Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Kalusugan
Buhay at trabaho
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Kalusugan
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (15), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
1 Cor 6:19–20
Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu, na siyang namumuhay sa inyo, na inyong tinanggap mula sa Diyos? Hindi ba ninyo alam na hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili? Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya, luwalhatiin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng inyong katawan.3 Juan 1:2
Minamahal, dinadalangin ko na ikaw ay lumago sa lahat ng mga bagay at maging sa kalusugan, katulad ng paglago ng iyong kaluluwa.1 Cor 10:31
Samakatwid, kumakain o umiinom man kayo, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito sa kaluwalhatian ng Diyos.Kaw 17:22
Ang isang masayahing puso ay mainam na gamot, pero ang mabigat na kalooban ay nakakatuyo ng mga buto.1 Tim 4:8
Sapagkat ang pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, ngunit ang pagiging maka-diyos ay mapapakinabangan sa lahat ng bagay. Ito ay may pinanghahawakang pangako ngayon at sa buhay na darating.Exo 15:26
Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”Kaw 3:7–8
Huwag maging marunong sa iyong sariling mga mata; matakot kay Yahweh at talikuran ang kasamaan. Ito ay kagalingan sa iyong laman at inuming makapagpanibagong sigla para sa iyong katawan.1 Cor 3:17
Kung sinuman ang wawasak sa templo ng Diyos, sisirain din ng Diyos ang taong iyon. Sapagkat ang templo ng Diyos ay banal at maging kayo.Kaw 16:24
Ang kaaya-ayang mga salita ay isang pulot-pukyutan - matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.Gen 1:29
Sinabi ng Diyos, “Tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagbibigay ng buto na nasa ibabaw ng buong mundo, at bawat punong-kahoy kasama ang bungang may buto sa loob nito. Sila ay magiging pagkain ninyo.Kaw 31:17
Dinadamitan niya ang kaniyang sarili ng lakas at pinalalakas niya ang kaniyang mga braso.Exo 23:25
Dapat sambahin ninyo ako, si Yahweh na iyong Diyos. Kung gagawin mo, pagpapalain ko ang iyong tinapay at tubig. Aalisin ko ang karamdaman mula sa inyo.Jer 33:6
Ngunit tingnan mo, magdadala ako ng kagalingan at isang lunas, sapagkat pagagalingin ko sila at magdadala ako sa kanila ng kasaganaan, kapayapaan at katapatan.Sant 5:15
at ang panalangin ng may pananampalataya ang magpapagaling sa taong may sakit, at ang Panginoon ang magtataas sa kaniya. Kung nakagawa siya ng kasalanan, patatawarin siya ng Diyos.Sant 5:16
Kaya ihayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa bawat isa at ipanalangin ang bawat isa upang kayo ay mapagaling. Ang panalangin ng matuwid ay magdudulot ng malaking bunga.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0