Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Tagumpay

Buhay at trabaho

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Tagumpay

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

Kaw 16:3Ipagkatiwala mo ang iyong mga gawain kay Yahweh at magtatagumpay ang mga balak mo.
Fil 4:13Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin.
Awit 37:4Pagkatapos hanapin mo ang kaligayahan kay Yahweh, at ibibigay niya sa iyo ang mga naisin ng iyong puso.
Jer 29:11Sapagkat ako mismo ang nakakaalam ng mga plano na mayroon ako para sa inyo, mga plano para sa kapayapaan at hindi para sa sakuna, upang bigyan kayo ng isang kinabukasan at pag-asa. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Deut 8:18Pero isa-isip ninyo si Yahweh na inyong Diyos, dahil siya ang nagbibigay sa inyo ng kapangyarihan para makakuha ng kayamanan; para maitatag ang kaniyang tipan na kaniyang pinangako sa inyong mga ama, gaya sa araw na ito.
Sant 4:10Magpakumbaba kayo sa harap ng Panginoon, at kayo ay kaniyang itataas.
Jos 1:8Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.
Kaw 3:5Magtiwala kay Yahweh ng buong puso at huwag umasa sa sarili mong pang-unawa;
1 Hari 2:3Sundin mo ang mga utos ni Yahweh na iyong Diyos na lumakad sa kaniyang mga pamamaraan, na sumunod sa kaniyang mga alituntunin, kautusan, desisyon, at mga kautusan sa tipan, maging maingat na gawin kung ano ang nakasulat sa batas ni Moises, sa gayon magtatagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man pumunta,
Mat 16:26Ano ang mapapala ng isang tao, kung mapasakaniya man ang buong mundo ngunit ang kabayaran ay ang kaniyang buhay? Ano ang maibibigay ng tao kapalit ng kaniyang buhay?

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0