Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa Jerusalem

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa Jerusalem

Ang pagpasok sa Jerusalem

Mat 21:1–11 · Mar 11:1–11 · Luc 19:28–40 · Juan 12:12–19

Mateo

Mat 21:1–11

1Habang si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay papalapit na sa Jerusalem at dumating sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo, sinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad

2na nagsasabi sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makakakita kaagad kayo ng nakataling asno at may kasamang isang batang asno. Kalagan ninyo sila at dalhin sa akin.

3Kung may magsabi sa inyo ng kahit na ano sa inyo tungkol dito sabihin ninyo, 'Kailangan sila ng Panginoon,' at kaagad-agad ipapadala ng taong iyon ang mga iyon sa inyo.

4Ngayon nangyari nga ito upang maganap kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng propeta. Sinabi niya,

5“Sabihin sa anak na babae ng Sion, 'Tingnan mo, ang inyong Hari ay darating sa inyo, mapagpakumbaba at nakasakay sa asno at sa batang asno, ang anak ng asno.

6At ang mga alagad ay nagpunta at ginawa kung ano ang ibinilin sa kanila ni Jesus.

7Dinala nila ang asno at ang batang asno, at inilagay nila ang kanilang mga damit sa kanila, at umupo roon si Jesus.

8Karamihan sa mga tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan, ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga kahoy at inilatag sa daan.

9Ang mga taong nauna kay Jesus at ang mga sumunod sa kaniya ay sumisigaw na nagsasabi, “Hosana sa anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Hosana sa kataas-taasan!”

10Nang makarating si Jesus sa Jerusalem, ang buong lungsod ay nagkagulo at nagsabi, “Sino ba ito?”

11Ang mga tao ay sumagot, “Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia.”

Marcos

Mar 11:1–11

1Ngayon nang makarating sila sa Jerusalem, nang malapit na sila sa Betfage at Bethania, sa Bundok ng Olibo, inutusan ni Jesus ang dalawa niyang alagad

2at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo sa nayon sa tapat natin. Sa oras na makapasok kayo, makakakita kayo ng isang batang asno hindi pa nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin ninyo sa akin.

3At kung sinuman ang magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo ginagawa iyan?', sabihin ninyo lang, 'Kailangan ito ng Panginoon at ibabalik din ito agad dito.'”

4Umalis sila at nakita ang isang batang asno na nakatali sa labas ng isang pintuan sa lansangan at kinalagan nila ito.

5May ilang mga tao ang nakatayo doon at nagtanong sa kanila, “Anong ginagawa ninyo at kinakalagan ninyo ang bisiro?”

6Sinagot nila sila gaya ng sinabi sa kanila ni Jesus at pinabayaan na silang makaalis ng mga tao.

7Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at nilatagan nila ito ng kanilang kasuotan upang masakyan niya.

8Maraming mga tao ang naglatag ng kanilang mga kasuotan sa daan at mayroon din namang naglatag ng mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin.

9Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, “Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.

10Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!”

11Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa loob ng Jerusalem at tumuloy sa templo at tumingin sa paligid at sa lahat ng mga bagay. Ngayon, dahil hapon na, pumunta siya sa Bethania kasama ang Labindalawa.

Lucas

Luc 19:28–40

28Nang nasabi na niya ang mga bagay na ito, nauna na siyang pumunta, paakyat sa Jerusalem.

29At nangyari nang palapit na siya sa Bethfage at sa Bethania, sa bundok na tinatawag na Olivet, nagsugo siya ng dalawa sa mga alagad,

30sinasabi, “Pumunta kayo sa kabilang nayon. Sa inyong pagpasok, matatagpuan ninyo ang isang bisiro na hindi pa kailanman nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin sa akin.

31Kung may magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo kinakalagan iyan?' sabihin ninyo, 'Kailangan ito ng Panginoon.'”

32Ang mga isinugo ay pumunta at natagpuan ang bisiro gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila.

33Habang kinakalagan nila ang bisiro, sinabi ng mga may-ari sa kanila, “Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?”

34Sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.”

35Dinala nila ito kay Jesus, at inilagay nila ang kanilang mga kasuotan sa ibabaw ng bisiro at pinasakay si Jesus.

36Habang siya ay nagpapatuloy, inilatag nila ang kanilang mga kasuotan sa daan.

37Nang palapit na siya sa libis ng Bundok ng mga Olibo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga kamangha-manghang gawa na kanilang nakita,

38na sinasabi, “Pinagpala ang hari na naparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataastaasan!”

39Sinabi sa kaniya ng ilan sa mga Pariseong kasama ng maraming tao, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.”

40Sumagot si Jesus at sinabing, “Sinasabi ko sa inyo, kung tatahimik sila, ang mga bato ay sisigaw.”

Juan

Juan 12:12–19

12Nang sumunod na araw, napakaraming tao ang dumating para sa kapistahan. Nang kanilang marinig na si Jesus ay darating sa Jerusalem,

13kumuha sila ng mga sanga sa mga puno ng palma, at lumabas upang salubungin siya at sumigaw: “Osana! Pinagpala siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!”

14Nakita ni Jesus ang isang asno, at umupo siya rito, gaya ng nasusulat,

15“Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno.”

16Hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga ito sa simula, ngunit nang maluwalhati na si Jesus, naalala nila na ang mga bagay na ito ay nasulat patungkol sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito ay.

17Ngayon ang maraming mga tao na nakasama ni Jesus ng tawagin niya si Lazarus palabas sa libingan at binuhay mula sa mga patay, ay nagpatotoo sa iba.

18Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga tao ay lumabas upang salubungin siya, dahil narinig nilang ginawa niya ang tandang ito.

19Kaya nagsabi ang mga Pariseo sa isa't isa: Tingnan ninyo, wala kayong magagawa; tingnan ninyo, ang sanlibutan ay sumusunod sa kaniya.”

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY