Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Paggawa ng desisyon
Buhay at trabaho
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Paggawa ng desisyon
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (15), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Kaw 3:5–6
Magtiwala kay Yahweh ng buong puso at huwag umasa sa sarili mong pang-unawa; sa lahat ng iyong ginagawa ay kilalanin siya at gagawin niyang matuwid ang iyong mga landas.Sant 1:5
Ngunit kung sinuman sa inyo ay nangangailangan ng karunungan, hingin ninyo ito sa Diyos, ang mapagbigay at walang panunumbat sa lahat ng humihingi, at tutugunin niya ito.Kaw 11:14
Kung saan walang matalinong direksiyon, ang isang bansa ay bumabagsak, pero ang tagumpay ay dumarating sa pagsangguni sa maraming tagapayo.Fil 4:6–7
Huwag mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hayaan ninyong malaman ng Panginoon ang inyong mga kahilingan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na humihigit sa lahat ng pang-unawa, ang mag-iingat sa inyong mga puso at isipan kay Cristo Jesus.Kaw 12:15
Ang kaparaanan ng isang mangmang ay tama sa kaniyang paningin, pero ang taong may karunungan, sa payo ay nakikinig.Kaw 15:22
Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay.Isa 30:21
Maririnig ng inyong mga tainga ang salita sa inyong likuran na nagsasabing, “Ito ang daan, lakaran ninyo ito,” kapag lumiko kayo sa kanan o kapag lumiko kayo sa kaliwa.Awit 32:8
Pangangaralan kita at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Pangangaralan kita habang nagmamasid ako sa iyo.Kaw 18:15
Ang puso ng matalino ay nagkakamit ng kaalaman at ang pandinig ng marunong ay naghahangad nito.Kaw 16:9
Sa kaniyang puso, ang isang tao ay nagpaplano ng kaniyang landas, pero si Yahweh ang nagtuturo ng kaniyang mga hakbang.Roma 12:2
Huwag kayong umayon sa mundong ito, ngunit mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip. Gawin ninyo ito upang malaman ninyo kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at ganap na kalooban ng Diyos.Kaw 2:6
Sapagkat si Yahweh ang nagbibigay ng karunungan, mula sa kanyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan.1 Hari 3:9
Kaya bigyan mo ang iyong lingkod ng maunawaing puso para hatulan ang iyong bayan, para malaman ko ang mabuti at masama. Dahil sino ang may kakayahang hatulan ang dakilang bansa mo na ito?”Kaw 16:3
Ipagkatiwala mo ang iyong mga gawain kay Yahweh at magtatagumpay ang mga balak mo.Kaw 1:5
Hayaan ang mga matatalinong tao na makinig at dagdagan ang kanilang nalalaman, at hayaan ang mga nakakaintinding tao na makakuha ng patnubay,Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0