12Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati.
13Sinabi niya sa kanila, “Ito ay nasusulat, 'Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
14At pumunta sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga lumpo at sila ay pinagaling niya.
15Subalit nang makita ng mga pinunong pari at ng mga eskriba ang mga kamanghamanghang mga bagay na kaniyang ginawa, at nang mapakinggan nila ang mga bata na sumisigaw sa templo at nagsasabi, “Hosana sa anak ni David,” sila ay lubhang nagalit.
16Sinabi nila sa kaniya, “Narinig mo ba kung ano ang sinasabi ng mga taong ito?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Oo! Ngunit hindi ba ninyo nababasa, 'Na mula sa mga bibig ng mga sanggol at mga sumususo pa lamang ay ginawa mong ganap ang papuri'?”
17At iniwan sila ni Jesus at nagtungo sa lungsod ng Betania at natulog doon.