Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Pagtuturo
Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Pagtuturo
Ang Panalangin ng Panginoon
Mat 6:9–13 · Luc 11:2–4
Mat 6:9–139Kaya manalangin kayo ng katulad nito: 'Ama naming nasa langit, gawing banal ang iyong pangalan.
10Pumarito ang inyong kaharian, mangyari ang iyong kalooban, dito sa lupa katulad ng sa langit.
11Bigyan mo kami ngayon ng aming pang araw-araw na pagkain.
12Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang katulad din ng pagpapatawad namin sa mga nagkautang sa amin.
13At huwag mo kaming dalhin sa tukso, ngunit iligtas mo mula sa masama.
Luc 11:2–42Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mananalangin, sabihin ninyo, 'Ama, sambahin ang iyong pangalan. Ang kaharian mo ay dumating.
3Bigyan mo kami ng aming tinapay sa araw-araw.
4Patawarin mo kami sa aming mga kasalan gaya ng pagpapatawad namin sa may pagkakautang sa amin. Huwag mo kaming itungo sa tukso.'”
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY