32Habang sila ay lumalabas, nakakita sila ng taong taga Cirene na nagngangalang Simon, na kanilang pinilit na sumama sa kanila upang pasanin niya ang kaniyang krus.
33At sila ay nakarating sa lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay, “Lugar ng mga Bungo.”
34At siya ay binigyan ng alak na may halong apdo. Ngunit nang matikman niya ito, ayaw niya itong inumin.
35Nang siya ay ipinako nila sa krus, pinaghati-hatian nila ang kaniyang mga kasuotan sa pamamagitan ng pagsasapalaran.
36At sila ay nagsiupo at binantayan siya.
37Sa itaas ng kaniyang ulo ay nilagyan nila ng sakdal laban sa kaniya na nagsasabi, “Ito ay si Jesus, ang Hari ng mga Judio.”
38May dalawang magnanakaw na naipako sa krus na kasama niya, ang isa ay sa kaniyang kanan at ang isa ay sa kaniyang kaliwa.
39At hinamak siya ng mga dumaan, at iniling ang kanilang mga ulo
40at nagsasabi, “Ikaw na sisira ng templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka riyan sa krus!”
41Sa ganoon ding paraan kinutya siya ng mga punong pari, kasama ng mga eskriba at mga nakatatanda, at sinabi,
42Siya'y nagligtas ng iba, ngunit hindi niya kayang iligtas ang kaniyang sarili. Siya ay Hari ng Israel. Hayaan mo siyang bumaba mula sa krus at tayo ay maniniwala na sa kaniya.
43Nagtiwala siya sa Diyos. Iligtas siya ng Diyos ngayon kung nais niya, dahil sinabi niya, 'Ako ay Anak ng Diyos. ’
44At ang mga magnanakaw na kasama niyang naipako sa krus ay nagsalita din ng katulad na panlalait sa kaniya.