw 17:6
Ang mga apo ay korona ng mga matatanda, at ang mga magulang ay nagbibigay dangal sa kanilang mga anak.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0