Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Kasakiman

Buhay at trabaho

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Kasakiman

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

Heb 13:5Dapat ang paraan ng inyong pamumuhay ay maging malaya mula sa labis na pagmamahal sa pera. Masiyahan sa mga bagay na mayroon kayo, sapagkat sinabi mismo ng Diyos,” Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
1 Tim 6:10Sapagkat ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang mga taong nagnais nito ay nailigaw sa kanilang pananampalataya at tinutusok nila ang kanilang sarili nang labis na kapighatian.
Mat 6:24Walang sinuman ang maaaring maglingkod sa dalawang amo, sapagkat kakamuhian niya ang isa at mamahalin ang isa, o di kaya tapat siya sa isa at hahamakin ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.
Fil 2:4Huwag ninyong tingnan ang pansarili ninyong pangangailangan, ngunit pati na rin ang pangangailangan ng iba.
Luc 12:15At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.”
Kaw 28:25Ang taong sakim ay lumilikha nang away, ngunit ang isa na nagtitiwala kay Yahweh ay magtatagumpay.
1 Tim 6:9Ngayon sa mga gustong yumaman mahuhulog sila sa tukso, sa isang bitag. Sila ay mahuhulog sa kamangmangan at masamang pagnanasa, at sa anumang sisira at wawasak sa mga tao.
Mang 5:10Sinumang nagmamahal sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, at sinuman ang nagmamahal sa yaman ay maghahangad pa nang marami. Ito din ay parang singaw.
Kaw 15:27Nagdadala ng gulo ang magnanakaw sa kaniyang pamilya, pero mabubuhay ang siyang galit sa mga suhol.
Kaw 11:24May isa na siyang naghahasik ng binhi—siya ay makaiipon nang higit pa; ang isa pa ay hindi naghahasik—siya ay darating sa kahirapan.

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0