Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Kapalaluan

Buhay at trabaho

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Kapalaluan

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

Fil 2:3Huwag kayong gumawa ng kahit na ano dahil sa kasakiman o walang saysay na pagmamataas. Sa halip ay ituring ninyo nang may kababaang-loob ang iba na higit kaysa sa inyong sarili.
Kaw 8:13Ang pagkatakot kay Yahweh ay para kapootan ang kasamaan — kinapopootan ko ang pagmamataas at kayabangan, ang masamang paraan, at malaswang pananalita — kinapopootan ko sila.
1 Sam 2:3Huwag nang magmataas ng buong kapurihan; huwag hayaang maglabas ng kahambugan ang iyong bibig. Sapagka't si Yahweh ay Diyos ng kaalaman; sa pamamagitan niya tinitimbang ang mga kilos.
Kaw 16:18Nauuna ang kayabangan bago sa kapahamakan at ang mapagmataas na kalooban ay nauuna bago sa isang pagbagsak.
Roma 12:3Sapagkat, dahil sa biyayang ibinigay sa akin, sinasabi ko na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip na mas mataas ang inyong sarili kaysa sa nararapat ninyong isipin. Sa halip, dapat kayong mag-isip ng may karunungan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.
Kaw 16:5Kinamumuhian ni Yahweh ang bawat isa na may mapagmataas na puso, kahit na tumayo pa sila nang magkahawak, hindi sila maliligtas sa kaparusahan.
Isa 13:11Parurusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito at dahil sa kanilang kasalanan. Tatapusin ko ang kayabangan ng mga mapagmataas at ibababa ko ang kayabangan ng mararahas.
Kaw 11:2Kapag dumating ang pagmamataas, saka dumarating ang kahihiyan, pero sa kapakumbabaan dumarating ang karunungan.
Kaw 29:23Ang pagmamataas ng isang tao ay ang magdadala sa kaniya pababa, pero ang siyang may mapagpakumbabang kalooban ay bibigyan nang karangalan.
Kaw 27:2Hayaan mong purihin ka ng isang tao at hindi ang sarili mong labi; isang hindi mo kilala at hindi sa sarili mong mga labi.

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0