Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Tulog
Buhay at trabaho
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Tulog
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (11), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Awit 4:8
Sa kapayapaan, ako ay hihiga at matutulog, dahil tanging ikaw, Yahweh, ang nagliligtas at nagpapatiwasay sa akin.Kaw 3:24
kapag ikaw ay humiga, hindi ka matatakot; kapag ikaw ay humiga, ang iyong tulog ay magiging mahimbing.Awit 127:2
Walang saysay na ikaw ay gumising ng maaga at umuwi nang gabing-gabi, o kainin ang tinapay na pinaghirapan, dahil si Yahweh ang nagbibigay ng pinakaaasam na tulog.Awit 91:5
Hindi ka matatakot sa kilabot ng gabi, o sa palaso na lumilipad sa araw,Mat 11:28
Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.Kaw 20:13
Huwag mahalin ang pagtulog o ikaw ay darating sa paghihirap; buksan mo ang iyong mga mata at ikaw ay magkakaroon ng maraming kakainin.Awit 3:5
Nahiga ako at natulog; nagising ako, dahil inalagaan ako ni Yahweh.Mat 8:24
Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus.Awit 121:3–4
Hindi niya papayagang madulas ang paa mo; siya na nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip. Tingnan mo, ang tagapangalaga ng Israel ay hindi kailanman iidlip o matutulog.Kaw 19:23
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay; ang gumagawa nito ay masisiyahan at ligtas sa kapahamakan.Kaw 6:22
Kapag ikaw ay lumakad, papatnubayin ka ng mga ito; kapag ikaw ay natulog, pagmamasdan ka nila; at kapag ikaw ay nagising, tuturuan ka nila.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0