Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Ang Pagpapakasakit
Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Ang Pagpapakasakit
Nilibak ng mga sundalo si Jesus
Mat 27:27–31 · Mar 15:16–20 · Juan 19:2–3
Mat 27:27–3127Pagkatapos, dinala ng mga kawal ng gobernador si Jesus sa pretorio at tinipon ang buong pulutong ng mga kawal.
28At hinubaran nila siya at nilagyan ng pulang pula na balabal.
29At gumawa sila ng koronang tinik at inilagay sa kaniyang ulo, at naglagay ng tungkod sa kaniyang kanang kamay. Sila ay nagpatirapa sa kaniyang harapan at kinutya siya, at nagsabi, “Sambahin, ang Hari ng mga Judio!”
30At siya ay dinuraan nila, at kinuha nila ang tungkod at hinampas siya sa ulo.
31Pagkatapos nilang kutyain siya, tinanggal nila ang kaniyang balabal at isinuot sa kaniya ang sarili niyang damit, at inilabas nila siya upang ipako siya sa krus.
Mar 15:16–2016Dinala siya ng mga kawal sa loob ng patyo (ng kwartel), at tinawag nila ang buong hukbo ng mga kawal.
17Nilagyan nila si Jesus ng balabal na kulay lila, at gumawa sila ng isang koronang gawa sa tinik at ipinatong ito sa kaniyang ulo.
18Nagsimula silang saluduhan siya at sinabi, “Mabuhay, Hari ng mga Judio!”
19Hinampas nila ang kaniyang ulo ng tambo at dinuraan siya. Nagluhod-luhuran silang nagpakita ng paggalang sa kaniya.
20Nang matapos nila siyang kutyain, tinanggal nila mula sa kaniya ang balabal na kulay lila at inilagay sa kaniya ang kaniyang mga damit, at pagkatapos inilabas siya upang ipako sa krus.
Juan 19:2–32Ang mga sundalo ay pumilipit ng mga tinik upang gumawa ng korona. Inilagay nila ito sa ulo ni Jesus at dinamitan siya ng kulay lilang na kasuotan.
3Lumapit sila sa kaniya at sinabi, “Bigyang parangal, ang Hari ng mga Judio!” At hinampas nila siya ng kanilang mga kamay.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY