Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Mga plano at kinabukasan
Buhay at trabaho
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Mga plano at kinabukasan
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (14), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Jer 29:11
Sapagkat ako mismo ang nakakaalam ng mga plano na mayroon ako para sa inyo, mga plano para sa kapayapaan at hindi para sa sakuna, upang bigyan kayo ng isang kinabukasan at pag-asa. Ito ang pahayag ni Yahweh.Kaw 16:9
Sa kaniyang puso, ang isang tao ay nagpaplano ng kaniyang landas, pero si Yahweh ang nagtuturo ng kaniyang mga hakbang.Kaw 16:3
Ipagkatiwala mo ang iyong mga gawain kay Yahweh at magtatagumpay ang mga balak mo.Kaw 19:21
Marami ang mga plano sa puso ng isang tao, pero ang layunin ni Yahweh ang siyang mananaig.Kaw 21:5
Ang mga plano ng masipag ang tanging daan sa kasaganahan, ngunit ang lahat ng kumikilos ng masyadong mabilis ay sasapit lamang sa kahirapan.Awit 37:5
Ibigay mo ang iyong pamamaraan kay Yahweh; magtiwala ka sa kaniya, at siya ang kikilos para sa iyo.Kaw 15:22
Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay.Kaw 3:5–6
Magtiwala kay Yahweh ng buong puso at huwag umasa sa sarili mong pang-unawa; sa lahat ng iyong ginagawa ay kilalanin siya at gagawin niyang matuwid ang iyong mga landas.Luc 14:28
Sapagkat sino sa inyo, ang naghahangad na magtayo ng isang tore, ang hindi muna mauupo at bibilangin ang gastos upang kuwentahin kung nasa kaniya ang mga kailangan niya upang ito ay tapusin?Sant 4:13–15
Makinig, kayo na mga nagsasabing, “Ngayon o bukas ay pupunta tayo sa ganitong bayan, at titigil ng isang taon doon, at mangangalakal, at kikita.” Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas, at ano nga ba ang inyong buhay? Dahil katulad kayo ng hamog na sandaling lumilitaw at biglang nawawala. Sa halip ganito dapat ang sabihin ninyo, “Kung ito ang kalooban ng Panginoon, at nabubuhay pa kami gagawin namin ito o iyan.”Kaw 27:1
Huwag ipagyabang ang patungkol bukas, dahil hindi mo alam kung ano ang maaaring dala ng isang araw.Isa 43:18–19
Huwag ninyong isipin ang mga dating pangyayari, ni alalahanin ang mga bagay na nangyari noong unang panahon. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ngayon ito ay magsisimulang mangyari; hindi mo ba ito naunawaan? Gagawa ako ng isang daanan sa disyerto at batis ng tubig sa ilang.Awit 20:4
Nawa ay ipagkaloob niya sa iyo ang hinahangad ng iyong puso at tuparin ang lahat ng iyong mga plano.Kaw 6:6–8
Tingnan mo ang langgam, ikaw na tamad na tao, pagmasdan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at maging matalino. Wala siyang tagapag-utos, opisyal, o tagapamahala, gayon pa man ay naghahanda siya ng pagkain sa tag-init, at habang sa pag-aani ay nagtatabi ito ng kung ano ang kakainin.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0