Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Katarungan
Buhay at trabaho
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Katarungan
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Mik 6:8
Sinabi niya sa inyo, tao, kung ano ang mabuti at kung ano ang nais ni Yahweh mula sa iyo: Kumilos ng makatarungan, umibig na may kabaitan at lumakad na may pagpapakumbaba kasama ang inyong Diyos.Lev 19:15
Huwag idulot na ang paghataol ay maging kasinungalingan. Hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman dahil siya ay mahirap, at hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman sapagkat siya ay mahalaga. Sa halip, maghusga ng matuwid sa inyong kapwa.Exo 23:1–3
Hindi ka dapat magbigay ng isang maling ulat tungkol sa sinuman. Huwag makianib sa taong masama para maging saksi na hindi tapat. Hindi mo dapat sundin ang karamihan ng tao para gumawa ng kasamaan, ni maaari kang sumaksi habang pumapanig kasama ang karamihan ng tao para ilihis ang katarungan. Hindi ka dapat sumang-ayon sa isang taong dukha sa kaniyang kaso sa batas.Deut 1:16–17
Inutusan ko ang inyong mga hukom nang panahong iyon, na nagsasabing, 'pakinggan ninyo ang mga pagtatalo sa pagitan ng inyong mga kapatid, at hatulan ng matuwid ang pagitan ng isang lalaki at kaniyang kapatid, at ang dayuhang kasama niya. Hindi kayo magpapakita ng pagtatangi sa sinumang nasa isang pagtatalo, maririnig ninyo ng magkatulad ang maliit at malaking bagay. Hindi dapat kayo matakot sa mukha ng tao, dahil ang kahatulan ay sa Diyos. Ang pagtatalo na sobrang mahirap para sa inyo, dadalhin ninyo ito sa akin at pakikinggan ko ito.'Isa 1:17
alamin ninyo paano maging mabuti; isulong ninyo ang katarungan, tulungan niyo ang mga inaapi, bigyan ninyo ng katarungan ang mga walang ama, protektahan ninyo ang mga balo.”Amos 5:24
Sa halip, paaagusin ninyo ang katarungan na tulad ng tubig na umaagos, at paaagusin ninyo ang katuwiran tulad ng batis na patuloy sa pag-agos.Kaw 21:15
Kapag ang katarungan ay tapos na, nagbibigay ito ng kagalakan sa gumagawa ng tama, ngunit ito ay nagdadala ng takot sa mga masasamang tao.Isa 30:18
Gayunman naghihintay si Yahweh na maging mapagbigay-biyaya sa inyo. Kaya nga siya ay itataas, handa na bigyan kayo ng awa. Dahil si Yahweh ay isang Diyos ng katarungan; pinagpala ang lahat na naghihintay sa kanya.Awit 33:5
Iniibig niya ang katuwiran at katarungan. Ang lupa ay puno ng katapatan sa tipan ni Yahweh.Isa 61:8
Dahil Ako, si Yahweh, ay maibigin sa katarungan, at kinasusuklaman ko ang pagnanakaw at marahas na kawalan ng katarungan. Tapat akong gaganti sa kanila, at aking puputulin ang walang hanggang tipan sa kanila.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0