Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pagtitiyaga

Buhay at trabaho

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pagtitiyaga

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

1 Cor 13:4–5Ang pag-ibig ay mapagpasensya at magandang loob. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit o nagyayabang. Hindi mapagmataas, o hindi marahas. Hindi makasarili, hindi madaling magalit, ni nagkikimkim ng bilang na mga kamalian.
Roma 12:12Magalak sa pag-asang mayroon kayo tungkol sa hinaharap. Maging matiisin sa inyong mga kabalisahan. Magpatuloy sa pananalangin.
2 Ped 3:9Ang Panginoon ay hindi mabagal tungkol sa kaniyang mga pangako, na itinuturing ng iba na kabagalan, ngunit siya ay matiyaga sa iyo. Hindi niya ninanais na sino man sa inyo ay mapahamak, ngunit ninanais niyang bigyan ng panahon ang lahat upang magsisi.
Roma 8:25Ngunit kung nakatitiyak tayo tungkol sa hindi pa natin nakikita, naghihintay tayo ng may pagtitiyaga para dito.
Awit 27:14Maghintay kayo kay Yahweh; maging matatag, at hayaan na maging matapang ang inyong puso! Maghintay kayo kay Yahweh!
Kaw 15:1Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng poot, pero ang malupit na salita ay nagsasanhi ng galit.
Awit 37:7Tumigil ka sa harap ni Yahweh at matiyagang maghintay sa kaniya. Huwag kang mag-alala kung may taong mapagtatagumpayan ang kaniyang masamang balakin kung ang tao ay gumagawa ng masamang mga plano.
Gal 6:9Hindi tayo dapat mapagod sa paggawa ng mabuti, dahil sa takdang panahon magkakaroon tayo ng ani kung hindi tayo susuko.
Efe 4:2Mamuhay kayo nang may buong pagpapakumbaba at pagkamahinahon at katiyagaan. Tanggapin ninyo nang may pagmamahal ang bawat isa.
Col 3:12Kaya nga, taglayin ninyo, bilang mga pinili ng Diyos, banal at minamahal, mga daluyan ng awa, kabaitan, kapakumbabaan, kaamuhan at katiyagaan.

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0